Most Holy Trinity Parish Youth Ministry

Most Holy Trinity Parish Youth Ministry SIMBAKAL
SERVANTS OF THE LORD

19/12/2025

Ilang araw na lang, PASKO na! Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang pagbebenta ng ALAWATAN SA PASKO at meron ng 49 na pamilya ang makakatanggap ng dagdag Noche Buena.

Isang patunay lamang ito na ang diwa ng pasko ay patungkol sa pagbibigayan at pagmamahalan.

15/12/2025
13/12/2025

๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ง๐š ๐Œ๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐!

Bukas ay ating ipagdiriwang ang ๐‘๐ข๐ญ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ˆ๐ง๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐ง๐  ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐€๐ฅ๐ญ๐š๐ซ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐  ๐Œ๐จ๐ฌ๐ญ ๐‡๐จ๐ฅ๐ฒ ๐“๐ซ๐ข๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก โ€”isang mahalagang sandali ng pagtatalaga, pananampalataya, at bukas-pusong paglilingkod.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at maging saksi sa pangakong ihahandog ng ating mga Lingkod sa Diyos at sa Simbahan. Sa kanilang pagsusuot ng kasuotan ng paglilingkod, ipinaaalaala sa atin na ang tunay na paglilingkod ay nagsisimula sa pusong handang magmahal at maglingkod.

Makibahagi, manalangin, at sumuporta dahil ang Simbahan ay lalong nagiging buhay kapag sama-sama tayong naglilingkod.

06/12/2025

๐๐€๐๐€๐๐†๐€๐‘๐Ž, ๐ˆ๐‹๐€๐‹๐Ž ๐“๐€๐ ๐‹๐ˆ๐Šร‰๐“: ๐€๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ

Sa panahon na ang โ‚ฑ500 ay madalas hindi na umaabot, pipili ka ba ng bigas o tinapay? Kape o gatas? Ngayon, hindi mo na kailangang mamili dahil sa Alawatan sa Pasko, ang pag-ibig ng Diyos ang siyang pupuno.

Isang timba ng biyaya.
Isang timba ng pag-asa.
Isang timba ng pagmamahal: 5 kg bigas, loaf bread, kape, sardinas, corned beef, asukal, spaghetti at sauce. Mga simpleng pagkain, pero hatid ay tunay na yakap ni Kristo para sa bawat kapatid nating nasa laylayan ng lipunan.

Sa Paskong ito, nais naming ipadama:
Hindi ka nakakalimutan.
Hindi ka nag-iisa.
Kasama mo si Kristo.

Maging daluyan tayo ng liwanag.
Maging timba ng pag-asa para sa iba.
Alawatan sa Pasko, dahil ang bawat regalo, tanda ng pag-ibig ng Diyos.

30/11/2025

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ–๐ญ๐ก ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐›๐ฒ๐ญ๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ, ๐…๐ซ. ๐!

We could have friends and a father, but not everyone is blessed to have a priest like you. You are more than a mentor, teacher, and guideโ€”you are a light that inspires hope, spreads kindness, and nurtures the faith of everyone around you.

Your unwavering dedication, compassion, and love for your flock remind us daily of Godโ€™s grace. May this milestone be filled with joy, blessings, and the assurance that your guidance touches countless hearts and transforms lives.

Thank you for being a shepherd not just of faith, but of hope and love. May God continue to bless you abundantly as you continue to shine His light in our community.

15/11/2025
Sa bawat hampas ng malalakas na hangin at pag-ikot ng bagyo sa ating buhayโ€”mga suliraning minsan ay nagpapayanig sa atin...
09/11/2025

Sa bawat hampas ng malalakas na hangin at pag-ikot ng bagyo sa ating buhayโ€”mga suliraning minsan ay nagpapayanig sa ating loobโ€”paalala ito na hindi tayo kailanman nag-iisa. Ang ating pananampalataya ang siyang nagiging sandigan kapag natatangay tayo ng takot at panghihina. At sa kabila ng lahat, ipinapaalala ng Diyos na walang unos ang hihigit sa Kanyang paglingap at pagprotekta. Kapag kumapit tayo sa Kanya, makakatagpo tayo ng kapayapaan sa gitna ng kaguluhan, liwanag sa gitna ng dilim, at lakas sa bawat pagod ng puso. Siya ang ating tahanan sa gitna ng bagyo.

Address

San Carlos City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Most Holy Trinity Parish Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share