19/10/2025
"PARA SA PASTOL NA NANATILI"
Hindi lang kayo boses sa likod ng pulpito.
Kayo ay presensya
Isang kamay na laging nakaalalay,
Isang dasal na hindi nagsasawa,
Isang paalala na ang Diyos,
Hindi lang himala ang ipinapadala,
Minsan, tao rin.
Noong kumikislap na lang ang pananampalataya namin,
Hindi kayo tumalikod.
Pumili kayong manatili.
Hindi dahil madali,
Kundi dahil mas malakas ang pagtawag
Kesa sa pagod.
Sa bawat bersikulong ibinabahagi ninyo,
Dalawang oras man ang lumipas,
Hindi namin naramdaman ang bigat ng oras,
Dahil bawat salita, may buhay at may pag-asa.
At kahit kailan, hindi ka nauubusan
Ng paalalang nakaugat sa Salita ng Diyos,
Na para bang isinulat mismo
Para sa mga sugat na hindi namin masabi.
Hindi lang kayo nagturo tungkol sa mga pagsubok,
Kasi nakita rin naming humarap kayo sa sarili niyong hirap.
Hindi lang kayo nagsalita tungkol sa bagyo ng buhay,
Dahil nakita namin kung paano kayo nanatiling matatag
Para kami ay manatiling ligtas at panatag.
At sa tuwing may nakakasakit sa amin,
Paulit-ulit mong paalala:
“Kapag may nagawang hindi maganda sa inyo,
ipanalangin ninyo. Hate the sin, not the sinner.”
Salamat sa pagpapakita
Ng isang buhay na wangis ni Kristo,
Sa pagtuturo ng pag-ibig higit sa galit,
At kapatawaran higit sa paghihiganti.
Buhat niyo ang bigat ng mga panalangin
Na hindi man lang nabanggit nang malakas.
Lumuha kayo para sa mga kaluluwang
Hindi alam na ipinagdasal niyo sila.
Minahal niyo ang mga wasak
Kahit minsan, doon rin kayo nasasaktan.
Hindi namin laging nakikita
Ang mga laban niyong tahimik,
Pero ramdam namin ang tapang niyo
Sa bawat, “May pag-asa pa,”
Sa bawat, “Tayo’y manalangin,”
Sa bawat pangaral
Na parang gamot sa kaluluwa, ramdam namin.
Kaya ngayong araw,
Hindi lang ito pasasalamat.
Ito ay pagkilala.
Ito ay pagpapahalaga na buhay.
Ito ang paraan naming sabihing:
“Nakikita namin kayo, Pastor.
Salamat sa Diyos na ipinadala ka Niya sa amin.
Dahil maraming g**o,
Maraming lider,
Maraming tagapagsalita at mangangaral,
Pero hindi lahat
May pastol na nananatili.
At kayo Pastor ay, nanatili.
Kaya karapat-dapat kang parangalan.
At kung sakaling dumating ang araw
Na maramdaman niyong wala nang nakakaalala,
Na tila wala nang nakakaunawa...
Huminga kayo, Pastor…
Dahil narito kami,
At narito ang Diyos na hindi kayo iniwan,
Na ginamit kayo…
Upang iligtas ang ilan sa amin
Sa mga buhay na muntik nang sumuko.
Hindi lang ito tula.
Ito ay pagpapatunay na may mga kaluluwang
Nagpatuloy… dahil hindi kayo sumuko.
At kung hahanapin niyo ang ebidensya
Na hindi nasayang ang bawat luha at panalangin niyo.
Narito ako.
Isa ako sa mga bunga ng mga panalangin ninyo.
𝓦𝓮 𝓪𝓹𝓹𝓻𝓮𝓬𝓲𝓪𝓽𝓮 𝔂𝓸𝓾, 𝓟𝓪𝓼𝓽𝓸𝓻 𝓡𝓮𝓷𝓮.
𝓗𝓪𝓹𝓹𝔂 𝓹𝓪𝓼𝓽𝓸𝓻'𝓼 𝓶𝓸𝓷𝓽𝓱 𝓽𝓸 𝓪𝓵𝓵 𝓽𝓱𝓮 𝓹𝓪𝓼𝓽𝓸𝓻𝓼!