19/11/2020
"NUMERO"
SIYAM , siyam na letra sa salitang mahal kita,
Pumasok sa reyalidad na pag-ibig ay masaklap,
Kaltasan ng isa WALO ang natira,
Paghanga kay sinta nasa iba niya ginawa.
Sa PITONG nalalabi ako parin ay mananatili,
Mananatili kahit dimo pinili.
Kahit umabot pa sa ANIM , sakit ay kikimkimin ,
Dahil mahirap mag dibdib kung hindi ka inibig.
Pero paano kung LIMA na?
At maalalang wala nang pag-asa.
Mananatili parin ba?
Sa APAT na segundong natitira.
Isa , dalawa , TATLO hihinga ng malalim hanggang kaya ko,
At sa pagmulat ng DALAWANG mata ko.
Aking lilinawin sa mundong ito,
ISANG panaginip nanaman ang naranasan ko.