24/08/2026
DIRETSO ANG IMPROVEMENT NG BRGY. TARECE..
-Yan ang isa sa maipapangako ng butihing PB. Gerardo Mercado ng brgy. Tarece, San Carlos City, Pangasinan.
Bukod sa mga nauna ng mga proyekto na naisumite at naisakatuparan, kagaya ng bagong Brgy. Hall, Day Care center, covered court, maayos na pagsasakatuparan ng pagtatapon ng basura, paglilinis ng drainage at iba pang malalaking proyekto, Aniya diretso pa din ang kanyang pangarap para sa nasabing Brgy.
Kagaya na lamang ng pagsasaayos ng kalsada upang ang mga tubig ulan ay didiretso na agad sa kanal, mas dagdag seguridad at privacy sa brgy hall sa pamamagitan ng paglalagay ng bakod at pag gawa ng resolusyon upang magkaron ng sariling evacuation center ang brgy at iba pa.
Sinabi pa niya na ang kanyang nakuha sa boto ay hindi titulo bilang isang Punong Branggay kungdi isang responsibilidad bilang ama ng kanilang tahanan na brgy. Tarece.
Mensahe naman nya sa kanyang mga ka-baranggay na ang naunang tulong para sa nangyaring malalakas na pag-ulan bunsod ng bagyo at habagat, ay meron pa ding nakalaan na tulong kung sakali man na magkaroon pa ng mga susunod na bagyo at habagat sa mga susunod na buwan..
Dagdag pa Niya, kung sakaling matuloy man ang eleksyon ngayon nobyembre 2026, ay malayang mamili ang kanyang kabaranggay ng kanilang iboboto, at kung may mahanap man sila na mas makapagbibigay ng kaunlaran sa brgy, mismong ang Punong Branggay ay sasamahan pa sila para bumuto sa taong ito dahil ang kanyang hangad ay ikabubuti ng Brgy.