Our mission is to share the teachings of God and actively engage in evangelizing our community. Kasaysayan ng Parokya ni
San Pedro Calungsod
( Pury, San Antonio,Quezon )
Taon 2012, ang lka-60 taon ng Parokya ng Kamahal- Mahalang Puso ni Hesus na binubuo ng 20 Barangay sa magkasanib
na pamamahala nina Fr. Sa grasya ng Diyos at bunga ng kaisipan ni Fr. Arnel ay naiplano ang pagbuo ng isang paro
kya at simbahan bilang
pag-unlad ng Parokya ng Mahal na Puso ni Hesus, kaalinsabay ang pagdiriwang ng Taon ng Pananampalataya or Year
of Faith. Itinalaga ang simbahan sa karangalan ni San Pedro Calungsod na magiging patron ng inihahandang bagong parokya, Ito'y binubuo ng 6 na barangay mula sa San Antonio at 2 barangay mula sa Tiaong, Quezon. Arnel na makasama sa Roma sa Canonization ni San Pedro Calungsod at doon ay hiniling niya kay San Pedro
Calungsod na tulungan maipatayo ang simbahan. Maganda pa ring pagkakataon nang dumalaw sa ibat-ibang parokya
ang Imahen ni San Pedro Calungsod buhat sa Cebu at dito sa San Antonio ang unang parokya sa Diocesis ng Lucena ang dinalaw. Sa maikling oras ng pagtigil ng Imahen ay marami ang sumalubong at namintuho sa Santo. Ang lupang ninanais pagtayuan ng magiging simbahan ay may kabuuang
5,009 square meters na pag-aari nina Ginoo at Ginang Fred & Lucy Castillo na nasa tabing-kalsada at may maayos na kapaligiran. Ang mag-asawang nagmamay-ari ng lupa ay sumasang-ayon na ito ay
pagtayuan ng simbahan at kanilang ibebenta sa halagang Php500.00
per square meter. Bago ito ay nagkaroon ng offer ang lglesia ni Cristo na bilhin ang nabanggit na lupa, ngunit ninais ng mag-asawa na sa Simbahang Katoliko ipagbili ang lupa. Ang termino ng pagbabayad ay
ayon sa kakayanan ng parokya, ngunit ninais na magbigay ng paunang
bayad para sa magiging pangangailangan ng mag asawang nagmamay-ari ng lupa. bibigyan ng 10 taong palugit upang mabayaran ang kabuuang halaga ng lupa. Ang nasabing lokasyon ay
maaaring pagpagawan ng isang simbahan na may kapasidad na humigit
kumulang 500 katao at mayroon pang sapat na espasyo para sa parking
area at bulwagang pamparokya. January1, 2013, Isinagawa ang lighting of 2013 candles sa palayang
pagtatayuan ng simbahan, at sa taong nabanggit ay sinimulan na rin ang paggawa ng simbahan. October 21, 2013, Nagdaos ng unang misa para sa unang taon ng pagiging
santo ni San Pedro Calungsod sa pangunguna ni Lubhang Kagalang-
galang Emilio Z. Isinagawa rin ang pagbabasbas ng paligid. Simula noon ay regular nang may misa tuwing araw ng Linggo sa Ika-4 ng hapon. February 11, 2015, dumating si Rdo. Isagani Z. Reyes na itinalaga bilang paring tagapamahala ng proposed parish sa patuloy na paghahanda nito upang maging isang ganap na Parokya. June 30, 2015, opisyal na itinatag bilang isang Parokya ang Simbahan ni San Pedro Calungsod at itinalaga si Rdo. lsagani Z. Reyes bilang unang lingkod Pari. Noong Nakaraang Taon 2021, nagkaroon ng reshuffle ang lahat ng mga Kaparian sa buong Diocese ng Lucena at sa araw ng June 30,2021, ay Opisyal na nagkaroon ng Switching ng mga Kaparian. Kaalin-sabay sa pagdiriwang ng Anibersaryo ng Parokya,Gayundin ang pagtatalaga sa bagong Pari na si Rdo.P. Alexander D.Oracion na mamahala sa Parokya. Sa kasalukuyan,ay patuloy ang pagsasa-ayos ng simbahan at pagdalangin sa tulong ni San Pedro Calungsod na
makatagpo ng mga taong magkakaloob ng tulong at suporta sa patuloy na pagpapagawa hanggang matapos at makumpleto ang kabuuan ng simbahan ng Mahal na Patron ni San Pedro Calungsod.
-Social Communication Ministry
SPCP MEDIA