27/01/2026
TINGNAN | IRM EC MINISTRIES - ANG NAGING PAG-HAHANDA
_"Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakasipag kayo, at huwag nang mag-alinlangan, na lagi kayong nagsisikap sa gawain ng Panginoon, yamang alam ninyo na hindi masasayang ang inyong pagpapagal sa Panginoon."_
1 Corinthians 15:58
Bago pa man nagsimula at natapos ang ika-dalawampu't limang Anibersaryo noong nskaraang linggo-Enero 25, 2026, ang IRMEC - San Nicolas ay lubos na naghanda - kasama ang YWAP o Youth With A Purpose at mga Ka-Nanayan sa pangunguna nina Sis. Ehrine at Sis. Edna, gayun din ang Ka-Tatayan sa pangunguna nina Bro. Non at Bro. Manuel - ang pag pi-pinta, pag-aayus ng mga kurtina, pag-palit ng bobong at pag-tabas ng mga damo at pagkurti ng halaman.
Makikita rin sa litrato ang District Superintendent na si Ptr. Reynaldo Amaro na sya ring kasulukuyang Resident Pastor ng IRM EC - Dalakit. Sa banta ng masamang panahon at malalakas na hampas ng alon sa tabi ng bahay-sambahan nagkaruon ng bayanihan sa pag-aayus ng seawall bilang pangunahing pananggalang sa tuluyan nitong pagkasira at pag-kain sa parte ng baybayin kung saan nakatindig ang bahay-sambahan.
Sa kabila ng naudlot na selebrasyon ng anibersaryo na dapat ay ginanap sa pangatlong linggo ng unang buwan ng aton, ang pagdiriwang ay naging masaya kasama ang gabay at mainit na pag lukob ng banal na ispirtu ng Dyos sa gawaing natapos sa sumunod na linggo.
Sa larawan din ma-aaninag ang pagtutulungan ng mga kapatiran para sa kaluwalhatian ng Dyos na Buhay. Ang ministry ay di lamang nalilimitahan sa pagtugtog, pag-kanta, pag-pamalakaya ng banal na salita-kundi maging sa simpleng pagpapagal sa kagandahan at kaayusan ng Bahay - sambahan ay naipapakita ang ating, tungkulin o dedikasyon sa pag-samba sa buhay na katutohanan.