Parokya ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, San Antonio, Quezon

Parokya ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, San Antonio, Quezon Opisyal na pahina ng Parokya ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus.

Dito matatagpuan ang mga anunsyo, iskedyul ng mga banal na misa, gawain ng parokya, at mga programang pangsimbahan.

22/08/2026

Ang Banal na Misa | Ikadalwampu't Isang Linggo sa Karaniwang Panahon | Linggo | 23 Agosto 2026 | 8:30 a.m

22/08/2026

Ang Banal na Misa | Ikadalwampu't Isang Lingg sa Karaniwang Panahon | Sabado | 22 Agosto 2026 | 6:00 p.m |

ANG BANAL NA MISAIKA - 21 LINGGO NG KARANIWANG PANAHONSABADO | 22 Agosto 2026 | 6:00 pmLINGGO | 23 Agosto 2026 | 6:00 am...
22/08/2026

ANG BANAL NA MISA

IKA - 21 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON

SABADO | 22 Agosto 2026 | 6:00 pm
LINGGO | 23 Agosto 2026 | 6:00 am, 8:30 am

UNANG PAGBASA
Isaias 22, 19-23

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinabi ng Panginoon kay Sabnang katiwala sa palasyo:
“Aalisin kita sa iyong katungkulan,
at palalayasin sa iyong kinalalagyan.
Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod,
si Eliaquim na anak ni Helcias.
Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan,
ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan,
siya ang magiging pinakaama ng Jerusalem at ng Juda.
Ibibigay ko sa kanya ang susi ng bahay ni David;
ang kanyang buksa’y walang makapagsasara
at walang makapagbubukas ng ipininid niya.
Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda
itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar
at siya’y magiging marangal na luklukan
para sa sambahayan ng kanyang ama.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Ako, P**n, buong pusong aawit ng pasalamat,
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dakila man ang P**ng D’yos, mahal din niya ang mahirap
kumubli ma’y kita niya yaong hambog at pasikat.
Ang dahilan nito, P**n, pag-ibig mo’y di kukupas.
at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 11, 33-36

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan! Gaya ng nasusulat:

“Sapagkat sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoon,
O sino ang nakapagkaloob ng anuman sa Diyos
para siya nama’y gantimpalaan?”

Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 16, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Pedro, ang saligan
ng aking simbahang banal
na daig ang kamatayan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

MISA NG LAKBAY-DALAW SA MGA MSK | AGOSTO 21, 2026 | BIYERNESIsang mapagpalang paglalakbay ng pananampalataya, pag-asa at...
21/08/2026

MISA NG LAKBAY-DALAW SA MGA MSK | AGOSTO 21, 2026 | BIYERNES

Isang mapagpalang paglalakbay ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig ang isinagawang Misa ng Lakbay-Dalaw sa mga Munting Sambayanang Kristiyano (MSK) ngayong araw sa:
MSK BRIONES CENTRO (8:30am)
MSK BRIONES ULAN (10:00am)
MSK SAMPAGUITA LOOBAN (6:00pm)

HOMILIYA
“Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang nakabatay sa kagandahan, kabutihan, o sa kung ano ang nakikita natin sa isang tao. Tayo bilang tao ay madalas magmahal dahil may nakikita tayong maganda sa iba, ngunit ang Diyos ay naiiba, mahal Niya tayo kahit tayo ay makasalanan at hindi karapat-dapat.

Itinuturo sa atin ni Hesukristo ang dakilang utos: “Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.” Kaya ang pag-ibig ay hindi lamang romantikong pagmamahalan ng babae at lalaki. Ito ay pag-ibig na nakatuon sa Diyos at sa ating kapwa.

Ang salitang LOVE ay maaaring maging paalala sa tunay na kahulugan ng pagmamahal:

* L – Look beyond yourself, (Matutong tumingin sa pangangailangan ng iba.)
* O – Offer yourself to others, (Ang tunay na pagbibigay ay nararamdaman natin na tayo ay nakulangan)
* V – Value one another, (Kung papaano natin pahalagahan at mahalin ang Diyos dapat ganun din natin pahalagahan at mahalin ang ating kapwa)
* E – Express your love, (Hindi sapat na sabihin nating mahal natin ang Diyos at kapwa, kailangan itong ipakita at ipadama sa gawa.)

Hindi man madaling bigyang-kahulugan ang pag-ibig, makikita natin ito sa ating mga ginagawa. Una tayong minahal ng Diyos, kaya matuto rin tayong magmahal. At sa bawat Banal na Misa, ipinagdiriwang natin ang pag-ibig na ito at ipinapakita na tunay tayong tagasunod ni Hesukristo kapag marunong tayong magmahal.
~ REV. Fr. JOSE I. CANTOS II
(Parish Priest)

Sa bawat pamayanan, patuloy nating nararanasan ang presensya at pagmamahal ng Diyos.

Nawa’y maging lakas at inspirasyon ang Banal na Misa upang manatili tayong nagkakaisa sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa bawat isa.

MISA NG LAKBAY-DALAW SA MGA MSK | AGOSTO 20, 2026 | HUWEBESIsang mapagpalang paglalakbay ng pananampalataya, pag-asa at ...
20/08/2026

MISA NG LAKBAY-DALAW SA MGA MSK | AGOSTO 20, 2026 | HUWEBES

Isang mapagpalang paglalakbay ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig ang isinagawang Misa ng Lakbay-Dalaw sa mga Munting Sambayanang Kristiyano (MSK) ngayong araw sa:
MSK BRIONES IBABA (8:30am)

HOMILIYA
“Ang bawat paggising natin sa umaga ay isang malaking biyaya mula sa Diyos. Sa Ebanghelyo ngayong araw (Mateo 22:1–14), inihalintulad ni Jesus ang Kaharian ng Langit sa isang piging na inihanda ng hari. Lahat ay inaanyayahan, ngunit hindi lahat ay tumutugon sa paanyaya. Mayroon ding panauhing dumalo ngunit walang kasuotang pangkasalan.

Ang kasuotang pangkasalan ay paalala sa atin na hindi sapat na tayo ay tinawag o inanyayahan ng Diyos, kailangan din nating mamuhay nang karapat-dapat sa Kanyang paanyaya, may malinis na puso, pananampalataya, pagmamahal, at mabubuting gawa.

Nais nating makarating sa langit, ngunit dapat nating tugunan ang paanyaya ng Diyos at isabuhay ang Kanyang kalooban. Maraming biyaya ang ipinagkakaloob sa ating ng Diyos pero ginagamit ba natin sa tama? Kaya dapat gamitin natin nang tama ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin at huwag sayangin ang bawat pagkakataong inilaan ng Diyos upang tayo ay mapalapit sa Kanya.

~ REV. Fr. JOSE I. CANTOS II
(Parish Priest)

Sa bawat pamayanan, patuloy nating nararanasan ang presensya at pagmamahal ng Diyos.

Nawa’y maging lakas at inspirasyon ang Banal na Misa upang manatili tayong nagkakaisa sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa bawat isa.

MISA NG LAKBAY-DALAW SA MGA MSK | AGOSTO 19, 2026 | MIYERKULESIsang mapagpalang paglalakbay ng pananampalataya, pag-asa ...
19/08/2026

MISA NG LAKBAY-DALAW SA MGA MSK | AGOSTO 19, 2026 | MIYERKULES

Isang mapagpalang paglalakbay ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig ang isinagawang Misa ng Lakbay-Dalaw sa mga Munting Sambayanang Kristiyano (MSK) ngayong araw sa:

MSK CALLEJON TONDO (8:30am) MSK CALLEJON CENTRO (10:00am)
MSK SINTURISAN CENTRO (6:00pm)

HOMILIYA
“Mahal tayo ng Diyos sa kabila ng ating mga pagkukulang at kasalanan. Sa halip na patuloy na dumaing, matuto tayong manalangin, magtiwala, at magpasalamat sa mga biyayang Kanyang ipinagkakaloob. Ang Banal na Misa ay paalala ng walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa atin. Kaya nawa sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa, hindi lamang natin maranasan ang pagmamahal ng Diyos, kundi tayo rin mismo ay maging instrumento ng Kanyang pagmamahal sa iba.

Katulad ng ating Patron ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, nawa’y maging katulad ng Banal na Puso ni Hesus ang ating mga puso, ang pusong marunong magmahal, magpatawad, umunawa, at magmalasakit sa kapwa."
~ REV. Fr. JOSE I. CANTOS II
(Parish Priest)

Sa bawat pamayanan, patuloy nating nararanasan ang presensya at pagmamahal ng Diyos. Kaya nawa’y maging lakas at inspirasyon ang Banal na Misa upang manatili tayong nagkakaisa sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa bawat isa.

MISA NG LAKBAY-DALAW SA MGA MSK | AGOSTO 18, 2026 | MARTESIsang mapagpalang paglalakbay ng pananampalataya, pag-asa at p...
18/08/2026

MISA NG LAKBAY-DALAW SA MGA MSK | AGOSTO 18, 2026 | MARTES

Isang mapagpalang paglalakbay ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig ang isinagawang Misa ng Lakbay-Dalaw sa mga Munting Sambayanang Kristiyano (MSK) ngayong araw sa MSK CALLEJON ILAYA at MSK CALLEJON SAMPALUKAN. Sa bawat pamayanan, patuloy nating nararanasan ang presensya at pagmamahal ng Diyos.

HOMILIYA
“Hindi madali ang buhay, lalo na ang mamuhay bilang isang Kristiyano, ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok, hindi tayo pinababayaan ng Diyos. Ang tunay na pag-ibig ay walang tinitingnang hirap at handang magsakripisyo alang-alang sa minamahal.

Tulad ni Hesukristo, na hindi inalintana ang paghihirap para sa ating kaligtasan, tinatawag din tayong magmahal nang walang pinipili at maging bukas-palad. Ang paalala tungkol sa yaman ay hamon na huwag maging alipin ng mga bagay na panlupa, kundi unahin ang Diyos at ang pag-ibig sa kapwa.

Sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa, ipinapaalala sa atin na mahal tayo ng Diyos at tinatawag Niya tayong tumugon sa Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng sakripisyo, pananampalataya, at pagmamahal sa iba.”
~ REV. Fr. JOSE I. CANTOS II
(Parish Priest)

Nawa’y maging lakas at inspirasyon ang Banal na Misa upang manatili tayong nagkakaisa sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa bawat isa.

18/08/2026

𝐂𝐎𝐋𝐎𝐑 𝐅𝐔𝐍 𝐑𝐔𝐍 | 𝐓𝐀𝐑𝐂𝐈𝐒𝐈𝐀𝐍 𝐃𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔
A morning full of colors, energy, and fun!
As part of Parish Tarcisian Day 2026, Color Fun Run brought together the youth from different communities across San Antonio, Quezon for a fun and memorable morning.
It was a great opportunity for everyone to come together, enjoy the activity, meet new friends, and celebrate as one youth community. 💙
Thank you to everyone who joined and made the Color Fun Run a memorable part of TarcisiansDay 2026!
See you at our next celebration!


𝐍𝐨 𝐜𝐨𝐩𝐲𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐢𝐧𝐟𝐫𝐢𝐧𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐢𝐬 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐧𝐝𝐞𝐝. We 𝐝𝐨 𝐧𝐨𝐭 𝐨𝐰𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐦𝐮𝐬𝐢𝐜. 𝐀𝐥𝐥 𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭𝐬 𝐛𝐞𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭𝐟𝐮𝐥 𝐨𝐰𝐧𝐞𝐫.

𝐑𝐄𝐂𝐎𝐆𝐍𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 & 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 | 𝐓𝐀𝐑𝐂𝐈𝐒𝐈𝐀𝐍 𝐃𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 🏆✨A celebration of effort, participation, and support!As part of the Tarcisi...
16/08/2026

𝐑𝐄𝐂𝐎𝐆𝐍𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 & 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 | 𝐓𝐀𝐑𝐂𝐈𝐒𝐈𝐀𝐍 𝐃𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 🏆✨

A celebration of effort, participation, and support!

As part of the Tarcisian Day 2026, we proudly recognized the winners of the Color Fun Run and awarded certificates to those who gave their best and made the activity more exciting and memorable.

We also extend our sincere appreciation to all the committee members, volunteers, and sponsors whose time, effort, and support helped make this year’s celebration possible and successful. Your contribution played an important part in making this event a memorable experience for everyone.

Congratulations to all our winners and thank you to everyone who made Tarcisians Day 2026 possible! 💙

𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐅𝐄𝐒𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐓𝐀𝐑𝐂𝐈𝐒𝐈𝐀𝐍 𝐃𝐀𝐘 🏆⚽️As part of the activity of Tarcisian Day 2026! A day filled with sports, teamwork, fri...
16/08/2026

𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐅𝐄𝐒𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐓𝐀𝐑𝐂𝐈𝐒𝐈𝐀𝐍 𝐃𝐀𝐘 🏆⚽️

As part of the activity of Tarcisian Day 2026! A day filled with sports, teamwork, friendship, and fun. 💙

Bringing together the Ministry of Altar Servers, Angels Choir, Youth for Christ, and Missionarie Families of Christ, Sportfest 2026 gave everyone the chance to enjoy different games, build friendships, and share memorable moments together.

From exciting matches to the cheers and support from everyone, this year’s Sportfest was truly a celebration to remember. 🏆✨

“It’s not always about who wins, but about the memories we make along the way.” 💙

Address

82 Tiaong/Lipa Road
San Antonio
4324

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parokya ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, San Antonio, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parokya ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, San Antonio, Quezon:

Shortcuts

Share