20/12/2025
๐๐ง๐ซ๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐๐ค๐จ ๐ฌ๐ ๐.๐.๐.
"๐๐บ๐ฐ๐ฌ๐ฐ ๐ฑ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ-๐๐, ๐ฏ๐ฆ๐น๐ต ๐บ๐ฆ๐ข๐ณ ๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ!" Nagmistulang isang paslit na nagpupumiglas at nagpapadyak ng paa para lamang hindi magtungo sa "๐๐ฉ๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฎ๐ข๐ด ๐๐ฏ๐ด๐ต๐ช๐ต๐ถ๐ต๐ฆ" ๐๐ฏ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ด๐ช๐ต๐บ, hindi mawari kung hindi pa ako handa, o sadyang sa aking isip ay, ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ang apat na araw ng pamamalagi kapalit ang bakasyon at hayahay na buhay sa bahay. Ngunit, nang sumunod na taon, bagaman damang-dama ang pangamba sa aking puso, at mababakas sa aking mukha ang pagdadalawang-isip; hindi na hinayaan pa ng Ama na muling lumipas ang isang taon nang hindi ko natatahak ang ๐.๐. ๐๐ฏ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ด๐ช๐ต๐บ.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa taon-taong pag-yapak sa ๐.๐. ๐๐ฏ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ด๐ช๐ต๐บ nasilayan ko ang mundong hindi nagdidikta ng pangarap at kinabukasan, hindi nanghuhusga ng katauhan at kahahantungan batay sa iisang naikathang pamantayan. Isang pamantasang may laya at malaya, kung saan ko nakilala ang mga pastor, mga ate at kuya na itinuring kong mga g**o. Mula sa kalayuan, matatanaw na kaagad ang kanilang mga abot-taingang ngiti, dala ang kawilihan na kamiโy gabayan. Mga magigiting na g**ong laging nagpapaalalang "๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ฉ๐ข๐ณ๐ฆ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ, ๐ธ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐จ๐ฐ๐ต", na nagsilbing instrumento ng Diyos upang higit ko Siyang makilala, at madalumat ang Kanyang mga salita. Ni hindi ko namalayan na sumisilay na ang aking tunay na ngiti, at tumutulo na ang aking mga luha sa bawat pangako at kuwento ng kabutihan ni Hesus.
Sa unang pagkakataon sa aking buhay, umalingawngaw ang mga palakpak at nasilayan ko ang pagkislap ng mga balintataw ng mga mata ng madla, pero hindi ako natuwa sa halip akoโy nagtaka dahil hindi naman perpekto ang aming itinanghal na sayaw, dula at awit para sa ๐๐ข๐ญ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ช๐จ๐ฉ๐ต. Sa katotohanan, ni hindi nga ito dumaan sa mahabang pagsasanay, dahil madalas ๐ช๐ฎ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ต๐ถ pa. At sa unang beses, hindi ako napabuntong hininga, ni hindi nilukob ang aking isipan ng pangambang mabigo ang mga tao sa paligid ko. Tila hindi ko binibigyan ng kahulugan ang pangangatog ng tuhod ko sa hiya dahil ang bawat indak, saliw ng musika, at himig ng bawat awitin, ay para lamang sa ikadadakila ng pangalan Niya at hindi sa mga taong ang mga mata'y nanunuod sa aming bawat paggalaw at indayog.
Kaya para sa akin, kahit itala pa ang lahat ng pamantasan sa mundo, walang makapapantay sa nag-iisang "๐๐ฉ๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฎ๐ข๐ด ๐๐ฏ๐ด๐ต๐ช๐ต๐ถ๐ต๐ฆ" ๐๐ฏ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ด๐ช๐ต๐บ ng Ama, kung saan posibleng maabot at maranasan ang ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ o Bagong Anyo ng Buhay. Isang pamantasan, kung saan saksi ang bawat sulok ng bulwagan sa mala-gripong pag-agos ng aking mga luha, at pagkawala ng namamaos na boses kasisigaw ng mga awitin, lalong lalo na ng mga hinaing at panalanging nag-ugat sa bawat sugat at lamat. Ni hindi ko kailangang pawiin kaagad ang aking mga luha, o pilit takpan ang aking bibig para hindi madinig ang aking mga hagulgol - dahil pagmulat ng aking mga mata, isang liwanag ang naghihintay, mayroong mga kamay na handang umakay at mainit na bisig na maaaring takbuhan, at maging kaagapay.
Sa aking pagbabalik-tanaw, napagtanto kong sa "๐๐ฉ๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฎ๐ข๐ด ๐๐ฏ๐ด๐ต๐ช๐ต๐ถ๐ต๐ฆ" ๐๐ฏ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ด๐ช๐ต๐บ, higit akong lumago lalo na ang pananampalataya ko bilang tagapaglingkod Niya; ๐ญ๐ช๐ฅ๐ฆ๐ณ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ต๐ฐ๐ฅ๐ช๐ด๐ต๐ข, ๐ต๐ข๐จ๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ข๐จ๐ถ๐บ๐ฐ๐ฅ ๐ด๐ข ๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฃ ๐ข๐ต ๐ญ๐ข๐ฃ๐ข๐ด ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฎ๐ฃ๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ, ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ, ๐ข๐ต ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐จ๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ข๐บ๐ข๐ฏ.
Tunay ngang "๐๐ช ๐๐ณ๐ช๐ด๐ต๐ฐ ๐ฉ๐ช๐จ๐ช๐ต ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฉ๐ข๐ต!" dahil mag-iisang dekada na, "๐๐บ๐ฐ๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐จ-๐๐, ๐ด๐ข๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐บ ๐ฏ๐ฆ๐น๐ต ๐บ๐ฆ๐ข๐ณ ๐ฑ๐ข."
---
Isinulat ni: Erika Tagari, mula sa Pananaw Editorial Board