15/06/2023
Mabuting Balita l Hunyo 15, 2023 โ Huwebes
Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mateo 5:20-26
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โSinasabi ko sa inyo na kung hindi mas ganap ang inyong kabanalan kaysa mga g**o ng Batas at mga Pariseo, hinding-hindi kayo makapapasok sa Kahariaan ng Langit. Narinig na ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno: 'Huwag kang papatay; dapat managot ang pumatay.' Sinasabi ko naman sa inyo: Mananagot ang sinumang nagagalit sa kanyang kapatid. Mananagot sa Sanggunian ang sinumang uminsulto sa kanyang kapatid. Nararapat lamang na itapon sa apoy ng impiyerno ang sinumang manghiya sa kanyang kapatid. Kaya sa paglalagay mo sa altar ng iyong hain at naalaala mong may reklamo sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong hain sa harap ng altar at puntahan ang iyong kapatid para makipagkasundo sa kanya. At saka ka bumalik at ialay ang iyong hain sa Diyos. Makipagkasundo na sa iyong kaaway habang papunta pa kayo sa hukuman, at baka ipaubaya ka niya sa hukom na magpapaubaya naman sa iyo sa pulis na magkukulong sa iyo. Talagang sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.โ
PAGNINILAY:
Panawagang makipagkasundo sa kaaway ang malinaw na mensahe ng Ebanghelyo ngayon. Tanging sa pagpapatawad sa mga nagkasala sa atin, magiging ganap ang ating kabanalan. Para sa Panginoong Jesus, ang matinding galit sa kapwaโy katumbas na rin ng pagpatay. Hindi sapat na ang taoโy basta lamang umiwas sa paggawa ng masama. Para sa Panginoon, maging ang pag-iisip ng masama sa kapwaโy hindi maganda, dahil itoโy maituturing na isang kasalanan din. Malinaw at hayagan ang sinabi ng Panginoong Jesus na mali ang lahat ng uri ng pagpatay ng tao. Para sa Panginoon, ang utos na huwag pumatay, ay hindi lamang tumutukoy sa agresyong pisikal, kundi kabilang dito ang pagbabawal sa paggamit ng masasakit na salita, pagkakaroon ng matinding galit at pagkikimkim ng p**t. Mga taga-subaybay inaanyayahan tayo ng Panginoon na huwag makuntento sa anumang kabutihang ginagawa na natin. Kailangan natin itong higitan. May kasabihan nga na gumagawa ng mabuti ang karaniwang mga tao, pero higit pa sa kabutihan ang ginagawa ng mga dakila. Tinatawagan Niya tayo ngayong maging dakila. Kung nakipagkasundo na tayo sa mga taong nakasakit ng ating damdamin, gawin nating ganap ang ating pakikipagkasundo sa pamamagitan ng pag-abot ng tulong sa kanila sa panahon ng pangangailangan, at pagdarasal para sa kanilang ikabubuti. Ang Panginoong Jesus ang huwaran natin sa ganap na kabanalan. Hindi lang Siya nagturo, nagpagaling at gumawa ng kabutihan, hinigitan Niya ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng sarili sa Krus para patunayan ang dakilang pagmamahal Niya sa atin. Suriin natin ang ating kilos at saloobin kapag tayoโy nagagalit. Naghahangad ba tayo ng masama sa ating kagalit? Nagmumura ba tayo at nananakit sa taong ating kagalit? Hindi naman masama ang magalit! Napapasama lamang ito kapag hindi natin napanghawakan ang ating galit. At marami tayong taong nasaktan dahil sa ating galit. H'wag tayong tuluyang map**t sa ating kagalit bagkos ay ipagdasal natin sila.