28/04/2026
𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 | 𝗜𝗡𝗦𝗧𝗔𝗟𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡
Gingigiliw na Bayan ng Diyos, sama-sama nating purihin Siya na nagkakaloob sa kanyang Simbahan ng mga pari, pastol at propeta. Sa ikalawang termino, ating itinanghal si Obispo Vicente Salvador Ballesteros upang manguna sa ating ginigiliw na Diyosesis.
Bilang pagkilala sa banal na tungkuling ito, malugod naming inaanyayahan ang lahat sa kanyang Kanonikal na Pagtatalaga na gaganapin sa ika-1 ng Mayo, 2026, sa ganap na ika-7:30 ng umaga sa Katedral ng Kristong Napako sa Krus, Barangay Apolonio Samson, Quezon City.
Buong puso tayong manalangin upang siya ay manatili nating gabay, isang matatag na haligi ng katuwiran at isang mapagkalingang ama ng ating simbahan. Idulog natin sa Panginoon na nawa sa kanyang pamumuno, asahan ang isang Diyosesis na nagkakaisa sa paglilingkod, panalangin at pag-ibig. Ipahintulot nawa na ang kanyang mabubuting katangian at dedikasyon ay magsilbing liwanag patungo sa pagsasabuhay ng tanda ng ating paglilingkod — ang maglingkod para sa Diyos at sa Bayan.