12/06/2021
"Minsan, may mga punto talaga sa buhay natin na parang mas nananaig pa rin ang sarili natin, ang mga kagustuhan natin at mga kahinaan natin kaysa sa kagustuhan ng Panginoon. Habang tayo ay nabubuhay pa, nariyan pa rin sa ating sarili ang battle o laban sa pagitan ng masama at mabuti. Katunayan, the more na gusto mong sundin ang Panginoon, the more na mas nagagawa mo pa yung mga bagay na ayaw Niya. Ngunit alam mo ba na napakagandang palatandaan ito na nasa Diyos ka dahil may conviction ka anak. Mas naaappreciate mo yung grace ng Panginoon at mas narerealize mo na kailangan mo talaga ng Saviour , kailangan mo talaga si Jesus Christ, dahil sa ganang atin, hindi talaga natin kayang iligtas ang ating mga sarili.
Hindi ko sinasabing okay lang o okay na ang gumawa ng kasalanan dahil ang kasalanan ay hindi lang nakikita sa gawa, kundi maaari ka din magkasala sa puso, isip at sa salita, kundi nais kong sabihin na tayong mananampalataya na kahit sa pinakapunto ng buhay natin na tayo ay nagkakasala o nais gumawa ng kasalanan, hindi pa rin mawawala yung desire sa puso natin magbago at manatili sa piling ng Diyos hanggang dulo.
Sa huli naman, kung anuman yung struggle mo sa ngayon ay magiging testimony ng tagumpay mo sa darating na panahon. Hindi ka habangbuhay na lugmok sa ganyang sitwasyon, basta buksan mo ang sarili mo sa pagbabago at sa mga itinuturo ng Diyos dahil kapag napagtagumpayan mo iyan, siguradong mas magiging matatag ka at mas malalim kang Kristiyano."
Romans 7:21-25
"I have discovered this principle of life—that when I want to do what is right, I inevitably do what is wrong. I love God’s law with all my heart. But there is another power within me that is at war with my mind. This power makes me a slave to the sin that is still within me. Oh, what a miserable person I am! Who will free me from this life that is dominated by sin and death? Thank God! THE ANSWER IS IN JESUS CHRIST OUR LORD. So you see how it is: In my mind I really want to obey God’s law, but because of my sinful nature I am a slave to sin.
Follow us on Instagram👇
https://instagram.com/usapangdiscipleship?igshid=1tlfemrpahasi