Aral ng Buhay

Aral ng Buhay Is all about food for the soul

Good morning
28/09/2025

Good morning

19/04/2025

Ano ang mahalaga, Ang kamatayan o Ang muling pagka buhay ni Jesus?

Tunay na hindi mapaghihiwalay ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Parehong may mahalagang papel na ginampanan upang ipakita sa mga tao ang pagmamahal ng Dios sa atin.
Sa pamamagitan ng pagkapako ni Jesus sa krus ay napagtagumpayan niya ang isang bagay na hindi natin kayang pagtagumpayan sa ating mga sarili. Ang tubusin ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbuhos ng kanyang banal na dugo doon sa krus ng kalbaryo.
Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay tinalo at nilupig niya ang kasalanan. Ipinarada sa madla bilang katunayan ang kanyang pagtatagumpay.
Dahil sa kamatayan ni Jesus ay nawalan ng kapangyarihan ang kasalanan na mag hari sa atin (Roma 6). Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay winasak ni Jesus ang mga gawa ng diablo (Juan 12:31) (Hebreo 2:14), (1 Juan 3:8) kinondena si Satanas (Juan 16: 11) at dinurog ang ulo ng ahas. (Genesis: 3:15)
Dahil sa muling pagkabuhay Jesus, Tunay ang kanyang pangako para sa atin. "Dahil ako ay nabubuhay, Kayo man ay mabubuhay (Juan 14:19) Binuhay na mag uli ang Dios upang tayo ay mapa walang sala. (Roma 14:25) Ang kaloob na banal na Espiritu ay sinugo ng nabuhay na mag uli at umakyat sa langit na Panginoong Jesus. (Juan 16:7)" Sapagkat kung hindi ako yayaon ay hindi susuguin sa inyo ang Espiritu Santo.

06/04/2025

1 Thessalonian 5:18

Give thanks in all circumstances; for this is God's will for you in Christ Jesus.

03/04/2025

Santiago 1:12

Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso, sapagkat pagkasubok sa kanya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kanya

25/03/2025

Leviticus 19:17

Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapatid sa inyong puso, Tunay na inyong sasawayin ang inyong kapwa, at huwag kayong magtataglay ng kasalanan dahil sa kanya.

Kawikaan 4:14

Huwag kang pumasok sa lands ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao.

Sawaying may kahusayan ang kumakampi sa masama.

22/03/2025

Mga Awit 115: 5-7
5- Sila'y may mga bibig, Ngunit hindi nagsasalita. May mga mata Ngunit hindi nangakakakita.
6- Sila'y may mga tainga, Ngunit hindi sila nangakakarinig, may mga ilong Ngunit hindi nangakakaamoy.
7- Mayroon silang mga kamay, Ngunit hindi sila nakakadama. May mga paa Ngunit hindi nakakalakad, at hindi gumagawa ng tunog sa kanilang lalamunan.

Mga talata ng Biblia na karaniwang inuugnay sa mga Rebulto at Dios-Diosan na tunay ngang totoo na maaari din namang iugnay sa pamumuhay ng tao.
Sa paanong paraan?
Magulo ang mundo na ating ginagalawan. Maraming Mali at Tama ang ating nakikita.
Sa mga mali ay tila nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang tao na tila ba walang pakiramdam sa mga nangyayari sa paligid. Hindi makuhang humakbang upang mabago kung anomang sistema ng Mali ang nagaganap.

16/03/2025

Dahil aking naranasan ang pagliligtas at pagpapala ng Panginoon..

Mga Awit 116: 12

12. Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?

17. Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa Pangalan ng Panginoon.

Salamat po Panginoon.

09/03/2025

Si David ay nanalig sa Dios upang talunin ang higanteng si Goliath
Si Joshua ay nanalig sa Dios upang mapasok ang moog ng Jerico
Si Moses ay nanalig sa Dios upang takasan ang mga umuusig na Ehipsyo
Kung tayo ay mananalig sa Dios. Malalagpasan din natin ang lahat ng uri ng pagsubok

09/03/2025

Kawikaan 28:13

Siyang nagtatakip ng kanyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: Ngunit ang nagpapahayag at nag iiwan ng mga yaon ay magtatayo ng kaawaan.

05/03/2025

Proverbs 13:21

Trouble pursues the sinner, but the righteous are rewarded with good things.

04/03/2025

Ang tunay na kristyanismo ay hindi sa salita lamang kundi dapat na makita sa buhay.
Maaaring dumaan sa pagiging makasalanan subalit nag bagong buhay. Pinipilit na Itinuwid ang paraan ng kanyang pamumuhay.

Juan 14:15

Kung Ako'y inyong iniibig ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.

04/03/2025

God is Love

Address

Samal
2113

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aral ng Buhay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share