24/05/2026
Isang taos pusong pasasalamat po ang nais ipabatid ng ating Kura Paroko at buong konsilyo pastoral kay G. Christian Silvestre at sa buong samahan ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. West Calaguiman sa pangunguna ni Hon. Gabriel Cortez para sa kanilang handog na painting sa ating Parokya.
Tampok sa nasabing obra ang ating Patron at Pintakasing San Vicente Ferrer, masarap na tinapa at ang masagana at gintong ani ng Brgy. West Calaguiman.
Atin po itong ilalagay sa ating Parish Formation Hall.
Muli, maraming salamat po!