10/08/2026
𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐀 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎
Makapangyarihang Diyos, aming Ama, sa gitna ng unos at panganib, kami’y lumalapit sa Iyo. Iligtas mo kami sa kapahamakan, baha, at sakuna.
Sa pamamagitan ng panalangin ni Santa Catalina de Siena, na tapat niyong lingkod at tagapagtanggol ng pananampalataya, ipanalangin niyang kami ay mapanatag at ligtas mula sa galit ng hangin at ulang walang patid.
Punuin mo ng lakas at tapang ang aming puso, at pagkalingain mo ang mga naglilingkod at tumutulong sa oras ng sakuna at pangangailangan. Bigyan mo kami ng karunungan at pananampalataya, upang sa gitna ng unos ay manatili kaming matatag sa Iyong pag-ibig at awa.
Sa gabay at halimbawa ni Santa Catalina de Siena, nawa’y maging tanglaw kami ng pag-asa at pagkakaisa
sa aming pamayanan.
Sa tulong niya, at sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan at kaligtasan.
Amen.
Sta. Catalina de Siena, Ipanalangin mo kami.