01/06/2026
Isa sa mga sinabi ni Bishop Crispin sa Homily niya during the Culminating Mass for the Flores de Mayo dito sa aming parokya, sabi niya, "Madaling busugin ang batang gutom sa pagkain pero mahirap busugin ang batang gutom sa pagkalinga at pagmamahal". Hindi naman po sa paging unfair sa ating mga tatay, pero we all know naman po na iba pa din talaga ang pagmamahal at pagkalinga ng isang ina dahil ika nga ulit ni Bishop Crispin, "magulo ang bahay/pamilya kung walang ina".
Itong mga salita ni Bishop ang malaking rason kung kaya't dapat ipagdiwang ang araw na ito (kahit patapos na π), because TODAY is THE DAY ng INA nga mga YOUTH ng ating Dyosesis ππ
Sa ating pinakamabait na Diocesan Youth Coordinator, SrSheila Mae Estremos, HAPPY BIRTHDAY po. Thank you for always reminding us not to doubt God's infinite love for us. Grasya ka po ha amon nga mga kabatan onan, Sister π. We thank God for your life and for touching the lives of the young people in our Diocese.
(Ps. Kadalasan po, we use Waray-Waray kung nagpopost po dito sa page namin, pero since ang taong sine celebrate natin ngayon ay feeling namin di pa masyado nakakaintindi ng waray waray, kaya para sure na maintindihan niya ang aming mensahe, nag tagalog nalang po kami na may kaunting English π)