03/05/2026
SERVING THE LORD WHILE FIGHTING LUST IN SILENCE. HIPOKRITO BA AKO?
Minsan napapaisip ako… ako lang ba yung ganito? Yung nasa church, active, nagseserve, present sa lahat—pero pag mag-isa na, may laban na hindi mo masabi kahit kanino.
Yung tipong ang taas ng kamay mo sa worship, pero pagdating sa gabi, may mga thoughts ka na ayaw mo na sanang bumalik… pero bumabalik pa rin.
Ang hirap aminin, no?
Kasi sa labas, parang ang linis ng image mo. “Christian yan eh.” “Mabait yan.” “Malapit yan kay Lord.” Pero ikaw mismo, alam mo yung mga bagay na pinagdadaanan mo sa katahimikan. Yung struggle na hindi mo ma-ipost. Yung guilt na hindi mo ma-eshare.
Dumating ako sa point na tinanong ko talaga yung sarili ko— “Hipokrito ba ako?”
Kasi paano ako magseserve kay Lord kung ganito pa rin ako? Paano ako lalapit kung paulit-ulit akong nadadapa sa parehong kasalanan?
At mas masakit… Paano kung sawang-sawa na Siya sakin?
Pero eto yung realization na tumama sakin nang malalim.
Hindi ako nagseserve dahil perfect na ako. Nagseserve ako kasi kailangan ko Siya.
Hindi dahil malinis na ako— kundi dahil alam kong madumi ako without Him.
At doon ko naalala yung sinasabi sa Bible sa Romans 7:19, na kahit si Apostle Paul mismo nagsabi na “hindi niya nagagawa ang mabuti na gusto niya, kundi ang masama na ayaw niya, iyon ang patuloy niyang ginagawa,” kaya bigla kong na-realize… hindi pala ako nag-iisa sa laban na ‘to.
Hindi pala ito sign na fake ako. Sign ito na tao lang talaga ako.
At mas lalo—sign ito na kailangan ko ng grasya Niya araw-araw.
Kasi kung titingnan mo… Ang hipokrito, hindi na lumalapit. Ang hipokrito, okay lang sa kanya ang kasalanan.
Pero yung nasasaktan? Yung lumalaban kahit tahimik? Yung bumabalik pa rin sa Diyos kahit paulit-ulit nadadapa?
Hindi yun hipokrito.
Mandirigma yun.
At baka… tulad ko… Tahimik ka lang ding lumalaban.
So kung ikaw ‘to, gusto kong malaman mo— hindi ka nag-iisa. At hindi ka pa tapos hubugin ng Lord.
Tanong ko lang… Ikaw din ba, may laban na hindi mo masabi kahit kanino?