12/10/2022
📌📌Sabi ng Diyos, Napakalinaw Ko nang itinuro ang mga bagay na ito ngunit walang kibo ang mga taong ito at pinahahalagahan pa rin nila ang mga makalaman nilang kasiyahan. Kumakain sila at natutulog pagkatapos; natutulog sila at kumakain pagkatapos. Hindi nila pinagninilayan ang Aking mga salita. Mapasigla man sila, ito ay panandalian lamang; pagkatapos, gaya pa rin sila ng dati, ganap na hindi nabago, na para bang ni hindi sila nakinig sa Akin. Ang mga ito ang karaniwang walang-silbing mga tao na walang mga pasanin; sila ang pinakahalatang manghuhuthot. Kalaunan, tatalikdan Ko sila isa-isa; huwag mag-alala! Isa-isa Ko silang pababalikin sa walang-hanggang kalaliman. Hindi kailanman gumawa ang Banal na Espiritu sa ganitong uri ng tao, at lahat ng ginagawa nila ay mula sa mga kaloob na natanggap nila. Kapag sinasabi Kong mga kaloob, ang ibig Kong sabihin ay na ang mga ito ay mga taong walang buhay, na Aking mga tagapagsilbi; hindi Ko gusto ang sinuman sa kanila at aalisin Ko sila (nguni’t sa ngayon, medyo may gamit pa rin sila). Kayong mga tagapagsilbi, makinig kayo! Huwag mong isipin na ang paggamit Ko sa iyo ay nangangahulugan na pinapaboran Kita; hindi ito ganoon kasimple. Kung gusto mong paboran Kita, dapat kang maging isang taong sinasang-ayunan Ko at dapat kang maging isa na personal Kong pineperpekto. Ito ang uri ng tao na Aking minamahal.
đź’📚mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao📚đź’