VCCF- ROXAS

VCCF- ROXAS Victorious Cross Christian Fellowship

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga bata na nakiisa at lumahok sa Operation Christmas Child (OCC) na ginanap n...
22/03/2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga bata na nakiisa at lumahok sa Operation Christmas Child (OCC) na ginanap noong March 21, 2026 sa VCCF Church, New Barbacan, Roxas, Palawan. 🎁✨

Nawa’y naging masaya at makabuluhan ang inyong karanasan sa araw na iyon. Ang inyong mga ngiti at kagalakan ay tunay na nagbibigay inspirasyon sa amin. 💖

Patuloy nating alalahanin na ang pagbibigay ay hindi lamang tungkol sa regalo, kundi sa pagmamahal na ating ibinabahagi sa isa’t isa.

📖 “Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kanyang puso, hindi mabigat sa kalooban o napipilitan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.”
— 2 Corinto 9:7

Maraming salamat at nawa’y pagpalain kayo ng Panginoon! 🙏

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa ating Sunday Service! 🙏🤍Lubos po kaming nagagalak na makasama kayong lahat sa ...
09/03/2026

Maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa ating Sunday Service! 🙏🤍
Lubos po kaming nagagalak na makasama kayong lahat sa ating pagsamba, Thanksgiving, Breaking of Bread, at sa masayang Bring and Share Fellowship. Tunay pong napakagandang makita ang ating mga kapatid na nagkakaisa at nagkakasama-sama bilang isang pamilya sa Panginoon.

Nawa po ay may mga aral tayong natutunan mula sa mensahe ng Diyos at patuloy natin itong maisabuhay sa ating pang-araw-araw na buhay. Dalangin namin na ang bawat isa ay napalakas, napagpala, at napuno ng kagalakan sa ating pagsasama-sama.

Maraming salamat din po sa mga nagdala at nagbahagi ng pagkain at sa lahat ng tumulong upang maging maayos at masaya ang ating fellowship.

Patuloy po tayong magkita-kita at magpalakasan ng loob sa Panginoon. Hanggang sa muli! 🙏✨

Magkita-kita po tayo ngayong Linggo para sa ating Sunday Service! 🙏📅 Marso 8, 2025🕖 Morning Prayer: 7:45 AM🕘 Service Pro...
07/03/2026

Magkita-kita po tayo ngayong Linggo para sa ating Sunday Service! 🙏

📅 Marso 8, 2025
🕖 Morning Prayer: 7:45 AM
🕘 Service Proper: 9:00 AM

Sa araw ding ito ay magkakaroon tayo ng Thanksgiving at Breaking of Bread. Pagkatapos ng service, magkakaroon tayo ng Bring and Share Fellowship. Maaari po kayong magdala ng anumang pagkain na nais ninyong ibahagi sa ating mga kapatid upang sabay-sabay nating pagsaluhan. 🍲🍞

Inaanyayahan po namin ang lahat na dumating nang maaga at maging on time para sama-sama tayong makapagsimula sa ating morning prayer.

"Kay buti at kay gandang pagmasdan na ang bayan ng Diyos ay namumuhay sa pagkakaisa."
— Awit 133:1

Excited kaming makasama kayong lahat sa pagsamba, pasasalamat, at masayang pagsasalo-salo bilang isang pamilya sa Panginoon. Kita-kits po tayo! 🤍

Kapatid, Inaanyayahan Ka! Namin! Gusto mo bang lumalim ang relasyon mo sa Diyos at matuto kung paano sundin ang mga yapa...
19/02/2026

Kapatid, Inaanyayahan Ka! Namin!

Gusto mo bang lumalim ang relasyon mo sa Diyos at matuto kung paano sundin ang mga yapak ni Jesus?

Sumali ka sa aming Discipleship Training tuwing Martes, 6 pm - 8 pm sa VCCF Church, Brgy. New Barbacan, Roxas, Palawan!

Ano ang aasahan mo?
- Matuto ng Salita ng Diyos
- Makakilala ng mga kapatid sa pananampalataya
- Lumago sa pag-ibig at lumalim ang relasyon sa Diyos

"Kaya't humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng mga bansa." - Mateo 28:19

Kita-kita tayo tuwing Martes! Magdala ng Bible at notebook. 😊

Sana makasama ka!

Celebrating the 7th Anniversary of VCCF Church here in Roxas, Palawan. "Teach me to do your will, for you are my God; ma...
14/02/2026

Celebrating the 7th Anniversary of VCCF Church here in Roxas, Palawan.

"Teach me to do your will, for you are my God; may your good Spirit lead me on level ground." -Psalm 143:10

As we gathered to celebrate our 7th years of God’s faithfulness in our church, this verse speaks directly to the heart of our journey and our hope for the future.

We are forever grateful to our sisters and brothers who went and joined to our special event last February 12, 2026 and part of our successful celebration together with our visitors from Los Baños,Laguna led by our dearest Bishop Ver Ferrera and his beautiful wife Ptra. Nesie Ferrera.

May the LORD our Almighty God bless and guide your life and continue to serve the Lord with all of your heart.

Evangelism Night Barangay 1 , RAM Purok Pag-Asa February 10 2026Maraming Salamat sa inyong Taos pusong pag tanggap God B...
14/02/2026

Evangelism Night
Barangay 1 , RAM Purok Pag-Asa
February 10 2026

Maraming Salamat sa inyong Taos pusong pag tanggap God Bless Everyone .

VCCF ROXAS PALAWAN Sunday Service “Sagot naman ni Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamag...
08/02/2026

VCCF ROXAS PALAWAN
Sunday Service

“Sagot naman ni Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi ito makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu. Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli.’”
‭‭Juan‬ ‭3‬:‭5‬-‭7‬.

* Ptr. Danilo G. Quintos

Unti unting pinapa ganda ni LORD Ang  kanyang kaharian 😘🙏🏻😍☺️   ゚viralシfypシ゚viralシalシ
03/02/2026

Unti unting pinapa ganda ni LORD Ang kanyang kaharian 😘🙏🏻😍☺️


゚viralシfypシ゚viralシalシ

01/02/2026

Tulong-tulong Sama-Sama Kayang- kaya
VCCF Roxas Palawan


゚viralシfypシ゚viralシalシ

PREPARATION for Coming 7th Year Anniversary VCCF Roxas Palawan  ゚viralシfypシ゚viralシalシ
01/02/2026

PREPARATION for Coming 7th Year Anniversary
VCCF Roxas Palawan
゚viralシfypシ゚viralシalシ


Address

Roxas Palawan
Roxas
5308

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VCCF- ROXAS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share