17/10/2024
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ: ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฒ๐, ๐ข๐ธ๐๐๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ญ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ
๐๐ ๐-๐ฎ๐ด ๐๐๐ฃ๐๐๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ง๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ (๐๐ - ๐๐ช๐ก๐)
๐๐๐ฅ๐๐จ๐ฉ๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ ๐๐ช๐๐๐จ, ๐๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐ช๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ช๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ก๐๐ฉ๐
โ๐บ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.โ
โ ๐จ๐ก๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐
๐ธ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ:๐ท๐ถ-๐ท๐ฝ๐
๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐ ๐ท๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐.
Pinakamamahal, iniwan na ako ni Demas dahil sa pagkahumaling sa bagay na pansanlibutan; siyaโy nasa Tesalonica. Nagpunta sa Galacia si Cresente, si Tito namaโy sa Dalmacia. Si Lucas na lamang ang kasama ko. Hanapin mo si Marcos at isama mo dito, sapagkat malaki ang maitutulong niya sa aking mga gagawin. Pinapunta ko sa Efeso si Tiquico. Pagparito mo, dalhin mo ang aking balabal na naiwan ko kina Carpo sa Troas. Dalhin mo rin ang mga aklat ko, lalo na iyong yari sa pergamino.
Napakasama ng ginawa sa akin ni Alejandrong panday-tanso. Ang Panginoon ang magpaparusa sa kanya ayon sa kanyang ginawa. Mag-ingat ka sa kanya sapagkat tutol na tutol siya sa ipinangangaral natin.
Walang sumama sa akin nang una akong humarap sa hukuman. Pinabayaan nila akong mag-isa. Patawarin nawa sila ng Diyos. Ngunit pinatnubayan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang maipahayag sa mga Hentil ang salita.
๐จ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐๐.
โก ๐ฆ๐๐๐ ๐ข๐ก๐ ๐ง๐จ๐๐จ๐ก๐๐ก
๐๐๐๐๐ ๐ท๐บ๐บ:๐ท๐ถ-๐ท๐ท, ๐ท๐ธ-๐ท๐น๐๐, ๐ท๐ฝ-๐ท๐พ
๐ป๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐.
Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin kaโt pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang โyong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakilaโt makapangyarihan.
๐ป๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐.
Dakila mong gawaโy upang matalastas ng lahat ng tao.
Mababatid nila ang kadikalaan ng paghahari mo.
Ang paghahari moโy sadyang walang hanggan, hindi magbabago.
๐ป๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐.
Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siyaโy nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
sa sinumang taong pagtawag sa kanyaโy tapat at totoo.
๐ป๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐.
โข ๐๐๐๐๐จ๐ฌ๐
๐น๐๐๐ ๐ท๐ป:๐ท๐ผ
Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!
โฃ ๐ ๐๐๐จ๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐
๐ป๐๐๐๐ ๐ท๐ถ:๐ท-๐ฟ
๐จ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐บ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐
Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang ng pitumpuโt dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, โSagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, โMaghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!โ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo โ sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, โNalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.โโ
๐จ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐.
๐๐ฆ๐ข๐ฅ ๐ช๐ฏ ๐ง๐ถ๐ญ๐ญ:
https://www.awitatpapuri.com/2024/10/18/biyernes-oktubre-18-2024/