Youth Ministry - Sto. Niño Parish

Youth Ministry - Sto. Niño Parish SNP_ ROXAS YOUTH MINISTRY

Happy Birthday Ate Vio 🍰Pagbati at Panalangin para sa iyong kaarawan 🙏Your faith and dedication keep inspiring our youth...
05/09/2026

Happy Birthday Ate Vio 🍰

Pagbati at Panalangin para sa iyong kaarawan 🙏

Your faith and dedication keep inspiring our youth. We’re so grateful to have you in our ministry.

Praying na mapuno ng joy and blessings ang special day mo today 🥰

God bless you more po 😊😊😊

Huwebes, Setyembre 3, 2026Paggunita kay Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan1 Corinto 3, 18-23Salmo 23, 1-2. 3...
03/09/2026

Huwebes, Setyembre 3, 2026

Paggunita kay Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan

1 Corinto 3, 18-23

Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6
Ang daigdig lahat doon,
ang may-ari’y ating P**n.

Lucas 5, 1-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Generaset. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao na ibig makarinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin; nakalunsad na ang mga mangingisda at naghuhugas ng kanilang mga lambat. Lumulan siya sa isa sa mga bangka at hiniling kay Simong may-ari nito, na ilayo nang kaunti sa tabi. Naupo siya sa bangka at nangaral sa mga tao.

Pagkatapos niyang magsalita ay sinabi niya kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.” Gayun nga ang ginawa nila at sa dami ng kanilang huli ay halos magkansisira ang kanilang mga lambat. Kaya’t kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa ibang bangka upang patulong, at lumapit naman ang mga ito. Napuno ang dalawang bangka na halos lumubog. Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya’y nagpatirapa sa paanan ni Hesus at nagsabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako’y makasalanan.” Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli; gayun din sina Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon. At sinabi ni Hesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayo’y mamamalakaya ka ng mga tao.” Nang maitabi na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Belated Happy Birthday mga kapatid  🍰Pagbati at Panalangin para sa inyong kaarawan 🙏Your faith and dedication inspire ou...
30/08/2026

Belated Happy Birthday mga kapatid 🍰

Pagbati at Panalangin para sa inyong kaarawan 🙏

Your faith and dedication inspire our Youth and we are so grateful to have you in our ministry .

May this special day be filled with joy and blessing.

Godbless kapatid 😊

Jolan Montojo
Zyrah Natividad

Memorial of The Queenship of the Blessed Virgin Mary (White) Reflection: August 22, 2022Gospel: Luke 1, 26-38Ang pagka-r...
21/08/2026

Memorial of The Queenship of the Blessed Virgin Mary (White)

Reflection: August 22, 2022
Gospel: Luke 1, 26-38

Ang pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria bilang pagtugon sa nais ng Diyos ay isa sa mga halimbawa at marapat nating tularan bilang isang Katolikong Kristyano. Sa kanyang kababang-loob na pagtugon sa Diyos ay isinalang ang ating Mesiyas na kung saan ang sinapupunan ng Mahal na Birhen ay nagsilbing Kaban ng Tipan ng ating Panginoon. Kaya nga, mataas at malaki ang pagrespeto natin sa Mahal na Birhen dahil sa kanyang ipinakitang kabanalan na pagtugon sa nais ng Ama. Ang kanyang pagka-reyna ay ating isalamin sa ating buhay dahil ang kanyang kalinis-linisang puso at pagka-birhen na walang bahid ng dungis ng kasalanan dahil sa pag-ibig at pagsunod sa Diyos ay isang halimbawa ng pagiging banal at pakikiisa sa Panginoon. Kaya naman, sana’y tayo rin ay matutong makitungo sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal o pakikipagusap sa Kanya, pagmeditate at damhin ang Kanyang presensya, ang hindi paggawa ng mga kasalanan na labag sa Kanyang kautusan at pakikipagkapwa tao. Ang ikinilos ng Mahal na Birheng Maria ay ikinalugod ng Diyos, kaya marapat nating gawin ang pagtugon at pagsunod sa Kanya. Manalangin tayo, Panginoon itulot Mo ring gampanan namin bilang isang Kristyano ang mga gawaing kabanalan na kalugud-lugod sa Iyo. Patawarin Mo kami kung minsan ay nakagagawa kami ng kasalanan na labag sa Iyong kautusan. Ibaba Mo rin sa amin ang Banal na Espiritu Santo upang maisalamin namin ang pagiging banal at may kalinisang puso tulad ni Maria na aming Ina. Isinusumamo namin ang lahat ng ito sa Ngalan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

Kalinis-linisang puso ni Maria, ipanalangin mo kami.

😅😅😅
09/08/2026

😅😅😅

Happy Priests Day 🥰Ngayong St. John Vianney Sunday, ginugunita natin ang isang paring buong buhay ay inialay sa kumpisal...
02/08/2026

Happy Priests Day 🥰

Ngayong St. John Vianney Sunday, ginugunita natin ang isang paring buong buhay ay inialay sa kumpisalan at sa bayan ng Diyos.

Katulad ni San Juan Maria Vianney, nawa’y maging tapat, mapagpakumbaba, at mapagmahal din ang ating mga pari.

Maraming salamat po, Padre Jon N. Cusi at Padre Chad Rodriguez sa walang sawang paglilingkod.

Pagpalain po kayo! ❤️


Happy 2nd Priestly Anniversary in our Parish, Fr. Jon N. Cusi 🥰Thank you for 2 years of faithful service, hard work, and...
06/07/2026

Happy 2nd Priestly Anniversary in our Parish, Fr. Jon N. Cusi 🥰

Thank you for 2 years of faithful service, hard work, and love for our community. Your dedication inspires us to serve God and one another better.

May God continue to strengthen you, protect your health, and fill your heart with joy as you shepherd our parish. We are truly grateful for you, Father.

God bless you always fads 🥰

🥰

📍OLD DANGAY & PACLASAN ✅Pasasalamat sa masisipag na kabataang muling naglibot upang makapag bahay-bahay ☺
05/07/2026

📍OLD DANGAY & PACLASAN ✅

Pasasalamat sa masisipag na kabataang muling naglibot upang makapag bahay-bahay ☺

𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟗 | 𝐒𝐨𝐥𝐞𝐦𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭𝐬 𝐏𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐮𝐥 🕊️Today, the Church joyfully celebrates the Solemnity of Saints Peter and P...
28/06/2026

𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟗 | 𝐒𝐨𝐥𝐞𝐦𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭𝐬 𝐏𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐮𝐥 🕊️

Today, the Church joyfully celebrates the Solemnity of Saints Peter and Paul, two great pillars of the Christian faith whose lives continue to inspire believers throughout the world.

Though different in background and mission, Saint Peter and Saint Paul shared one unwavering love for Christ. Peter, the humble fisherman chosen to lead the Church, and Paul, the tireless missionary to the nations, faithfully proclaimed the Gospel even in the face of persecution. Their courage, conversion, and complete surrender to God's will became powerful witnesses to the transforming grace of Christ.

As we honor these holy Apostles, may we be inspired to stand firm in our faith, remain faithful to the teachings of the Church, and boldly share the Good News through our words and actions. Let their example remind us that God calls ordinary people to accomplish extraordinary things for His Kingdom.

Through the intercession of Saints Peter and Paul, may the Lord strengthen His Church, guide our Holy Father, and fill each of us with the courage to live as true disciples of Jesus Christ.

Saints Peter and Paul, pray for us! 🙏⛪

Address

Roxas

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Youth Ministry - Sto. Niño Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share