04/10/2026
๐๐๐ซ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ ๐๐ซ๐จ.๐๐ก๐จ๐ง!
Ang parokya ni Santo Nino ay buong pusong nagpapasalamat sa panahon ng iyong paglilingkod sa ating parokya bilang Pastoral Associate.
Sa mga taong iyon ay buong puso at katapatan mong inialay ang iyong panahon, lakas, talento, at buhay sa paglilingkod sa parokya.
Sa pagtatapos ng iyong paglilingkod sa parokya nais naming ipabatid na ang iyong paglisan ay hindi nangangahulugan ng pagtatapos ng iyong pagiging bahagi ng pamilya ng Parokya ni Santo Nino. Ang mga alaala at pagkakaibigan ay mananatiling buhay sa aming mga puso.
Maraming salamat, Bro. Bhon, Salamat sa iyong panahon, sakripisyo, at walang sawang pagtulong sa ating parokya.
Nawa'y patuloy kang gabayan at pagpalain ng Patrong Santo Nino sa panibagong yugto ng iyong buhay. Dalangin namin na saan ka man dalhin ng Panginoon, patuloy kang maging instrumento ng Kanyang pagmamahal, pananampalataya, at paglilingkod.
Muli, maraming salamat, Bro. Bhon.
Mabuhay ka at pagpalain ka nawa ng Diyos!
Viva Santo Niรฑo!