30/12/2025
“Mas magaling ang kabilang church. or Outreach”
Minsan, totoo mas maayos ang sistema, mas pulido ang musika, mas organized ang programa.
Pero tandaan:
hindi tayo tinawag para magkumpara, kundi para maglingkod.
Hindi ka inilagay ng Diyos sa isang iglesia dahil ito ang pinakamaganda sa mata ng tao,
kundi dahil dito ka Niya gustong hubugin, disiplinahin, at gamitin.
Ang halaman ay hindi lalago kung palaging inililipat.
Ang ugat ay lumalalim sa pananatili, hindi sa paglipat-lipat.
Bago mo sabihing “mas magaling sila,” itanong mo muna:
👉 “Saan ako tinanim ng Diyos?”
👉 “Saan Niya ako tinuturuan ng pagpapakumbaba, pagtitiyaga, at pag-ibig?”
Hindi perpekto ang church—dahil puno ito ng mga taong binabago pa ng Diyos.
At kasama ka doon.
Kung may kulang, magdasal.
Kung may mali, magmahal.
Kung may sakit, magpatawad.
Dahil ang iglesia ay hindi entablado ng perpekto,
kundi tahanan ng mga taong pinapanday ng grasya ng Diyos. 🙏