03/08/2026
Maligayang Ika-124 na Taon ng Proklamasyon ng Iglesia Filipina Independiente!
"Sa Diyos ang Kaluwalhatian, sa Bayan ang Paglilingkod." π΅π
Ngayong ika-124 na Taon ng Proklamasyon ng Iglesia Filipina Independiente, buong galak nating ginugunita ang makasaysayang araw ng pananampalataya, kalayaan, at pagkakakilanlan ng ating Simbahan. Ang pagdiriwang na ito ay paalala sa katatagan ng mga naunang henerasyon na nagtaguyod ng isang Simbahang malaya, maka-Diyos, makabayan, at naglilingkod sa sambayanan. Higit pa sa paggunita sa ating kasaysayan, ito ay panawagan sa bawat isa na ipagpatuloy ang ating misyon ng pag-ibig, pagkakaisa, katarungan, at tapat na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.
Sa ika-124 na Anibersaryo ng Proklamasyon ng Iglesia Filipina Independiente, nawa'y lalo pang tumibay ang ating pananampalataya at maging inspirasyon ang mayamang pamana ng ating Simbahan upang sama-sama nating isabuhay ang Ebanghelyo at maging ilaw ng pag-asa sa ating mga pamayanan.
PRO DEO ET PATRIA!!