Marello's Altar Knights and Marellettes - Rosario, Batangas

Marello's Altar Knights and Marellettes - Rosario, Batangas The Official page of the Marello's Altar Knights and Marellettes - Our Lady of the Rosary Parish, Rosario, Batangas.

๐˜ฟ๐™–๐™ฎ 5| ๐—ก๐—ข๐—•๐—˜๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ Saint Joseph Marello โœจSa ikalimang araw ng ating Nobenang Banal na Misa, muli tay...
25/05/2026

๐˜ฟ๐™–๐™ฎ 5| ๐—ก๐—ข๐—•๐—˜๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ Saint Joseph Marello โœจ

Sa ikalimang araw ng ating Nobenang Banal na Misa, muli tayong nagkaisa sa pananalangin at pagninilay bilang paghahanda sa kapistahan ni San Jose Marello.

Sa homiliya, binigyang-diin ang matibay at malalim na pakikisama ni San Jose Marello kay Maria. Sa kanyang debosyon sa Mahal na Birhen, mas lalo siyang inakay palapit sa kanyang Anak na si Hesus. Tulad ni San Jose Marello, pinaaalalahanan din tayo na sa ating pagdedebosyon kay Maria ay mas lalo nating matatagpuan ang daan tungo kay Kristo. Kasama at kaagapay niya si Maria sa kanyang bokasyon mula sa pagiging pari hanggang sa pagiging obispo, dahilan upang manatili siyang matatag, mapagkumbaba, at tapat sa paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan.

Patuloy tayong magkaisa sa panalangin at hayaang akayin tayo ng Mahal na Birhen palapit sa Panginoong Hesukristo araw-araw. ๐Ÿ™๐Ÿ’™






๐˜ฟ๐™–๐™ฎ 4 (05/24/2026)| ๐—ก๐—ข๐—•๐—˜๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ Saint Joseph Marello โœจSa ikaapat na araw ng ating Nobenang Banal na ...
25/05/2026

๐˜ฟ๐™–๐™ฎ 4 (05/24/2026)| ๐—ก๐—ข๐—•๐—˜๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ Saint Joseph Marello โœจ

Sa ikaapat na araw ng ating Nobenang Banal na Misa, muli tayong nagtipon bilang isang sambayanan upang manalangin at magnilay sa gabay ng Espiritu Santo.

Sa homiliya, pinaalalahanan tayo na walang makapagsasabing โ€œPanginoon si Hesusโ€ kung hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo. Mahalaga ang bawat nakikiisa sa Banal na Misa, ang tumutugtog, umaawit, naglilingkod, at maging ang pari sapagkat ang Simbahan ay nabubuo at nagagampanan ang misyon nito sa pamamagitan ng pagkilos ng Espiritu Santo. Siya ay hindi lamang simbolo o isang bagay na mahirap maunawaan kundi tunay na Diyos na nananahan sa ating puso, umaaliw sa ating kalungkutan, nagbibigay lakas sa ating kahinaan, at nagtuturo sa atin ng tamang landas. Tulad ng mga apostol na binago ng Espiritu Santo, nawa ay mabago rin tayo upang maging mas matapang, mas matatag, at mas tapat na tagasunod ni Kristo. Madalas man Siyang kumilos sa tahimik na paraan, ang Kanyang presensya ay patuloy na gumagabay at nagbibigay buhay sa ating pananampalataya.

โ€œHalina Espiritu Santo, pumasok Ka sa aming mga takot at bigyan Mo kami ng katapangan.โ€ ๐Ÿ™๐Ÿ’™






๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜. ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’†๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’. ๐Ÿ’œโœจโœจIpagkatiwala natin ang lahat sa mga kamay ni Mahal na B...
24/05/2026

๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜. ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’†๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’. ๐Ÿ’œโœจโœจ

Ipagkatiwala natin ang lahat sa mga kamay ni Mahal na Birheng Maria, sapagkat alam nating maingat niyang inihaharap ang ating mga panalangin kay Hesus. Sa kanyang maka-inang pag-aaruga, natututuhan nating magtiwala kahit sa gitna ng pangamba at kawalang-katiyakan. Nawa sa bawat araw ay mas lalo nating isuko sa kanya ang ating puso, mga pasanin, at mga pangarap, upang mailapit niya ang lahat sa Panginoon nang may pagmamahal at pag-aaruga.

๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜. ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’†๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’. ๐Ÿ’œโœจโœจO Mahal na Birheng Maria, ialay natin ang ating sarili ...
23/05/2026

๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜. ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’†๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’. ๐Ÿ’œโœจโœจ

O Mahal na Birheng Maria, ialay natin ang ating sarili sa iyong mapagmahal na pagkalinga upang higit tayong mapabilang kay Hesus. Sa iyong mga kamay, natututuhan nating ibigay nang buong-buo ang ating puso sa Diyos at magtiwala sa Kanyang banal na kalooban. Nawa sa iyong paggabay ay maging ganap ang ating pag-aalay, upang si Hesus ang lubos na maghari sa ating isip, puso, at buong buhay.

โ€œ๐—œ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ, ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ถ ๐—ž๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ.โ€Ito ang naging paalala sa...
23/05/2026

โ€œ๐—œ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ, ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ถ ๐—ž๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ.โ€

Ito ang naging paalala sa atin ni Rev. Fr. Jorge De Chavez, OSJ sa pagdiriwang ng ating Nobenang Banal na Misa. Tunay ngang si San Jose Marello ay huwaran ng matatag na pananampalataya at lubos na pagtitiwala sa Diyos. Sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay, nanatili siyang tapat at mapagkumbabang lingkod ni Kristo.

Nawaโ€™y maging inspirasyon sa atin si San Jose Marello upang higit tayong tumatag sa ating pananampalataya at patuloy na sundan si Kristo sa bawat hakbang ng ating buhay.

Patuloy tayong magkaisa sa pananalangin habang inihahanda natin ang ating mga puso para sa nalalapit na kapistahan.

๐˜ฟ๐™–๐™ฎ 3| ๐—ก๐—ข๐—•๐—˜๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ Saint Joseph Marello โœจSa ikatlong araw ng ating Nobenang Banal na Misa, muli tayo...
23/05/2026

๐˜ฟ๐™–๐™ฎ 3| ๐—ก๐—ข๐—•๐—˜๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ Saint Joseph Marello โœจ

Sa ikatlong araw ng ating Nobenang Banal na Misa, muli tayong nagtipon bilang isang pamayanan ng pananampalataya upang magnilay at manalangin bilang paghahanda sa kapistahan ni San Jose Marello.

Sa homiliya, pinaalalahanan tayo na ang taong mabuti ay palaging pinararangalan ng Diyos. Inaakay Niya tayo na maging katulad ni San Jose Marello na naging matibay na tagasunod ni Kristo sa gitna ng mga pagsubok at paghihirap sa buhay. Sa kanyang halimbawa, natututuhan nating manatiling matatag sa pananampalataya, magtiwala sa Diyos, at patuloy na sumunod kay Hesus nang may kababaang-loob at pagmamahal.

Patuloy tayong magkaisa sa panalangin at sa pagpiling mamuhay bilang tapat na tagasunod ni Kristo araw-araw.


๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜. ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’†๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’. ๐Ÿ’œโœจโœจLaging iniaabot ni Mahal na Birheng Maria ang kanyang k...
22/05/2026

๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜. ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’†๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’. ๐Ÿ’œโœจโœจ

Laging iniaabot ni Mahal na Birheng Maria ang kanyang kamay bilang isang mapagmahal na Ina upang tulungan tayong umakyat nang mas madali patungo sa Langit. Sa kanyang maamong paggabay, pinapagaan niya ang ating paglalakbay at pinalalakas ang ating loob sa bawat hakbang. Nawa buong puso nating tanggapin ang kanyang mapagkalingang alok at magtiwala sa kanyang patnubay na laging umaakay sa atin patungo kay Hesus.

โ€œ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ (๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ) ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ถ ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€โ€”๐—ผ๐—ป๐—น๐˜† ...
22/05/2026

โ€œ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ (๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ) ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ถ ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€โ€”๐—ผ๐—ป๐—น๐˜† ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ผ๐—ป๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€.โ€

Ito ang naging paalala sa atin ni Rev. Fr. Lervin Tejeda, OSJ sa pagdiriwang ng ating Nobenang Banal na Misa. Tunay ngang si San Jose Marello ay huwaran ng ganap na pagtitiwala at pagmamahal kay Hesus. Ang kaniyang kabanalan ay hindi nasukat sa kadakilaan ng mga gawa, kundi sa pagiging tapat niya sa Diyos sa bawat ordinaryong sandali ng kaniyang buhay.

Nawaโ€™y maging inspirasyon sa atin si San Jose Marello na gawing sentro ng ating buhay si Kristo, at ialay ang bawat ginagawa para lamang sa Kaniya.

Patuloy tayong magkaisa sa pananalangin habang inihahanda natin ang ating mga puso para sa nalalapit na kapistahan.

We would like to congratulate our very own Bro. Angelo Rey Villanueva for winning (Runner Up) the Kapatiran Kay Marello ...
22/05/2026

We would like to congratulate our very own Bro. Angelo Rey Villanueva for winning (Runner Up) the Kapatiran Kay Marello - South Sector 2026 T-shirt design competition!

We are so proud of you, Bro. Angelo Rey! โœจ๐ŸŽ‰

KAPATIRAN KAY MARELLO NA ๐ŸคŽโค๏ธ

๐ŸŽจ Finally, the wait is over! ๐Ÿ”ฅ

Presenting the official winners of this yearโ€™s
KAPATIRAN KAY MARELLO - SOUTH
T-Shirt Design Competition! ๐Ÿ‘•

๐Ÿ† CHAMPION

PATRICK LIWANAG
Parokya ni San Jose Patriarka โ€” San Jose, Batangas

๐Ÿฅˆ RUNNERS-UP

Angelo Rey Villanueva
Our Lady of the Rosary Parish โ€” Rosario, Batangas

Gian Jairus Flores
Most Holy Rosary ParishPadre Garcia, Batangas

Maraming salamat sa 25 amazing entries mula sa ibaโ€™t ibang South Sector parishes! ๐Ÿ’›

The creativity, effort, and passion truly showed in every design. โœจ

We would also like to thank our expert judges:

Rev. Fr Jimbrent Lacdao, OSJ
Ms. Christine Joy Rivero
Mr. Kim James Adona

At ngayonโ€ฆ set na ang official design! ๐Ÿ‘€๐Ÿ”ฅ

KAPATIRAN KAY MARELLO NA! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐——๐—”๐—ฌ 2 | ๐—ก๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐—œ๐—ก ๐—›๐—ข๐—ก๐—ข๐—ฅ ๐—ข๐—™ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฝ๐—ต ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ โœจSa ikalawang araw ng ating Nobenang Banal na Misa, muli tayong nag...
21/05/2026

๐——๐—”๐—ฌ 2 | ๐—ก๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐—œ๐—ก ๐—›๐—ข๐—ก๐—ข๐—ฅ ๐—ข๐—™ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฝ๐—ต ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ โœจ

Sa ikalawang araw ng ating Nobenang Banal na Misa, muli tayong nagkaisa sa pananalangin at pagninilay bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Jose Marello.

Sa homiliya, pinaalalahanan tayo na ang pagiging banal ay hindi nasusukat sa dami ng ating nagawa kundi sa lalim ng ating pagmamahal kay Hesus. Tulad ng tanong ni Hesus kay Pedro, โ€œMahal mo ba Ako?โ€ dito nagsisimula ang tunay na pundasyon ng kabanalan sapagkat ang tunay na kabanalan ay nakaugat sa isang pusong marunong magmahal at magtiwala sa Diyos. Hindi naging banal ang mga santo dahil sa kanilang sariling kakayahan kundi dahil si Hesus ang naging sentro ng kanilang buhay. Tulad ni San Jose Marello, โ€œOnly Jesus, only for Jesus,โ€ isang paalala na sa bawat pagpili natin ng mabuti, sa bawat pagbangon sa gitna ng pagsubok, at sa bawat hakbang ng paglapit kay Hesus kahit may pinagdaraanan, doon unti-unting nahuhubog ang tunay na kabanalan.

Patuloy tayong magkaisa sa panalangin at sa pagpiling mamuhay nang mas malapit kay Hesus araw-araw. ๐Ÿ™๐Ÿ’™


๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜. ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’†๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’. ๐Ÿ’œโœจโœจSa gitna ng mga panganib at pagsubok, inaanyayahan tayo...
21/05/2026

๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’•๐’Š๐’ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜. ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š ๐’†๐’”๐’‘๐’Š๐’“๐’Š๐’•๐’˜๐’‚๐’. ๐Ÿ’œโœจโœจ

Sa gitna ng mga panganib at pagsubok, inaanyayahan tayong manatiling panatag sapagkat mataman tayong minamasdan ng Diyos. At sa bawat sandali ng pangangailangan, naroon si Mahal na Birheng Maria, ang ating Kalinis-linisang Ina, na laging handang tumulong at umakay sa atin. Nawa sa katiyakang ito ay mapuno ang ating puso ng kapayapaan at pagtitiwala, batid na hindi tayo kailanman pinababayaan ng Diyos at ng ating mapagmahal na Ina.

Address

J. Belen
Rosario
4225

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marello's Altar Knights and Marellettes - Rosario, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Marello's Altar Knights and Marellettes - Rosario, Batangas:

Share