03/08/2026
Divine Service | August 02, 2026
Message: Ptr. Efren Valdez
Text: Mga Hebreo 10:10-18
Topic: Kailan ka pinatawad ng Diyos o Papaano ka pinatawad ng Diyos?
I. Ang kapatawaran natin ay nagsisimula sa krus ng kalbaryo
1 Pedro 2:24
Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang ating mga kasalanan upang
tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos.
Sa pamamagitan ng kanyang mga sugat, kayo'y pinagaling.
II. Tinupad ni Jesus ang kailangan para sa kapatawaran
Efeso 1:7
Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo at pinatawad ang
ating mga kasalanan. Ganoon kasagana ang kanyang kagandahang-loob
III. Isang handog lamang ang kailangan magpakailanman
Mga Hebreo 10:16-18
“Ganito ang gagawin kong tipan sa kanila pagdating ng mga araw na iyon, sabi
ng Panginoon: Itatanim ko sa kanilang puso ang aking mga utos, at isusulat ko
ang mga iyon sa kanilang mga isip.” Pagkatapos ay sinabi pa niya, “Kalilimutan
ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan.” Sapagkat ipinatawad na
ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.
IV. Ano ang dapat maging tugon ng tao?
1. Sumampalataya kay Kristo - Juan 3:16
2. Magsisi at manumbalik sa Diyos - Mga Gawa 3:19
3. Ipahayag si Jesus bilang Panginoon - Roma 10:9-10
**Ang pananampalataya at pagsisisi ay hindi kapalit ng dugo ni Cristo, ito ay tugon ng tao sa ginawa Niya.
Ang kapatawaran ay naging posible dahil sa kamatayan ni Cristo sa krus. Walang ibang handog na kailangan, sapagkat sapat na ang kanyang sakripisyo. Ang paanyaya ngayon ay tanggapin ang kanyang biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, pagsisisi at pagsunod sa Kanya.
Sa Diyos ang lahat ng papuri!🙏🙌