04/10/2026
IKA-ANIM NA ARAW NG MISA NOBENARYO
“God took the risk of loving us.”
Sa homiliya ni Fr. Jayson, pinaalala sa atin kung gaano kalalim ang pag-ibig ng Diyos isang pag-ibig na sumugal at naging totoo para sa atin. Sa pamamagitan ni Maria, naging tao si Hesus at naranasan natin ang pag-ibig ng Diyos na malapit at totoo. 🤍
Ngayon, tinatawag din tayong “take the risk of loving one another.” Sa mundong minsan ay nakakatakot magmahal, magtiwala, at magbigay ng sarili, nawa’y piliin pa rin nating magmahal tulad ng pagmamahal na unang ipinakita sa atin ng Diyos.
May our lives be a fruitful vineyard mga buhay na namumunga ng pag-ibig, kabutihan, at paglilingkod.
Mahal na Birheng Maria, turuan mo kaming maging bukas sa pag-ibig ng Diyos at maging instrumento ng Kanyang pagmamahal sa iba. 🙏🏻
IKA-ANIM NA ARAW NG MISA NOBENARYO
"Sumugal nang malaki ang Diyos sa buhay natin. God took the risk of loving us. Naging taong totoo Siya dahil sa ating Ina. He asks us to take the risk of loving one another. May our lives be a fruitful vineyard."
-Reb. P. Jayson D.C. Endaya, OSJ