YMDC Youth Ma***n Disciples of Christ
San Isidro Labrador Parish
Ligtong, Rosario, Cavite

PANALANGIN PARA SA PAMILYA(Kapistahan ng Banal na Mag-Anak)O Makapangyarihang Diyos, pinararangalan namin ngayon ang Ban...
27/12/2025

PANALANGIN PARA SA PAMILYA
(Kapistahan ng Banal na Mag-Anak)

O Makapangyarihang Diyos, pinararangalan namin ngayon ang Banal na Mag-anak nina Jesus, Maria, at Jose. Inilalapit din namin na pagpalain Mo ang aming pamilya. Hinihiling namin na lingapin Mo kami ng Iyong pagkalinga at pagmamahal. Turuan Mo kaming mahalin at igalang ang isa’t isa. Pagbuklurin Mo sa pag-ibig at katapatan ang mag-asawa. Gabayan Mo ang mga anak sa landas ng pagpaparangal sa kanilang magulang sa mabuting asal. Ibigay Mo sa amin ang Iyong Espiritu ng mabuting pagsasamahan at pag-iintindihan. Magkaroon nawa ng kapatawaran sa aming tahanan. Sa panahon ng di pagkakaintindihan, Ikaw nawa ang Liwanag na pumuksa sa dilim. Sa pagkakawatak-watak, Ikaw nawa ang maging sanhi ng pagkakaisa. Sa oras ng gulo, Ikaw ang maging kalinawan.

Akayin Mo ang aming pamilya na sama-samang magpuri at maglingkod sa Iyo. Amen.

PANALANGIN SA IKAAPAT NA LINGGO NG ADBIYENTO. Panginoong Hesus, sa ika-apat na Linggo ng adbiyento ay dalangin namin ang...
21/12/2025

PANALANGIN SA IKAAPAT NA LINGGO NG ADBIYENTO.

Panginoong Hesus, sa ika-apat na Linggo ng adbiyento ay dalangin namin ang kapayapaan para sa aming pamilya at aming komunidad. Punuin Mo po ng pag-ibig ang puso ng bawat isa upang kami pong lahat ay maging tagapaghatid ng iyong mabuting balita at kapayapaan sa bawat tao. Manahan Ka po sa aming piling, O Prinsipe ng Kapayapaan! Amen.

Mapagmahal na Ama, buong puso kaming nagpapasalamat sa Iyo sa pagkakaloob Mo sa amin ng isang Masintahing Ina, ang aming...
07/12/2025

Mapagmahal na Ama, buong puso kaming nagpapasalamat sa Iyo sa pagkakaloob Mo sa amin ng isang Masintahing Ina, ang aming Mahal na Birheng Inmaculada Concepcion. Sa pamamagitan ng kanyang mairuging pagkakandili sa amin, pinatatag at pinagtibay Mo ang pundasyon ng aming pananampalataya. Kami'y kanyang sinamahan sa bawat yugto ng aming buhay sa mga sandali ng tuwa, hapis, kabiguan at katagumpayan. Sa pamamagitan niya, nadama namin ang iyong walang maliw na pagmamahal. Kami'y kanyang inaruga at hindi nya kami pinabayaan. Nawa'y patuloy niya kaming akayin sa pagtahak namin sa landas patungo sa Iyong Anak. Gabayan at kalingain kami sa paglalakbay sa buhay hanggang sapitin namin ang iyong maluwalhating kaha***n sa kalangitan, sa piling ng iyong anak at lahat ng mga banal, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Happy birthday to our dear Head Servant of the Diocese of Imus Catholic Charismatic Renewal Secretariat, Bro. Arthur Cas...
06/12/2025

Happy birthday to our dear Head Servant of the Diocese of Imus Catholic Charismatic Renewal Secretariat, Bro. Arthur Castor! God bless you always!

Panginoon naming Diyos, Sa panahon ng Adbiyento, iniaalay namin sa Iyo ang aming puso. Tulungan Mo kaming maging katulad...
06/12/2025

Panginoon naming Diyos, Sa panahon ng Adbiyento, iniaalay namin sa Iyo ang aming puso. Tulungan Mo kaming maging katulad ni San Juan Bautista— matapang sa katotohanan, mapagpakumbaba sa paglilingkod, at tapat sa panawagan ng pagbabagong-loob.
Linisin Mo ang aming mga puso, tuwirin ang aming mga landas, at ihanda ang aming mga buhay upang marapat naming tanggapin ang pagdating ni Hesus, ang Liwanag na magpapabago sa mundo. Nawa’y ang aming salita at gawa ay maging bunga ng tunay na metanoia. Ito ang aming dalangin, sa ngalan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Sinisimulan natin ngayon ang panahon ng Adbiyento, mga araw nang paghihintay dahil alam natin na malapit na ang pagdatin...
29/11/2025

Sinisimulan natin ngayon ang panahon ng Adbiyento, mga araw nang paghihintay dahil alam natin na malapit na ang pagdating ni Hesus. Inaanyayahan tayo ng liturhiya ng Linggong ito na pag-isipan ang ating buhay kaugnay nang pagdating ng Panginoon. Inaanyayahan tayo ng Panginoon na papag-ibayuhin natin ang ating pagnanais na maging banal, na muling ibaling sa Diyos ang anumang kinakailangang baguhin.

Ang panahong ito ng Adbiyento, panahon ng paghihintay, ay isang pagkakataong buksan ang ating sarili sa mga kaloob na biyaya ng Panginoon at tanggapin ito nang buong puso at ibahagi ang mga ito sa ating kapwa. Ito ang tunay na diwa ng panahon na ito.

23/11/2025
Ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari ay isang mahalagang pagdiriwang ng Simbahang Katolika na ginaganap tuwing hulin...
23/11/2025

Ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari ay isang mahalagang pagdiriwang ng Simbahang Katolika na ginaganap tuwing huling Linggo ng Nobyembre. Ito ay bilang pagpupugay sa paghahari ni Kristo sa buong sanlibutan at pagtatapos ng kalendaryo ng Simbahan.

VIVA CRISTO REI!

ORATIO IMPERATALaban sa mga KalamidadAmang Makapangyarihan, Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat s...
08/11/2025

ORATIO IMPERATA
Laban sa mga Kalamidad

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.

Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig.
Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na.

Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, paglindol, at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta.
Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan. Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari- a***n at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.

Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pangalan ni Hesus.

Amen.

San Isidro Labrador, ipanalangin mo kami!

Mahal na Birhen ng Santo Rosario, Reina de Caracol, ipanalangin mo kami!

As we remember our dearly faithful departed this weekend, may our prayers bring peace to their souls and comfort to our ...
31/10/2025

As we remember our dearly faithful departed this weekend, may our prayers bring peace to their souls and comfort to our hearts.

To help your family honor and remember your loved ones, we’re sharing the Official Family Prayer for the Faithful Departed (English and Tagalog) from the Archdiocesan Liturgical Commission of Manila. Pray it together when you visit the cemetery or columbarium, or during your personal prayer time. 🕊️🙏🕯🌷

Address

Ligtong
Rosario

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when YMDC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share