29/11/2021
LUCAS 21:25-28,34-36
25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; 26 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit. 27 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 28 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.
34 Datapuwa't mangag-ingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:35 Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa.36 Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't panahon, na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.
*Verse 34-Katakawan- Hindi lamang sa Pagkain kundi sa ibang bagay, Sa halip ay maging matakaw sa pagdalo sa Gawain ng Panginoon
-Paglalasing-Hindi lamang sa pag-inom ng Alak, Sa Halip ay malasing sa Espiritu ng Diyos
-Kabalisahan-Manalangin upang magkaroon ng Lakas
-Mas mainam na ipanalangin ang kapwa kaysa sarili. Ang Diyos na ang bahalang magbigay ng biyaya saiyo.
*Ano ang dapat gawin upang mapaghandaan ang pagparito ng Panginoon?
1. 1 Tesalonica 5:16-18 16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong manalangin, 18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
*Magalak kayong lagi-Huwag natin isipin ang delubyong darating bagkus ay isipin natin ang pagdating ng ating tagapagligtas.
*Palagi tayong Manalangin at magpasalamat sa Diyos
2. Colossians 3:1-2 Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa,
*Mga bagay na panlangit ang lagi nating isaisip
*Palaging manampalataya
*Gumawa ng kabutihan sa Kapwa
3. Roma 12:1-2 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba[a] ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.
*Ialay ang sarili sa Diyos
*Huwag makia-yon sa takbo ng mundo
4. 1 Tesalonica 5:23 Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
*Panatihin natin ang sarili na walang kapintasan
Amen.
-Bro. Naci