Our Lady of the Rosary Parish - Rosario Batangas

Our Lady of the Rosary Parish - Rosario Batangas The official page of Our Lady of the Rosary Parish - Rosario Batangas

๐๐€๐“๐€๐‹๐€๐’๐“๐€๐’Ang Kumpรญlang Bayan sa ating Parokya ay nakatakdang ganapin sa ika-26 ng Setyembre 2026, araw ng Sabado, sa ga...
08/08/2026

๐๐€๐“๐€๐‹๐€๐’๐“๐€๐’

Ang Kumpรญlang Bayan sa ating Parokya ay nakatakdang ganapin sa ika-26 ng Setyembre 2026, araw ng Sabado, sa ganap na ika-1:00 ng hapon.

Ang edad ng mga kรบkumpilan ay labindalawang taรณng gulang pataas (12+ years old). Kinakailangang sila ay makapagsumite ng photocopy ng kanilang Birth Certificate at Baptismal Certificate.

Kinakailangan din ang Confirmation Certificate o Pinagkumpilรกn ng mga sponsor. Isang pares lamang ng ninong at ninang ang pinahihintulutan.

Ang Seminar ay pangungunahan ng ating mga katekista tuwing Sabado at Linggo, sa ganap na ika-9:30 ng umaga.

Para sa iba pang mga katanungan at detalye, mangyaring makipag-ugnayan sa Opisina ng Parokya.

๐๐€๐“๐€๐‹๐€๐’๐“๐€๐’Pansamantalang walang gaganaping Banal na Misa sa ating Parokya mula ika-10 ng Agosto, araw ng Lunes, hanggang...
05/08/2026

๐๐€๐“๐€๐‹๐€๐’๐“๐€๐’

Pansamantalang walang gaganaping Banal na Misa sa ating Parokya mula ika-10 ng Agosto, araw ng Lunes, hanggang ika-14 ng Agosto, araw ng Biyernes, upang bigyang-daan ang Banal na Pagsasanay ng ating Kaparian.

Tigil-operasyon din ang Opisina ng Parokya sa mga nabanggit na araw.

Muling magpapatuloy ang regular na iskedyul ng Misa sa ating Parokya at Office Hours ng Opisina sa ika-15 ng Agosto, araw ng Sabado.

๐“๐” ๐„๐’ ๐’๐€๐‚๐„๐‘๐ƒ๐Ž๐’ ๐ˆ๐ ๐€๐„๐“๐„๐‘๐๐”๐ŒSa paggunita sa Araw ng mga Pari, sama-sama nating batiin at ipanalangin ang minamahal nating ...
04/08/2026

๐“๐” ๐„๐’ ๐’๐€๐‚๐„๐‘๐ƒ๐Ž๐’ ๐ˆ๐ ๐€๐„๐“๐„๐‘๐๐”๐Œ

Sa paggunita sa Araw ng mga Pari, sama-sama nating batiin at ipanalangin ang minamahal nating kaparian.

Kalakip ang ating taos-pusong pasasalamat sa kanilang tapat at mapagkalingang paglilingkod, hilingin natin sa Panginoon na silaโ€™y patuloy na patatagin sa kanilang bokasyon, pagpalain ng mabuting kalusugan, at nawa'y makapiling natin sa marami pang taon ng paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang sambayanan.

๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘ถ๐‘ซ, ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ณMalugod na binabati ng Our Lady of the Rosary Parish si Rev. Fr. Den Mark Malabuyoc, OSJ, SS...
24/06/2026

๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘ถ๐‘ซ, ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ณ

Malugod na binabati ng Our Lady of the Rosary Parish si Rev. Fr. Den Mark Malabuyoc, OSJ, SSL sa pagdiriwang ng kanyang ika-15 Anibersaryo ng Ordinasyon sa Pagkapari ngayong ika-25 ng Hunyo 2026.

Dalangin namin na patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng lakas, karunungan, at kagalakan sa inyong bokasyon. Nawa'y sa halimbawa ni San Jose at sa mapagkalingang patnubay ng Mahal na Birheng Maria, ay magpatuloy kayong maging buhay na saksi ng pag-ibig at awa ng Diyos.

Maligayang ika-15 Anibersaryo ng Pagkapari, Fr. Den Mark!

09/06/2026
09/06/2026

WATCH I Witness the solemn and grace-filled moments from the Corpus et Sanguis Christi Celebration and Grand Eucharistic Celebration of the Archdiocese of Lipa held at Our Lady of the Rosary Parish, Rosario, Batangas on June 6, 2026.

The Holy Mass was presided over by Most Rev. Gilbert A. Garcera, D.D., Archbishop of Lipa and President of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP). The celebration was attended by altar servers from various parishes across the Archdiocese of Lipa, gathered in faith and unity to honor the Real Presence of Christ in the Holy Eucharist.

07/06/2026

Sa Our Lady of the Rosary Parish, Rosario, Batangas, nagkaisa ang mga mananampalataya mula sa buong Arsidiyosesis ng Lipa sa pagdiriwang ng 5th Archdiocesan Corpus et Sanguis Christi Celebration noong Hunyo 6, 2026. Isang makabuluhang araw ng pananampalataya, panalangin, at debosyon sa Banal na Eukaristiya na nagtapos sa maringal na Grand Eucharistic Procession bilang hayag na pagpapahayag ng tunay na presensya ni Kristo sa gitna ng Kanyang bayan.

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐€๐“๐ˆ๐๐†Buong galak na tinatanggap ng Our Lady of the Rosary Parish โ€“ Rosario, Batangas ang pagdating ng Lub...
06/06/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐€๐“๐ˆ๐๐†

Buong galak na tinatanggap ng Our Lady of the Rosary Parish โ€“ Rosario, Batangas ang pagdating ng Lubhang Kagalang-galang na si Gilbert A. Garcera, Arsobispo ng Lipa at Pangulo ng CBCP, bilang pangunahing tagapanguna sa pagdiriwang ng 5th Archdiocesan Corpus et Sanguis Christi Celebration at Grand Eucharistic Procession ngayong ika-6 ng Hunyo 2026.

Kasama ang mga delegado mula sa iba't ibang parokya sa buong Arsidiyosesis ng Lipa, tayo ay magtitipon upang ipagdiwang at parangalan ang Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo sa Banal na Eukaristiya.

๐๐‘๐Ž๐‚๐„๐’๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐‘๐Ž๐”๐“๐„Narito po ang ruta para sa Grand Eucharistic Procession. Inaasahang magsisimula ang Pagpuprusisyon ng Sa...
05/06/2026

๐๐‘๐Ž๐‚๐„๐’๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐‘๐Ž๐”๐“๐„

Narito po ang ruta para sa Grand Eucharistic Procession. Inaasahang magsisimula ang Pagpuprusisyon ng Santisimo Sakramento sa mga pangunahing lansangan ng Poblacion sa ganap na 5:30 ng hapon.

Para po sa mga kabahayang madaraanan ng Santisimo Sakramento, hinihikayat namin kayong magsindi ng kandila o maglagay ng munting altar, kung maaari. Sa pagdaan ng Prusisyon, mangyari po sanang lumuhod at magbigay-galang sa ating Panginoon sa Kabanal-banalang Sakramento.

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐€๐‹๐€๐€๐‹๐€ Narito po ang ilang mga paalaala para sa nalalapit na 5th Archdiocesan Corpus et Sanguis Christi Celebratio...
04/06/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐€๐‹๐€๐€๐‹๐€

Narito po ang ilang mga paalaala para sa nalalapit na 5th Archdiocesan Corpus et Sanguis Christi Celebration and Grand Eucharistic Procession sa darating na ika-6 ng Hunyo, araw ng Sabado.

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa pagsamba kay Kristo sa Kanyang Kabanal-banalang Katawan at Dugo sa Altar.

Address

Gualberto Avenue
Rosario
4225

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of the Rosary Parish - Rosario Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Our Lady of the Rosary Parish - Rosario Batangas:

Shortcuts

Share