Rosario Foursquare Church

Rosario Foursquare Church Evangelical. To preach the gospel and accept Jesus Christ as the savior, baptizer, healer and the coming King

✨ Blessed Sunday, Foursquare Family! 🤍What a beautiful Sunday spent in the presence of the Lord! 🙏🏻✨Tunay ngang napakabu...
09/08/2026

✨ Blessed Sunday, Foursquare Family! 🤍

What a beautiful Sunday spent in the presence of the Lord! 🙏🏻✨

Tunay ngang napakabuti ng Diyos—sa bawat awit, panalangin, at sa bawat Salita na ating narinig, muli tayong pinaalalahanan ng Kanyang faithfulness at pagmamahal sa atin.

Hindi man tayo perpekto o may lahat ng kakayahan, God can use ordinary people for His extraordinary purposes. All we need is a heart that is willing to trust, surrender, and follow Him. 🤍

May we continue to draw near to God, find our strength in Him, and allow Him to use our lives for His glory.

To God be all the glory! 🙌🏻🤍

09/08/2026

📖 WORD OF GOD | SUNDAY SERVICE 🤍

“Why God Used Ordinary People”
📌 1 Corinthians 1:27–29

Madalas iniisip natin na kailangan muna nating maging magaling, espesyal, o qualified bago tayo magamit ng Diyos. Pero ipinapaalala sa atin ng Salita ng Diyos na hindi ang ating kakayahan, status, o pagiging “perfect” ang basehan Niya.

God can use ordinary people for extraordinary purposes. ✨

Sa ating kahinaan, kaya Niyang ipakita ang Kanyang kalakasan. Sa mga bagay na akala natin ay maliit o hindi sapat, kaya Niyang gumawa ng something greater for His glory.

Hindi mo kailangang maging extraordinary para magamit ng Diyos. Kailangan mo lamang maging willing, available, at faithful sa Kanyang calling. 🙏🏻

May we never underestimate what God can do through an ordinary life that is fully surrendered to Him. 🤍

When God calls, trust Him. When He uses you, give Him all the glory. ✨

09/08/2026

✨ Blessed Sunday, Church Family! 🤍

Another beautiful Sunday to gather together in the presence of our Lord! 🙏🏻💗

Sa bawat awit, panalangin, at pagsamba, nawa’y mapuno ang ating mga puso ng kagalakan, pasasalamat, at kapayapaan na nagmumula sa Diyos.

Anuman ang ating pinagdaraanan, patuloy tayong manalig at kumapit sa Kanya. Siya ang ating sandigan, kanlungan, at lakas sa bawat season ng ating buhay. 🤍

Today, let us come before Him with joyful hearts and a grateful spirit. Iwan muna natin ang ating mga worries at hayaan nating i-refresh ng presensya ng Diyos ang ating mga puso. ✨

God is good. God is faithful. At sa Kanya, mananatili tayong matatag. 🙌🏻

Have a blessed and grace-filled Sunday, everyone! 🤍
To God be all the glory!

✨ Ang Diyos ay Nakikinig 🙏“Before they call I will answer; while they are still speaking I will hear.” - Isaiah 65:24Nap...
05/08/2026

✨ Ang Diyos ay Nakikinig 🙏

“Before they call I will answer; while they are still speaking I will hear.”
- Isaiah 65:24

Napakabuti ng ating Diyos! Kapag lumalapit tayo sa Kanya, nakikinig Siya. Bago pa man natin sabihin ang ating mga pangangailangan, alam na Niya ang laman ng ating puso.

Kaya’t lumapit tayo sa Panginoon nang may tapat na puso at buong katiyakan ng pananampalataya (Hebrews 10:22). Manalangin tayo nang may katapatan at pananampalataya, nagtitiwalang ang Kanyang tugon ay laging naaayon sa Kanyang perpektong kalooban.

Maaaring ang Kanyang sagot ay “Oo,” “Hindi,” o “Maghintay,” ngunit bawat tugon Niya ay may layunin at nangyayari sa tamang panahon.

🙏 Patuloy tayong lumapit sa Diyos, manalangin nang may pananampalataya, at magtiwala sa Kanyang katapatan.

✨ Grace-filled First Sunday of August! 🤍What a blessing to begin this new month in the presence of the Lord!Tunay ngang ...
02/08/2026

✨ Grace-filled First Sunday of August! 🤍

What a blessing to begin this new month in the presence of the Lord!

Tunay ngang sa bawat awit, panalangin, at pakikinig sa Salita ng Diyos, napupuno ang ating mga puso ng pag-asa, kapayapaan, at panibagong lakas.

As we begin this new month, let us continue to trust God’s perfect plan, walk by faith, and live for His glory.

God bless everyone! 🙏✨

02/08/2026

📖 Word of God
Tema: Ang Lihim ng Tagumpay ni Uzias
Talata: 2 Mga Cronica 26:5

“Habang hinahanap ni Uzias ang Panginoon, pinagtagumpay siya ng Diyos.” 🤍

Ang lihim ng tunay na tagumpay ay hindi nakasalalay sa ating sariling lakas o kakayahan, kundi sa patuloy na paghahanap sa Diyos. Kapag inuuna natin ang Kanyang presensya, sinusunod ang Kanyang kalooban, at nagtitiwala sa Kanya, Siya ang nagbibigay ng direksyon, karunungan, at tagumpay sa tamang panahon.

Ngayong bagong buwan, piliin nating hanapin ang Panginoon araw-araw. Sa Kanya, hindi nasasayang ang ating pagtitiwala. Habang patuloy nating inuuna ang Diyos, patuloy din Niyang ipapakita ang Kanyang katapatan at paggabay sa ating buhay.

Nawa’y maging paalala sa atin ang buhay ni Uzias—habang hinahanap natin ang Panginoon, patuloy Niyang gagabayan at pagpapalain ang ating buhay.

✨ Seek God first, and He will lead you to true success.

02/08/2026

✨ Blessed First Sunday of August! ✨

What a wonderful way to start the month—gathering together in God’s presence! 🤍

Tunay ngang sa bawat awit, panalangin, at pakikinig sa Salita ng Diyos, napupuno ang ating mga puso ng pag-asa, kapayapaan, at panibagong lakas.

As we step into this new month, let us continue to trust God’s perfect plan, walk by faith, and live for His glory.

God bless everyone! 🙏✨

Ugaliin nating manalangin. 🤍🙏Ang panalangin ay hindi lamang para sa mga oras ng pangangailangan, kundi isang paraan ng p...
29/07/2026

Ugaliin nating manalangin. 🤍🙏

Ang panalangin ay hindi lamang para sa mga oras ng pangangailangan, kundi isang paraan ng pamumuhay na patuloy na lumalapit sa Diyos.

Habang mas naglalaan tayo ng oras sa Kanya, mas nararanasan natin ang Kanyang pag-ibig, biyaya, kapayapaan, at katapatan. Sa bawat panalangin, mas lumalalim ang ating pananampalataya at mas nakikita natin ang Kanyang pagkilos sa ating buhay.

Kaya anuman ang ating pinagdaraanan, huwag tayong tumigil sa pananalangin. Ang Diyos ay laging nakikinig, at sa Kanyang tamang panahon, sasagutin Niya ang bawat panalangin ayon sa Kanyang mabuti at perpektong kalooban.

"Pray without ceasing."
1 Thessalonians 5:17 🤍

Sunday well spent in God’s presence. 🤍✨What a beautiful reminder that every Sunday is another opportunity to encounter G...
26/07/2026

Sunday well spent in God’s presence. 🤍✨

What a beautiful reminder that every Sunday is another opportunity to encounter God’s love, be strengthened by His Word, and grow deeper in our faith.

Sa ating praise and worship, fellowship, at sa mensahe na “Reaching Forward by Faith” (Acts 11:19–30), pinaalala sa atin na hindi tayo tinatawag ng Diyos na manatili sa takot, kundi umabante sa pananampalataya, nagtitiwala sa Kanyang plano kahit hindi pa natin nakikita ang kabuuan nito.

Thank You, Lord, for another life-changing Sunday. Dalhin namin ang Iyong Salita hindi lang ngayong araw, kundi sa bawat araw ng aming buhay.

See you next Sunday! God bless everyone. 🙌🤍

26/07/2026

Hindi man natin alam ang lahat ng mangyayari bukas, alam nating kasama natin ang Diyos sa bawat hakbang. Kaya huwag tayong manatili sa takot, umabante tayo sa pananampalataya. 🙌🤍

Reaching Forward by Faith
📖 Acts 11:19–30

Ang tunay na faith ay hindi naghihintay na maging perfect ang sitwasyon. Ito ay patuloy na nagtitiwala at sumusunod, kahit hindi pa nakikita ang buong plano ng Diyos.

See you again next Sunday! God bless everyone. 🤍

Address

Rosario

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rosario Foursquare Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Rosario Foursquare Church:

Shortcuts

Share