27/04/2026
Youthful journey!
Isang papugay at pasasalamat sa Diyos para sa matagumpay na Youth For Carmelite Camping (YFCC) 2026. Isang karanasan ang nabuksan mula April 24 hanggang April 26, 2026 dahil sa panunumbalik ng tradisyunal na pagkakaisa na hinubog sa mga katagang “ASIN” at “ILAW”. Isang malaking hamong sa ating mga kabataan.
Sa ngalan ng aming payak na parokia, lubos po kaming nagpapasalamat sa mga nakiisang parokia ang St Jude Thaddeus Parish, Pozorrubio, St John Marie Vianney Quasi-Parish, Sison at St Anthony of Padua Parish, Rosales. Gayundin ang dugo, pawis at sakripisyo ng ating mga kabataan para sa napakalaking hamon ng pagtitipon ng mga kabataan para sa pagpapatuloy nilang maging asin at ilaw ng mundo.
Agyaman 😇🙏