30/03/2026
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating Visita Iglesia 2026 bilang bahagi ng ating pagninilay at pagpapalalim ng pananampalataya ngayong Mahal na Araw. 🙏🏼
🗓️ Petsa: April 1, 2026
⏰ Oras: 6:30am
📍 Assembly Area: Saint Anthony of Padua Parish- Agnipa
Sama-sama tayong maglakbay, manalangin, at magnilay sa bawat simbahan na ating bibisitahin. Dalhin natin ang ating mga panata, pasasalamat, at mga intensyon sa Panginoon.
“Sa bawat hakbang, mas lalong lumalapit ang puso sa Kanya.”
Inaanyayahan ang lahat—pamilya, kaibigan, at kapwa mananampalataya. Tara na at sabay-sabay nating maranasan ang biyaya ng paglalakbay na ito.