San Antonio de Padua Parish Chronicle

San Antonio de Padua Parish Chronicle Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Antonio de Padua Parish Chronicle, Religious organisation, Agnipa, Romblon.

01/06/2025

Flores de Mayo ng Parokya sa 2025 Nagtapos sa Isang Walking Dawn Rosary at Misa sa Kapilya ni Sto. Niňo

Nagsama-sama ang mga kasapi ng Parokya ni San Antonio de Padua mula sa Ginablan at Agnipa sa Lunas nang May 31, 2025, Sabado, bandang 5:00 nang madaling araw at mula rito naganap ang Walking Dawn Rosary patungo sa Kapilya ni Sto. Niňo sa Agpanabat dala-dala ang imahen ni Mama Mary maging ang ibang galing sa Sitio Sampalok at Sitio Agbaliga ay naglakad habang nagrorosaryo patungo sa nasabing kapilya at ang mga taga-Agpanabat ay nagrosaryo at nagnovena habang naghintay sa nasabing kapilya para sa isang Misa na isinagawa ni Rev. Fr. Nestor M. Gadon, Kura Paruko, at sa pag-awit sa Misa ng San Antonio de Padua Parish Choir sa pangunguna ni Sis. Nancy M. Bernal, Parish Music Ministry Coordinator.
Ang pangyayaring ito ang siyang napagpasyahang gawin ng Parokya nang nagkaroon ng Three Parish Councils’ Meeting noong May 3, 2025 sa San Antonio de Padua Parish Church na pinamunuan ni Bro. Job U. Martinez, Parish Pastoral Council Coordinator, Bro. Lutgardo M. Maaba, Parish Apostolic Council Coordinator at ni Rev. Fr. Nestor M. Gadon, Kura Paruko at Espiritwal Adviser. Lahat ng dumalo sa pagpupulong na ito ay 35 na mga opisyales ng Parish Pastoral Council, Parish Apostolic Council, at Parish Finance Council. Ayon nga sa napagkasunduan, ang Kapilya ni Sto. Niňo ang siyang magiging host nang Misa para sa pagtatapos ng Flores de Mayo.
Nagtulung-tulong ang mga kasapi ng kapilya sa Zones 1-3 sa paghahanda at paglilinis ng simbahan maging sa paghahanda ng pagkain para sa gawaing ito.
Kasama sa dumalo sa pagdiriwang ng Katapusan ng Flores de Mayo sa kapilyang ito ay ang mga seminaristang galing sa San Lorenzo Ruiz Seminary sa Odiongan, Romblon na sina Bro. John Vincent Vicente at Bro. Rey Moreno. Ginampanan nila ang kanilang tungkuling Parish Apostolate na nagsimula nang May 3, 2025 at magtatapos sa June 1, 2025. Kabilang sa nagampanan nilang gawain ang pamamahala ng PPCRV sa nasasakupan ng Parokya, pagbibigay ng recollection sa mga altar servers, at iba pa.
Pagkatapos ng Misa, inanyayahan ang mga nagsipagdalo sa isang agahang salu-salo na pinagtulungang ihanda ng mga opisyales ng Kapilya ni Sto. Niňo gamit ang pundo ng kapilya sa pamumuno ni Bro, Job U. Martinez, Chapel Coordinator at PPC Coordinator at ng Barangay Council sa pamumuno ni Brgy. Chairperson Belen M. Maaba.

01/06/2025

Unang Komunyon sa 2025 Naigawad sa 42 na Kabataan

Matagumpay na naidaos ang Unang Komunyon sa isang Misa para sa 42 na mga kabataan sa San Antonio de Padua Parish Church nang Mayo 24, 2025, alas otso nang umaga. Ang nag-gawad nito ay walang iba kundi si Rev. Fr. Nestor M. Gadon, Kura Paroko.
Ang mga kabataang nakatanggap ng Unang Komunyon sa tulong ng mga katekista ay ang mga sumusunod:

Agpanabat Elementary School:
1. Lance D. Caseres
2. Jerick M. Esquilona
3. Rjay M. Maaba
4. Arnel M. Magay
5. Rena Mae S. Malay
6. Jhon Jethier T. Martinez
7. Bob Daniel M. Osorio
8. Quenzel M. Rada
9. Jhon April M. Ruga
Katekista: Sis. Ilyn M. Maaba

Palje Elementary School:
1. Era R. Delos Angeles
2. Chris Angel Z. Maines
3. Sharmaine Mortos
4. Whil Jhade I. Poliarco
5. Paul Jericho A. Rios
Katekista: Sis Emma M. Maquirang

Lunas Elementary School:
1. Daryl M. Abnay
2. Glyzel Zhenan M. Baello
3. Princess Jelan M. De la Cruz
4. Honey Leigh Cyrene M. Glori
5. Gomer S. Loquias
6. Dave Matthew S. Macato
7. Dhamela Jade M. Magallon
8. Jayrin M. Menese
9. Jhester R. Mores
10. Myca M. Mortos
11. Tifhany S. Mortos
12. Marianline M. Muyo
13. Kayslee Maine M. Quiling
14. Amber Ace M. Rubas
15. Brent Leojan M. Sumadsad
Katekista: Sis Lanie De la Cruz, Sis. Liza Gotladera

Agnipa Elementary School:
1. Abbish Marie S. Apolinario
2. Princess Lorraine Apolinario
3. Darren Francis D. Balabag
4. Yhusana Andrea Q. De la Vega
5. Kam Jay Macalisang
6. Leona Jane S. Madrona
7. Krestylle Charmaine M. Manzo
Katekista: Sis. Julita M. Salingay

Ginablan Elementary School:
1. Mark Aron M. Barameda
2. Elynjoy Maestro
3. Jhon Lee M. Maraton
4. Wiendra Mieylls M. Merano
5. Kyrie Love M. Moreno
6. Marlo M. Natabio Jr.
Katekista: Sis. Nenita M. Marin

Bago ang nasabing araw ng Unang Komunyon, nagkaroon ng mahalagang paghahanda, kagaya ng mga sumusunod:

May 23,2025; 4.P.M. – Kumpisal para sa mga tatanggap ng Unang Komunyon sa San Antonio de Padua Parish Church na iginawad ni Rev. Fr. Nestor M. Gadon, Kura Paruko
May 17, 2025; 8:00 A.M. – Recollection para sa Unang Komunyon para sa mga magulang at kabataan. Ang naging tagapagsalita o tagapagpadaloy sa Recollection ng mga magulang ay si Bro. Aldonn Moreno at sa mga kabataan naman ay si Bro. Florencio D. Muyo Jr.

01/06/2025

Parokya ni San Antonio de Padua Nakilahok sa Ginintuang Jubileo ng Diocese of Romblon

Kagaya ng inaasahan ng lahat, ang Parokya ni San Antonio de Padua ay kasama sa mga parokyang kalahok sa Ginintuang Jubileo ng Diocese of Romblon na naganap noong ika-25 ng Abril, 2025 sa St. Joseph Cathedral sa Bayan ng Romblon. Ang mga kalahok mula sa Parokya ay si Rev. Fr. Nestor M. Gadon, Kura Paroko, at ang limang piling representante ng Parokya na sina Bro. Job U. Martinez, Parish Pastoral Council Coordinator; Bro. Lutgardo M. Maaba, Parish Apostolic Council Coordinator; Sis. Nancy M. Bernal, Parish Finance Council Coordinator; Sis. Milagros D. Marron, former Parish Pastoral Council Coordinator; and Sis. Maricel D. Balabag, former Parish Formation Team Coordinator.
Sa araw na iyon, isang Misa ang naisagawa sa Cathedral sa pangunguna ni Most Rev. Charles John Brown, D.D., Apostolic Nuncio of the Holy See to the Philippines, nang 9:00 A.M. kasama sa pagsasagawa ng Misang ito ang mga arsobispo o obispo galing sa Diyoseses ng Iloilo, Capiz, San Carlos, Antique, Puerto Princesa, Cabancalan, Zamboanga, Lucena -Most Rev. Mel Rey Uy, Novaliches -Most Rev. Antonio Tobias at ng host, Romblon -Most Rev. Narciso Abellana, kasama ang mga kapariang galing sa Capiz, Kalibo, NCR at Romblon, isa na nga rito si Fr. Nestor.
Kalahok rin sa Misang ito ang tiglilimang representante ng bawat Parokya sa Diyoses ng Romblon na nabigyan ng pagkakataong makapasok at makaupo sa loob ng Cathedral at ang iba ay nabigyan ng pagkakataong makaupo sa mga upuang naihanda sa labas ng Cathedral.
Samantala, tatlong taong nakiisa sa paghahanda ang Parokya para sa isang matagumpay na selibrasyon ng Ginintuaang Jubileo. Kasama sa paghahandang ito ang pagkakaroon ng mga paghuhubog sa mga kasapi ng Parokya at ang pag-awit ng theme song, Ginintuang Jubileo, na isinasayaw ng mga kabataan sa loob ng San Antonio de Padua Parish Church o mga kapilyang nasasakupan ng Parokya sa araw ng Linggo habang nagsasagawa ng Misa.

02/05/2025

Parokya ni San Antonio de Padua naging Abala para sa 2025 Holy Week

Nagsimula ang paghahanda ng Parokya ni San Antonio de Padua para sa Holy Week nang Palm Sunday, April 13, 2025 sa pagkakaroon ng Misa sa iba’t ibang kapilya ayon sa naibigay na schedule, postponed muna ang mga anticipated Mass sa piling kapilya. Nagkaroon ng Apostles’ Visit ang mga miyembro ng Lay Ministry (Panimbahon) sa mga tahanan ng mga kapatid sa pananampalataya ayon sa nagawang schedule na nagsimula sa Sitio Sampalok noong Abril 14, 2025 at nagtapos noong Abril 16, 2025 sa Barangay Ginablan. Nagkaroon naman ng scheduled Confession sa bawat kapilya na nagsimula sa Luklukan ni San Pedro, Kapilya sa Sitio Sampalok noong Abril 15, 2025; 9:00 A.M. at nagtapos nang sumunod na araw, Miyerkules sa Kapilya ni San Ramon Nonato sa Barangay Lunas sa ganap na 5:30 nang hapon. Nang Holy Thursday, Abril 17, 2025, naganap ang isang Misa sa Simbahan ng Parokya nang 4:00 P.M. na nagpakita ng Washing of the Feet. Pagkatapos nito, naganap ang Last Supper sa function hall ng kumbento sponsored by Menorca family at sinundan ito ng Vigil ng Parokya ayon sa naitakdang schedule. Pinangunhan ito ng mga taga Sitio Sampalok at Agbaliga, at sinundan ng mga taga Barangay Agpanabat at Palje, Lunas at Ginablan at nagtapos sa mga taga Zone 1-3 at Sitio Ilaya ng Agnipa. Nang Holy Friday, Abril 18, 2025, 3:00 P.M. naidaos ang Liturgy of the Word sa Simbahan ng Parokya na sinundan ng isang prusisyon. Nang Black Saturday, Abril 19, 2025, naganap ang Blessing of Fire nang 7:00 P.M. at sinundan ito ng isang Misa. Nang sumunod na araw, Easter Sunday, Abril 20, 2025, sinimulan ito ng Salubong na naggaling sa Barangay Ginablan at Sitio Guinbuyangan patungong Simbahan ng Parokya. Sinundan ito ng isang Misa na isinagawa nina Rev. Fr. Nestor M. Gadon at Rev. Fr. Pershing Faeldog. Pagkatapos nito, nagkaroon ng pamamahagi ng lugaw sa gustong mag-almusal nito.

02/05/2025

“Walking Together in Hope” sa 2025 Lenten Recollection ng Parokya

Naganap ang 2025 Lenten Recollection ng Parokya ni San Antonio de Padua para sa mga matatanda at kabataan sa magkahiwalay ngunit magkalapit na lugar, ang Simbahan ng Parokya at ang function hall sa katabi nitong kumbento. Ito ay nangyari noong ika-labing dalawa ng Abril sa taong kasalukuyan. Ang Recollection na ito ay naisagawa batay sa Lenten message ni Pope Francis, “Wakling Together in Hope.” Naganap ito sa loob ng mahigit-kumulang tatlo at kalahating oras na nagsimula sa ganap na ika-walo nang umaga hanggang alas onse y media nang umaga. Ang nagsilbing resource speaker para sa recollection ng mga kabataan na ginanap sa function hall ng kumbento ay si Bro. Marvin M. Salvador at si Bro. Archie Leo Pijano naman ang naging resource speaker para sa mga matatanda na ginanap naman sa loob ng Simbahan ng Parokya. Ang mga nagsipagdalo sa Recollection na ito ay ang mga Kabataang nanggaling sa mga kapilyang sakop ng Parokya at 62 kataong may mga mahahalagang gampananin sa Parokya at kanya-kanyang kapilya. Ilan sa mga mahahalagang kaisipan na naibahagi ni Bro. Archie sa mga nagsipagdalo upang mapagnilayan ay ang mga sumusunod: (1) retreat from the noise: hear God’s voice. Begin by returning to God, resting in God’s goodness and love, and allowing God to restore your confidence in God’s protection and providence. God is at work in your life; (2) the truest freedom from slavery of sin sprang from the Cross of Christ; and (3) we need to open ourselves to the grace of Christ in the depths of our hearts. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga nagsipagdalo na makapagkumpisal na iginawad ni Rev. Fr. Nestor M. Gadon, habang isinasagawa ang recollection.
Matapos ang Recollection na ito, ang mga miyembro ng Catechist Ministry, Music Ministry, at LECOM ay nagkatipon sa magkaibang lugar para sa kanilang pagpupulong. Sa pagpupulong ng Music Ministry, sila ay sinamahan ni Bro. Archie bilang adviser o consultant. Sa pagpupulong na ito, ipinahayag ang pagkakaiba ng religious at liturgical songs. Pag panimbahon, kasama sa the Lord’s Prayer ang Doxology, Sapagkat sa Iyo nagmumula….Ang mga liturgical songs ay may pagkakaiba ayon sa seasons: Lent, Ordinary Days, Advent, at Christmas. Ang Christmas songs ay inaawit mula December 24 to January 6. Inaawit ang mga supplementary songs sa Offertory at Communion. Pwedeng magkaroon ng multiple songs during Offertory and Communion. Samantala, ang mga katekista ay nagkaroon ng salu-salo pagkatapos ng kanilang pagpupulong na ginanap sa tabing dagat di kalayuan sa harap ng Simbahan ng Parokya.

31/03/2025

Sakramento ng Kumpil 2025 Naigawad sa 62 na Kabataan

Naidaos ang Sakramento ng Kumpil ng Parokya sa pamamgitan ng isang Misa sa Simbahan ng Parokya na ginawa ni Rev. Fr. Nestor M. Gadon, Vicar General ng Diocese of Romblon at Kura Paruko noong Pebrero 22, 2025. Animnapu’t dalawang (62) kabataan ang matagumpay na nakalahok dito kasama ang kanilang mga magulang, ninong, o ninang. Ilan sa mga katekista ay naging ninong at ninang ng ilan sa mga kumpilan. Bago naganap ang gawaing ito, nagkaroon ng Recollection ang mga kumpilan at ang kanilang mga magulang hinggil dito sa magkahiwalay na lugar, sa loob ng simbahan ang mga magulang kasama si Bro. Aldon Moreno bilang tagapagsalita samantalang sa loob ng function hall ng Kumbento naman ang mga kumpilan kasama ang kanilang tagapagsalita na si Gng. Milagros D. Marron, ang dating PPC Coordinator. Ang gawaing ito ay pinamahalaan ng Parish Catechist Ministry sa pamumuno ni Catechist Ilyn M. Maaba, Coordinator kasama ang iba pang mga katekista.

31/03/2025

Blessing ng Kapilya ni San Ramon Nonato, Iginawad ni Most Reverend Narciso Abellana, D.D. MSC, Bishop of Romblon

Naisagawa ang Blessing ng Kapilya ni San Ramon Nonato sa Barangay Lunas sa pamamagitan ni Most Reverend Narciso Abellana, D.D. MSC, Bishop of Romblon sa isang Misa noong Pebrero 15, 2025. Kasama ni Bishop si Rev. Fr. Nestor M. Gadon, Kura Paruko, at ang iba pang pari mula sa ibang Parokya sa Diyoses ng Romblon at si Honorable Congressman Eleandro Jesus F. Madrona at iba pa niyang mga kasama. Naidaos ang Misa kasama ang San Antonio de Padua Parish Choir. Matapos ang Misa, isang salu-salo ang naganap sa Lunas Covered Court na tulong-tulong na inihanda ng mga opisyales ng kapilya at barangay sa pamumuno ni Brgy. Chairman Adolfo Malla. Nagkaroon din ng pagkakataon sina PPC Coordinator Job U. Martinez at PPC Secretary Melodia M. Muyo na maibigay ang kopya ng profile ng susunod na magiging kura paruko ng San Antonio de Padua Parish sa tulong ni Fr. Nestor.

31/03/2025

Celebration of 2025 National Bible Week Sinimulan sa Isang “Fun Walk”

May mga kasapi ang bawat kapilya na nakiisa sa pagdaraos ng National Bible Week 2025 na sinimulan sa isang “Fun Walk” noong Enero 25, 2025. Ito ay nangyari sa Barangay Palje. Ang lahat ng kalahok ay nagsimulang maglakad mula sa kanilang kapilya bandang alas 5:00 nang madaling araw papuntang Palje. Kagaya ng inaasahan, may mga kalahok na nabigyan ng Bible verse sa maliit na kapirasong papel na kanilang binasa at pinagnilayan bago o habang sila’y papunta sa Pajle para sa nasabing gawain. Pagdating sa Palje, isang Misa ang isinagawa sa Palje Covered Court kasama si Rev. Fr. Nestor M. Gadon, Kura Paruko, at ang Parish Choir. Sinundan ito ng isang talakayan hinggil sa tema: God’s Word: Source of Hope (Harmony, Obedience, Peace, Empowerment) kasama si Bro. John Paul Esplana, isang Seminarian na taga Romblon, Romblon bilang tagapagsalita. Bago sinimulan ang Bible Quiz sa tatlong Synoptic Gospels mula sa Aklat nina San Marcos, San Lucas, at San Mateo ay nagkaroon muna ng isang salu-salo na may sapat na pagkain para sa lahat ng nagsipagdalo na inihanda ng Barangay Palje Chapel Officers at Barangay Officials sa pamumuno ni Brgy. Chairman Rey Marceňo. Ito ay nilahukan ng mga grupo ng mga mag-aaral mula sa limang paaralan sa Ginablan, Agnipa, Lunas, Palje, at Agpanabat. Ang bawat grupo ay may tatlong bata mula sa Grade 4 hanggang Grade 6. Sa huli, ang grupong nagwagi at nakakuha ng First Place ay ang grupo ng mag-aaral sa Agpanabat na ginawaran ng kaukulang premyo. Maliban sa mga myembro ng Parish Bible Apostolate, ang mga katekista ng Parokya ang naging katuwang sa pamamahala sa gawaing ito.

31/03/2025

2025 Dedication Anniversary of San Antonio de Padua Parish Church Matagumpay na Naidaos

Matagumpay na naidaos ang Dedication Anniversary of San Antonio de Padua Parish Church sa Barangay Agnipa sa pamamagitan ng isang misa ni Rev. Fr. Nestor M. Gadon, Kura Paruko, sa ganap na ika-walo nang umaga noong Enero 12, 2025. Ang mga nagsipagdalo ay ang mga opisyales at iba pang mga kasapi ng bawat kapilya. Ang bawat Chapel Coordinator and siyang namahala sa mga sasakyan ng mga nagsipagdalo na walang sariling sasakyan subalit hindi lahat ay nakalahok pa rin dito dahil sa walang masakyan ang galing sa ibang chapel. Nagkaroon ng kaunting salu-salo pagkatapos ng Misa na inihanda ni Bb. Lut M. Mingoa, Ingat-yaman ng Parokya, at ng kanyang mga kasama.

31/03/2025

To Everyone: The information that you will read in this page tells about the records of important events in the Parish arranged from previous to current that may not be complete or may require further editing. If you have any comment, suggestion, or question on any information contained in this page, we will be glad to hear or get it from you. You can get in touch with us, San Antonio de Padua Parish chroniclers: Renz Dadulla Muyo Jr. and Arleen Solidum Menorca - Molo. Thank you.

Address

Agnipa
Romblon
5500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Antonio de Padua Parish Chronicle posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share