05/04/2026
βTaos-pusong pasasalamat sa matagumpay na pagdalaw ng Banal na Krus sa bawat tahananβisang paanyaya ng pananampalataya, pagninilay, at pagbabalik-loob. πβ¨
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga kabataang kalalakihan ng Katedral de San Jose na naging tapat na Apostoles ngayong taon at sa lahat ng kabataan na syang nakilahok sa aktibidad na ito. Ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at paglilingkod ay tunay na kahanga-hanga at inspirasyon sa marami. Layunin ng gawaing ito na mas mapalapit pa ang mga indibidwal na Kristyano kay Kristo at makalikom ng pondo ang mga kabataan para sa gaganaping RYD 2026.
Nawaβy patuloy kayong pagpalain at gabayan ng Panginoon sa inyong landas. πβοΈβ