ST. Joseph Catholic Charismatic Renewal Ministry, Romblon, Romblon

ST. Joseph Catholic Charismatic Renewal Ministry, Romblon, Romblon A Parish based Charismatic group of St. Joseph Cathedral Parish, Romblon, Romblon. Please like & sh It means embracing the fullness of our Christian initiation.

A Grace of God

Accepting the Baptism in the Holy Spirit does not mean joining a movement. It can touch anyone and everyone. It has an effect on every part of the life of the Church, because it equips us to serve God and one another in love and power, and sends us out to participate in the Church's ministry in the world. It revitalizes every program in our parish because it revitalizes every perso

n who is involved in the programs. Living in the Spirit means participating fully in the Body of Christ. It can make our parishes real communities of love, from which we take the challenge of the Gospel into our social and work environment. Our mission is the mission of the Church – to transform society. What is essential is the presence and the power of the Holy Spirit. On this and on the gifts of the Spirit I don't see how we can compromise. At a recent public audience Pope John Paul II taught on the charisms in the life of the Church. He explained their importance in this way:

"The people of God's sharing in the messianic missions is not obtained only through the Church's ministerial structure and sacramental life. It also occurs in other ways – that of the spiritual gifts and charisms." Charles Whitehead – On the Charismatic Renewal

08/07/2025

THE HOLY MASS AND INSTALLATION OF
REV. FR. JORAYPE AMADEO M. FLORES

AS THE NEW RECTOR & PARISH PRIEST OFFICIATED BY, HIS EXCELLENCY MOST. REV. NARCISO V. ABELLANA MSC. DD.
BISHOP OF ROMBLON

ON JULY 12, 2025, SATURDAY | 2:00 PM AT KATEDRAL DE SAN. JOSE - ROMBLON

04/06/2025

Daily Gospel at mga Pagbasa
Huwebes, Hunyo 5, 2025

📖 UNANG PAGBASA
Mga Gawa 22, 30; 23, 6-11

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, ibig matiyak ng pinuno kung ano nga ang sakdal ng mga Judio laban kay Pablo, kaya’t pinagpulong niya kinabukasan ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin, saka kinalagan si Pablo, ipinanaog at iniharap sa kanila.

Alam ni Pablo na doo’y may mga Saduseo at Pariseo, kaya’t sinabi niya nang malakas, “Mga kapatid, ako’y Pariseo, anak ng mga Pariseo. Dahil sa pag-asa kong muling mabubuhay ang mga patay ako’y nililitis ngayon.” Matapos itong sabihin ni Pablo, nagtalu-talo ang mga Pariseo at ang mga Saduseo, at nahati ang kapulungan. Sapagkat ang sabi ng mga Saduseo, hindi muling mabubuhay ang mga patay at walang anghel o espiritu, subalit ang mga Pariseo nama’y naniniwala sa lahat ng ito. At lumakas ang kanilang sigawan. Tumindig ang ilan sa mga eskribang kapanig ng mga Pariseo at malakas na tumutol. “Wala kaming makitang pagkakasala ng taong ito. Ano kung may isang espiritu o isang anghel na nagsalita sa kanya?”

At nang maging mainitan na ang kanilang pagtatalo, natakot ang pinuno na baka lurayin nila si Pablo, kaya’t pinapanaog niya ang mga kawal, ipinakuha si Pablo at ipinapasok sa kuta.

Kinagabihan, tumayo ang Panginoon sa tabi ni Pablo at sinabi sa kanya, “Lakasan mo ang iyong loob! Nagpatotoo ka tungkol sa akin dito sa Jerusalem; ganyan din ang gawin mo sa Roma.”

Ang Salita ng Diyos.

📖 SALMONG TUGUNAN
Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11

Tugon: D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

O Diyos, ako’y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,
ang hangad ko ay maligtas kaya sa ‘yo dumudulog;
“Ika’y aking Panginoon,” ang wika ko sa aking Diyos,
“Kabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.”
Ikaw lamang, O P**n ko, ang lahat sa aking buhay,
ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.

Tugon: D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

Pinupuri ko ang P**n na sa akin ay patnubay.
Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay.
Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras.
Sa piling n’ya kailanma’y hindi ako matitinag.

Tugon: D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak.
Ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,
sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.

Tugon: D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
Ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

Tugon: D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

📖 MABUTING BALITA
Juan 17, 20-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, “Amang banal, hindi lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila’y ganap na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayon, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.”

“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


24/05/2025

Mga dapat tandaan sa medical mission sa darating na May 28-29, 2025!

06/05/2025
21/04/2025
20/04/2025
19/02/2025
Ang Mabuting Balita Oktubre 8 Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 10:38-42+ + + + + + +  Ang Mabuting B...
07/10/2024

Ang Mabuting Balita Oktubre 8 Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 10:38-42
+ + + + + + +

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas: ✝️

📖Noong panahong iyon, pumasok si Jesus sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing ito'y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo.

Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya't lumapit siya kay Jesus at ang wika, "Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako." Ngunit sinagot siya ng Panginoon, "Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito'y hindi aalisin sa kanya."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



Address

Romblon
5500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ST. Joseph Catholic Charismatic Renewal Ministry, Romblon, Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share