27/09/2025
May pagbabago po tayo ng schedule sa ating Grand Charismatic Prayer Meeting kadahilanang wala pang kuryente dahil sa bagyong Opong. Maghintay lamang po sa panibagong update. God blessed everyone 🤍
Bilang bahagi ng masaya at makabuluhang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, inaanyayahan namin ang lahat ng kapatid sa pananampalataya na makiisa sa Grand Charismatic Prayer Meeting sa isang gabing hitik ng papuri, panalangin, at pagsamba sa ating Panginoon! 💒🎶
Halina’t damhin ang presensya ng Diyos, maranasan ang kagalingan ng Kanyang salita, at magsama-sama bilang iisang pamilya ng pananampalataya. 💖🙌
🗓️ Araw: September 27, 2025 (Sabado)
📍 Lugar: San Lorenzo Ruiz Chapel ||Guintac-an, Agtiwa, San Fernando Romblon
🕒 Oras: 5:30 P.M
Tayo’y magtipon, magdiwang, at magpatuloy sa paglakad kasama si Kristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo! 🔥✨
“Kung saan may dalawa o tatlo na nagkakatipon sa Aking pangalan, Ako’y nasa gitna nila.” (Mateo 18:20)