St. Raphael the Archangel Parish - Montalban

Call Directions Website

St. Raphael the Archangel Parish - Montalban This is the official page of St. Raphael the Archangel Parish, Montalban, Rizal. https://srapmontalban.org/contact-us/

REGULAR MASS SCHEDULES

Weekdays
Monday: 6:00 AM
Tuesday: 6:00 PM
Wednesday: 6:00 AM Novena, followed by the 6:30 AM Mass
Thursday: 6:00 AM (except the 3rd Thursday of the month, when the Mass is at 6:00 PM only)
Friday: 6:00 AM
Saturday: 6:00 AM
Sundays
SRAP: 6:00 AM, 8:00 AM, 5:30 PM, 7:00 PM (English Mass)
ICC: 8:00 AM, 4:00 PM (English Mass)
SILC: 9:30 AM, 5:30 PM (English Mass)
SFAC (temporarily held at ICC): Saturday (Anticipated Mass): 5:30 PM, Sunday: 6:00 AM

๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐…๐š๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐š ๐Š๐จ๐ฐ๐š๐ฅ๐ฌ๐ค๐š | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Si Santa Faustina Kowalska ay isinilang bilang Helena Kowalska, a...
05/10/2026

๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐…๐š๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐š ๐Š๐จ๐ฐ๐š๐ฅ๐ฌ๐ค๐š | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Si Santa Faustina Kowalska ay isinilang bilang Helena Kowalska, ang ikatlo sa sampung magkakapatid, sa isang simpleng pamilya sa Poland. Bata pa lamang siya, malapit na ang kanyang puso sa Diyos. Mahilig siyang manalangin, masunurin sa kanyang mga magulang, at may malasakit sa mga taong nakararanas ng paghihirap.

Matagal nang nararamdaman ni Helena ang tawag ng Diyos na maglingkod bilang isang madre. Ngunit hindi ito agad pinayagan ng kanyang mga magulang. Sinubukan niyang mamuhay tulad ng ibang kabataan, ngunit hindi nawala sa kanyang puso ang paghahanap sa Diyos. Isang araw, habang nasa isang sayawan, nakaranas siya ng isang malalim na karanasan kay Hesus. Sa kanyang panalangin, narinig niya ang paanyaya na pumunta sa Warsaw at pumasok sa isang kumbento. Kahit wala siyang kasamang iba at tanging suot lamang niya ang kanyang damit, nagpunta siya at buong tapang na hinanap ang kanyang bokasyon.

Hindi naging madali ang kanyang paglalakbay. Ilang kumbento ang tumanggi sa kanya bago siya tuluyang tinanggap ng Sisters of Our Lady of Mercy. Doon niya natanggap ang pangalang Sister Maria Faustina of the Blessed Sacrament. Sa kumbento, hindi naman siya gumawa ng mga bagay na kapansin-pansin sa mundo. Naging kusinera siya, hardinera, at tagabantay ng kumbento. Sa mga simpleng gawaing ito, patuloy niyang minahal at pinaglingkuran ang Diyos.

Sa kanyang pananalangin, nakaranas si Santa Faustina ng mga pagpapakita at mensahe mula kay Hesus tungkol sa Banal na Awa ng Diyos. Isinulat niya ang mga ito sa kanyang talaarawan, na naging daan upang mas makilala ng maraming tao ang mensaheng: ang awa ng Diyos ay laging bukas para sa atin. Mula rito, lumaganap ang debosyon sa Divine Mercyโ€”ang larawan ni Hesus na may mga sinag na p**a at bughaw, ang Chaplet of Divine Mercy, ang Divine Mercy Sunday, at ang pagninilay sa oras ng kamatayan ni Hesus.

Pumanaw si Santa Faustina noong Oktubre 5, 1938, sa edad na 33. Makalipas ang maraming taon, siya ay idineklarang santo ni Pope John Paul II noong Divine Mercy Sunday noong 2000. Ang buhay ni Santa Faustina ay nagpapaalala sa atin na hindi kailangang maging dakila sa paningin ng mundo upang maging instrumento ng Diyos. Sa simpleng pamumuhay, pananalangin, at pagtitiwala, maaari nating maipadama sa iba ang Kanyang awa.



๐๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐๐ž๐ญ๐ฌ | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Bilang paggunita sa Kapistahan ni San Francisco de Assisi, isinagawa ang pagbasbas sa ...
04/10/2026

๐๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ ๐๐ž๐ญ๐ฌ | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Bilang paggunita sa Kapistahan ni San Francisco de Assisi, isinagawa ang pagbasbas sa ating mga minamahal na alagang hayop sa Parokya ng San Rafael Arkanghel at sa mga Kapilya ng San Isidro Labrador, Immaculate Conception, at St. Francis of Assisi.

Nawaโ€™y patuloy nating pahalagahan at pangalagaan ang lahat ng nilikha ng Diyos.



๐‡๐ž๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐‡๐ž๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng ating Parokya sa lahat ng mga naging sponsor ng Hermano...
04/10/2026

๐‡๐ž๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐‡๐ž๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng ating Parokya sa lahat ng mga naging sponsor ng Hermano at Hermana para sa kanilang bukas-palad na suporta at pakikiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan.

Ang inyong handog at malasakit ay nagsilbing daan upang maging ganap na makabuluhan at matagumpay ang ating pagdiriwang.

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at gantimpalaan ang inyong kabutihang-loob.



๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐”๐ฉ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ž๐ฅ | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐ : Rdo. Pde. Dandy Dela Cruz, FDP, Bisitang Pari
04/10/2026

๐Œ๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐”๐ฉ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ž๐ฅ | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐ : Rdo. Pde. Dandy Dela Cruz, FDP, Bisitang Pari



๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ข๐ฌ๐œ๐จ ๐๐ž ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Si San Francisco de Assisi ay isinilang noong humigit-kumulang 11...
04/10/2026

๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐…๐ซ๐š๐ง๐œ๐ข๐ฌ๐œ๐จ ๐๐ž ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Si San Francisco de Assisi ay isinilang noong humigit-kumulang 1181 sa Assisi, Italy, sa isang mayamang pamilya ng mga mangangalakal. Noong kabataan niya, kilala siya sa pagiging masayahin, mahilig sa mga pagtitipon, at nangangarap na maging isang dakilang kabalyero.

Ngunit matapos ang isang digmaan, pagkakabilanggo, at matinding karamdaman, nagsimulang magbago ang kanyang pananaw sa buhay. Sa halip na karangalan at kayamanan, hinanap niya ang kalooban ng Diyos. Isang araw, habang nananalangin sa isang lumang simbahan ng San Damiano, narinig niya ang tinig ng Panginoon: โ€œHumayo ka at ayusin mo ang aking bahay na nakikita mong nasisira.โ€ Sinimulan niyang ayusin ang simbahan at higit na italaga ang kanyang buhay sa panalangin, paglilingkod, at pagtulong sa mga mahihirap at maysakit.

Noong 1206, tinalikuran ni Francisco ang kanyang mana at pinili ang Diyos bilang kanyang Ama. Sa pamumuhay nang simple at may buong pagtitiwala sa Panginoon, nagsimula siyang magkaroon ng mga kasama. Nabuo ang Order of Friars Minor, na lumago at kumalat sa ibaโ€™t ibang bahagi ng Europa. Noong 1224, tumanggap si Francisco ng stigmata, ang mga sugat na kahawig ng mga sugat ni Kristo sa kamay, paa, at tagiliran. Sa kabila ng matinding karamdaman at paghihirap, nanatili siyang tapat sa Diyos hanggang sa kanyang huling sandali.

Noong Oktubre 4, 1226, pumanaw si San Francisco de Assisi sa Portiuncula, Assisi, na napapaligiran ng kanyang mga kapatid. Makalipas lamang ang dalawang taon, siya ay idineklarang santo ni Pope Gregory IX. Hanggang ngayon, si San Francisco ay nananatiling huwaran ng kababaang-loob, simpleng pamumuhay, pagmamahal sa mahihirap, kapayapaan, at malasakit sa buong sangnilikha.



๐ˆ๐ค๐š๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ'๐ญ ๐ฉ๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”"May mga bagay na inihahanda ang Diyos para sa ating...
04/10/2026

๐ˆ๐ค๐š๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ'๐ญ ๐ฉ๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

"May mga bagay na inihahanda ang Diyos para sa ating lahat at malaya niya itong ibibigay sa atin."

๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐ : Rdo. Pde. Dandy Dela Cruz, FDP, Bisitang Pari



๐ˆ๐ค๐š๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ'๐ญ ๐ฉ๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐ : Rdo. Pde. Dandy Dela Cruz, FDP...
04/10/2026

๐ˆ๐ค๐š๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ฆ๐ฉ๐ฎ'๐ญ ๐ฉ๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐ : Rdo. Pde. Dandy Dela Cruz, FDP, Bisitang Pari



03/10/2026

mula sa St. Raphael the Archangel Parish, Montalban, Rizal

-27 Linggo sa Karaniwang Panahon | Ika-04 ng Oktubre, 2026 | 6:00 N.U.

Tagapagdiwang: Reb. Pde. Dandy dela Cruz, FDP

Para sa mga Misa Intensyon, mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba.

๐’๐จ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ง ๐•๐ข๐œ๐š๐ซ๐ข๐š๐ญ๐ž ๐๐ซ๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Isang taimtim at makabuluhang paglalakbay ang nasaksihan sa isinagawang Sol...
03/10/2026

๐’๐จ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ง ๐•๐ข๐œ๐š๐ซ๐ข๐š๐ญ๐ž ๐๐ซ๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Isang taimtim at makabuluhang paglalakbay ang nasaksihan sa isinagawang Solemn Vicariate Procession, kung saan nagtipon ang mga mananampalataya mula sa ibaโ€™t ibang parokya bilang tanda ng pagkakaisa at debosyon.

Sa liwanag ng mga kandila at taimtim na panalangin, sama-samang inialay ng bawat isa ang kanilang pananampalataya, pag-asa at pasasalamat sa Diyos. Ang gawaing ito ay patunay ng buhay at nagkakaisang Simbahan na patuloy na lumalakad sa landas ng paglilingkod at pagmamahal.

Nawaโ€™y magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na sa ating sama-samang paglalakbay, ang Diyos ang ating tanglaw at gabay sa bawat hakbang.



๐’๐ˆ๐‹๐‚ ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ฌ๐ฌ | ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Narito ang mga larawan sa Pananagutan Mass ng  kapilya ng San Isidro Labrador Cha...
02/10/2026

๐’๐ˆ๐‹๐‚ ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐Œ๐š๐ฌ๐ฌ | ๐Ž๐œ๐ญ๐จ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Narito ang mga larawan sa Pananagutan Mass ng kapilya ng San Isidro Labrador Chapel. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ng ating Bisitang Pari, Reb. Pde. John Carl Gene P. Volante, FDP

Nawaโ€™y magsilbing paalala sa atin ang banal na pagdiriwang na ito na patuloy tayong maglingkod sa Diyos nang buong puso at may kababaang-loob.


Address

P. Rodriguez Street , San Rafael
Rodriguez
1860

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm
2pm - 5pm

Telephone

+63284750837

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Raphael the Archangel Parish - Montalban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share