Maria, Ina ng Kapayapaan Parish

Call Directions Contact the place of worship

Maria, Ina ng Kapayapaan Parish The official page of Maria, Ina ng Kapayapaan Parish located at Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal.

Ang pinipintuhong imahen ng Mahal na Birhen sa simbahan ng parokya ay kaloob ni Obispo Villegas at ng EDSA Shrine sa bag...
06/10/2026

Ang pinipintuhong imahen ng Mahal na Birhen sa simbahan ng parokya ay kaloob ni Obispo Villegas at ng EDSA Shrine sa bagong parokya. Ito ay inukit noong 2004 ni G. Luis Ac-ac, isang mahusay at kilalang mang-uukit mula sa Paete, Laguna. Inilalarawan ng imahen ang Mahal na Birheng Maria habang itinataas ang kanyang Banal na Sanggol na si Hesus, na may hawak na dahon ng olibo sa kanyang kanang kamay. Ito ay simbolo ng kapayapaan, halaw sa Aklat ng Genesis, kung saan isang kalapati ang bumalik kay Noe na may dalang bagong pitas na dahon ng olibo sa tukanito, na palatandaan na humupa na ang tubig-baha at naibalik na ng Diyos ang kapayapaan at buhay sa lupa (8:11).

Sa Pilipinas, bukod sa simbahan ng Kasiglahan Village, mayroon ding kaparehong imahen ng Mahal na Birhen na nakadambana sa Parokya ng Maria, Reyna ng Kapayapaan sa Bacolod City, Negros Occidental, na inukit naman ni Maximo Vicente. Subalit ang pinagmulan ng ganitong imahen ay mula sa France at tinatawag itong โ€œNotre-Dame de France, Reine de la paixโ€ (Mahal na Ina ng Pransya, Reyna ng Kapayapaan).

Noong 1937, nakakuha ng inspirasyon si Roger de Villiers para sa estatwa ng Birhen sa tuktok ng gusali sa pamamagitan ng paglikha ng imahen ng Reyna ng Kapayapaan, na may taas na 7 m, para sa tuktok ng Pontifical Pavilion ng Universal Exhibition sa Paris noong 1937, na naging Marian Pavilion sa sumunod na taon bilang pag-alaala sa ika-300 anibersaryo ng pagtatalaga ni Louis XIII sa Mahal na Birheng Maria bilang Reyna ng Kapayapaan. Pagkatapos ng eksibisyon, ninais ni Jean Cardinal Verdier, PSS,Arsobispo ng Paris, na ang makinรกng na-estatwa ng Mahal na Birhen ay hindi dapat maglaho, bagkus ay ilagay sa isang burol na malapit sa Paris at maging katumbas ng Sacrรฉ-Cล“ur sa Montmartre. Sa kabila ng pagsisikap ng Cardinal, nabaon sa limot ang kanyang mithiin dahil sa digmaan noong 1939 at sa kanyang pagkamatay noong 1940.

Pagkalipas ng halos 50 taon, naisakatuparan ni Edmond Fricoteaux, isang notaryo sa Saint-Denis, ang paglalagay ng estatwa sa Baillet-en-France, 18 km sa hilaga ng Paris. Nagsimula ang lahat matapos niyang samahan ang kanyang asawa sa isang peregrinasyon sa Roma noong Abril 1984, nang mapakinggan niya ang homilya ni Cardinal Bernardin Gantin sa Basilika ng Santa Maria Maggiore na tumimo sa kanyang puso at nagbunsod sa kanya na mangumpisal. Nagdulot ito ng higit na pagkauhaw sa Diyos, kayaโ€™t nagbasa siya ng mga talambuhay ng mga santo, lalo na ang mga aklat na โ€œFather Larny, Priest and Mysticโ€ at โ€œThe Secret of Maryโ€ ni San Luis Maria de Montfort. Nag-uumapaw sa pagmamahal sa Mahal na Birheng Maria, nag-aayos siya ng maraming peregrinasyon. Bunga ng kanyang panalangin, ninais niyang maghandog ng isang kaloob sa Mahal na Birhen, at napagtanto niyang kalooban din ito ng Diyosโ€”ang maglagay ng isang malaking estatwa ng Mahal na Birhen. Sa biyaya ng Diyos, nakatabi niya sa eroplano si P. Renรฉ Laurentin. Nahimok siyang ipagpatuloy ang kanyang balak at nagtagubilin na kailangan niya ang pahintulot ng lokal na obispo, ang suporta ng isang relihiyosong kongregasyon, at higit sa lahat, kailangang ipinapakita ng Mahal na Birhen si Hesus sa estatwa. Ang obispo ay ang obispo ng Pontoise at ang Kongregasyon ay ang Servants of Jesus and Mary na itinatag ni P. Larny. Matapos ang paghahanap, natagpuan ni Edmond ang malaking estatwa noong 1938, at ito ay inilagay sa Baillet-en-France at binasbasan noong Oktubre 15, 1988.

Noong Abril 30, 2026, nagpetisyon sa Santa Sede si Obispo Ruperto Santos ng Antipolo, kaisa ang Parokya ng Maria, Ina ng Kapayapaan sa Kasiglahan Village sa pangunguna ni Reberendo Padre Michael Barboza Balatbat, OFS, upang ang banal na imahen ng Mahal na Birhen ay gawaran ng koronasyon sa ngalan at kapangyarihan ng Santo Papa. Ipinagkaloob ng Santa Sede ang nasabing kahilingan sa pamamagitan ng bisang dekreto ng Dicasterium de Culto Divino at Disciplina Sacramentorum noong Mayo 31, 2026. Isasagawa ang koronasyon ni Arsobispo Charles John Brown, Apostolic Nuncio, sa Oktubre 28, 2026.

Viva La Virgen!

Source: Le sanctuaire de la Confrรฉrie Notre-Dame de France, Reine de la Paix ; statues, mรฉdailles et objets de dรฉvotion, ร  Baillet-en-France (Val-d'Oise).

Isinalin sa Tagalog ang original na texsto mula sa wikang French.

Rdo. Padre Michael Barboza Balatbat, OFS

Pagdiriwang ng Unang Banal na Pakikinabang (First Holy Communion) sa Ika-14 ng Disyembre, araw ng Lunes sa ganap na ika-...
05/10/2026

Pagdiriwang ng Unang Banal na Pakikinabang (First Holy Communion) sa Ika-14 ng Disyembre, araw ng Lunes sa ganap na ika-9 ng umaga. Sa mga nais tumanggap ng sakramentong ito na nasa Grade 3 na o maging mga may sapat na gulang (adult) na hindi pa nakakatanggap ng unang Banal na Pakikinabang, makipag-ugnayan sa mga Katekista ng parokya na matatagpuan sa patio ng simbahan mula Martes hanggang Linggo, 9โ€“11 am.

Mga ihahanda:
1. Baptismal certificate
2. 500 pesos ang babayaran

Dalawamput apat (24) na araw na lamang at masasaksihan na natin ang makasaysayang Pontipikal na Koronasyon ng ating pina...
04/10/2026

Dalawamput apat (24) na araw na lamang at masasaksihan na natin ang makasaysayang Pontipikal na Koronasyon ng ating pinakamamahal na Mahal na Birheng Maria, Ina ng Kapayapaan.

Sa Oktubre 28, sama-sama nating ipagdiwang ang Banal na Misa bilang paghahanda at paggunita sa natatanging biyayang ito. Ang pagdiriwang ay pangungunahan ni Arsobispo Charles John Brown, Papal Nuncio sa Pilipinas, kasama ang ating Obispo ng Antipolo, Lubhang Kagalang-galang na Obispo Ruperto C. Santos, D.D.

Halina at maging bahagi ng makasaysayang sandaling ito. Ipagkatiwala natin ang ating mga sarili, pamilya, at bayan sa mapagmahal na pag-aaruga ng ating Maria, Ina ng Kapayapaan.

24 na araw na lamang, patuloy tayong manalangin, maghanda, at magkaisa sa paglalakbay tungo sa Koronasyon!

Maria, Ina ng Kapayapaan, ipanalangin mo kami.

04/10/2026

ISANG BANAL AT MAKASAYSAYANG ARAW ANG ATING PINAKAAABANGAN

Sa nalalapit na Pontifical Coronation ni Maria, Ina ng Kapayapaan, sama-sama nating saksihan ang isang natatanging pagpapahayag ng ating pagmamahal, pananampalataya, at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Sa Oktubre 28, 2026, ganap na ika-9:00 ng umaga, magkakaisa ang sambayanan ng Parokya ni Maria, Ina ng Kapayapaan sa banal na pagdiriwang ng Banal na Misa at seremonya ng Koronasyon, sa pangunguna ng Lubhang Kagalang-galang na Arsobispo Charles John Brown at Lubhang Kagalang-galang na Obispo Ruperto Santos.

Ang araw na ito ay hindi lamang isang seremonya ng pagkokorona, kundi isang pagkakataon upang sama-sama nating ipahayag:

โ€œMaria, Ina ng Kapayapaan, kami ay sa iyo.โ€

Inaanyayahan ang bawat pamilya, deboto, lingkod, at mananampalataya na makiisa sa makasaysayang sandaling ito. Halinaโ€™t maging bahagi ng isang pagdiriwang na mag-iiwan ng alaala sa ating mga puso at magpapatibay sa ating pananampalataya.

Tayoโ€™y magtipon, manalangin, at makiisa sa ilalim ng mapagkalingang puso ni Maria.

Oktubre 28, 2026 | 9:00 A.M.
Parokya ni Maria, Ina ng Kapayapaan

Maria, Ina ng Kapayapaan, ipanalangin mo kami at akayin patungo sa iyong Anak na si Hesus.

๐Ÿ•ฏ๏ธ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ7, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ÿ•ฏ๏ธ ๐‚๐š๐ง๐๐ฅ๐ž๐ฅ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐š ๐‚๐š๐ฎ๐ฌ๐žSa piling ni ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š, ๐ˆ๐ง๐š ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ฉ๐š๐š๐ง, isa na namang pangkat ng mga pami...
03/10/2026

๐Ÿ•ฏ๏ธ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ7, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ÿ•ฏ๏ธ
๐‚๐š๐ง๐๐ฅ๐ž๐ฅ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐š ๐‚๐š๐ฎ๐ฌ๐ž

Sa piling ni ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š, ๐ˆ๐ง๐š ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ฉ๐š๐š๐ง, isa na namang pangkat ng mga pamilya ang nagtipon upang magsindi ng kandila, dala ang kanilang mga dasal, pag-asa, at taos-pusong pasasalamat. ๐Ÿ™

Nawa'y ang init at liwanag ng bawat apoy ay gumabay sa kanila tungo sa tahimik at mapayapang pamumuhay, matatag na samahan, at pusong laging handang magmalasakit sa kapwa. ๐Ÿค

โ›ช ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ง | ๐๐š๐ซ๐ญ 3Mga larawan ng ating mga batang tumanggap ng Unang Komunyon. ๐Ÿค
03/10/2026

โ›ช ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ง | ๐๐š๐ซ๐ญ 3

Mga larawan ng ating mga batang tumanggap ng Unang Komunyon. ๐Ÿค

โ›ช ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ง | ๐๐š๐ซ๐ญ 2Mga larawan ng ating mga batang tumanggap ng Unang Komunyon. ๐Ÿค
03/10/2026

โ›ช ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ง | ๐๐š๐ซ๐ญ 2

Mga larawan ng ating mga batang tumanggap ng Unang Komunyon. ๐Ÿค

โ›ช ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ง | ๐๐š๐ซ๐ญ ๐ŸMga larawan ng ating mga batang tumanggap ng Unang Komunyon. ๐Ÿค
03/10/2026

โ›ช ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ง | ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ

Mga larawan ng ating mga batang tumanggap ng Unang Komunyon. ๐Ÿค

๐Ÿ•ฏ๏ธ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ÿ•ฏ๏ธโœจ ๐‚๐š๐ง๐๐ฅ๐ž๐ฅ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐š ๐‚๐š๐ฎ๐ฌ๐ž โœจ๐Ÿค Sa piling ni ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š, ๐ˆ๐ง๐š ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ฉ๐š๐š๐ง, isa na namang pangkat ng mga...
03/10/2026

๐Ÿ•ฏ๏ธ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐Ÿ•ฏ๏ธ
โœจ ๐‚๐š๐ง๐๐ฅ๐ž๐ฅ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐š ๐‚๐š๐ฎ๐ฌ๐ž โœจ

๐Ÿค Sa piling ni ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š, ๐ˆ๐ง๐š ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ฒ๐š๐ฉ๐š๐š๐ง, isa na namang pangkat ng mga pamilya ang nagtipon upang magsindi ng kandila, dala ang kanilang mga dasal, pag-asa, at taos-pusong pasasalamat. ๐Ÿ™

๐ŸŒŸ Nawa'y ang init at liwanag ng bawat apoy ay gumabay sa kanila tungo sa tahimik at mapayapang pamumuhay, matatag na samahan, at pusong laging handang magmalasakit sa kapwa. ๐Ÿ’›๐Ÿ•Š๏ธ

Address

Kasiglahan Village
Rodriguez
1860

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
Wednesday 8am - 12pm
Thursday 8am - 12pm
Friday 8am - 12pm
Saturday 8am - 12pm
Sunday 8am - 12pm

Telephone

+639668413693

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Maria, Ina ng Kapayapaan Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Maria, Ina ng Kapayapaan Parish:

Shortcuts

Share