12/02/2026
Give it up to your Hosea Montalban Dancers🫶
First and foremost, pasasalamat sa Panginoon para sa tagumpay na ito🏆.
Appreciation para sa aming mahuhusay na mananayaw who brings pride and honor sa Hosea Montalban🥳
Nakakaproud na from Day 1 up to last day ng practice sa kabila ng hectic schedule sa school ay nagawa nating makabuo ng isang buong tambourine dance. Salamat sa inyong dedication at sa effort na binuhos to represent our church sa first ever Tambourine Dance Competition ng Hosea Church and as a result, we’ve made a history on being the first GRAND CHAMPION🥇.
Thank you rin po sa lahat ng sumuporta, nag tiwala, nag sponsor, at nanalangin para sa ating mga dancers. Salamat sa sigawan at hiyawan😅Hindi matatawaran ang inyong pagmamahal para sa Hosea Montalban🫂🥰.
Sa aming ever supportive Pastor and Pastora na nagtiwala sa aming talento at kakayahan, salamat po sa paalala na kami ay sasayaw para sa kapurihan ng Panginoong Diyos and to not look on the prize but pasasalamat sa Diyos sa kalakasan at talento na ipinagkaloob niya sa amin. Muli, salamat po Pastor Ricky and Pastora Lhyn❤️.
Higit sa lahat, sa Diyos na nagbigay ng talento sa amin, walang hanggang pasasalamat sa iyong kabutihan. Sa Diyos lahat ng papuri at pasasalamat🙌.