08/04/2026
OFFICE OF THE MUSLIM AFFAIRS
🌙✨ OMA Eid’l Fitr Rihla at Post-Celebration Gathering ✨🌙
📅 Abril 3–4, 2026 (Biyernes hanggang Sabado)
📍 Princess Macud Resort, Brgy. Looc, Nasugbu, Batangas
Tema: “Pagpapatibay ng Ugnayan Higit pa sa Ramadan: Pagkakaisa, Pagninilay, at Panibagong Simula”
Alhamdulillah sa matagumpay na pagdaraos ng makabuluhang pagtitipong ito na puno ng pagkakaisa, pagninilay, at panibagong sigla sa paglilingkod.
Ang Office of the Muslim Affairs (OMA), sa pamumuno ng aming butihing Head na si IMAM (PCOL) EBRA M. MOXSIR (RET), DPA, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi at katuwang sa gawaing ito.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa aming masigasig na Punong Bayan HON. GEN RAJAH RONNIE S. EVANGELISTA (RET), sa kanyang walang sawang suporta, tulong, at malasakit sa aming tanggapan at sa buong komunidad.
Kami rin po ay taus-pusong nagpapasalamat kay Engr. Jerry Macud (Sultan ng Batangas) sa kanyang bukas-palad na pagtanggap at sa pagbibigay ng lugar sa Princess Macud Resort.
Lubos din po ang aming pagkilala at pasasalamat sa mga sumusunod na organisasyon at lider na nakibahagi at sumuporta:
🤝 SPAG Montalban Chapter, sa pamumuno ni Pres. Naseef D. Tucalo
🤝 Imam Council of the Philippines – Montalban Chapter, sa pamumuno ni Pres. Aleem Mohaimen Hadji Rakim
🤝 OMA Advisory Council, sa pamumuno ni Chairman Datu Mohammad Watamama Baman Jr.
🤝 OMA ALIVE Teachers sa ilalim ng Montalban ALIVE Teachers Association (MATA), sa pamumuno ni President Ustadh Mahatir Marohombsar
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at patuloy na suporta sa adhikain ng Office of the Muslim Affairs.
Mabuhay ang Team Bagong Montalban!
Nawa’y gantimpalaan kayo ng Allah (SWT) sa inyong kabutihan at lalo pang patatagin ang ating pagkakaisa lampas sa Ramadan. 🤲💙