Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Montalban

Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Montalban The official page of Our Lady of the Most Holy Rosary Parish in Montalban, Rizal, Philippines, under the Roman Catholic Diocese of Antipolo.

Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, Patrona ng Bayang Montalban, ipanalangin mo kami! Montalban was once just a barrio of San Mateo until it became a separate municipality after the war. The Parish under the patroness of Our Lady of the Most Holy Rosary, situated at J.P. Rizal Street, Balite, Montalban, Rizal, was founded in 1871 by Fr. Eustaquio, a native of Pasig who was then called "Padre Quako". For about 150 years, the parish of Montalban has been served by several pastors to the present.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Tanging Yaman Foundation at Metrobank Foundation, Inc. sa inyong bukal sa pusong p...
24/08/2026

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa Tanging Yaman Foundation at Metrobank Foundation, Inc. sa inyong bukal sa pusong pagkakaloob ng 200 food packs na aming ipamamahagi sa ating mga kababayang nasalanta ng nagdaang Bagyong Maymay at Habagat. 🙏❤️

Sa panahon ng pagsubok at pangangailangan, ang inyong malasakit at pagkakawang-gawa ay nagsisilbing liwanag ng pag-asa at tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at pagkalooban ng lakas at biyaya upang maipagpatuloy ninyo ang inyong marangal na misyon ng paglilingkod, pagtulong, at pagbibigay ng pag-asa sa mga nangangailangan. 🙏

Muli, MARAMING MARAMING SALAMAT PO sa inyong malasakit at kabutihang-loob! ❤️

23/08/2026

Ika - 21 Linggo sa Karaniwang Panahon

22/08/2026

[LIVE]: 23 Agosto 2026 | 6:00 NU | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Punong Tagapagdiwang: Rdo. P. Francisco Louie M. Deang

Isang Makasaysayang Araw para sa St. Jerome Emiliani Chapel (Geronimo Chapel) 🙏⛪Isang makabuluhang yugto sa kasaysayan n...
20/08/2026

Isang Makasaysayang Araw para sa St. Jerome Emiliani Chapel (Geronimo Chapel) 🙏⛪

Isang makabuluhang yugto sa kasaysayan ng St. Jerome Emiliani Chapel (Geronimo Chapel) ang nasaksihan noong Agosto 13, 2026, sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage (Antipolo Cathedral), Antipolo City, sa paglagda sa Deed of Donation at pormal na turnover ng pagmamay-ari ng lupang ipinagkaloob sa Roman Catholic Diocese of Antipolo.

Isinagawa ang makasaysayang seremonyang ito sa presensya ni Lub. Kgg. Ruperto C. Santos, DD, Obispo ng Antipolo; kasama si Rev. Fr. Francisco Louie M. Deang, ating Kura Paroko; Mrs. Shirley Tarre, ang nagmamay-ari ng lupang ipinagkaloob; mga saksing sina Sis. Joy Pasamba, PPC President; Sis. Myra S. De Leon, Head ng Ministry of Evangelization and Lay Formation; at Bro. Fernando Gemil, MPC Geronimo Chapel Coordinator.

Ang pagkakaloob ng lupang ito ay isang patunay ng pananampalataya, pagkakaisa, pagkabukas-palad, at pagmamahal sa Simbahan. Ito ay magsisilbing matibay na pundasyon para sa patuloy na paglago ng pamayanang Kristiyano sa Barangay Geronimo at magiging tahanan ng panalangin, paglilingkod, pagkakaisa, at pag-asa para sa mga mananampalataya.

Taos-pusong pasasalamat kay Mrs. Shirley Tarre sa kanyang bukas-palad na pagkakaloob ng lupa, gayundin sa lahat ng naging bahagi sa pagkakamit ng mahalagang yugtong ito para sa St. Jerome Emiliani Chapel (Geronimo Chapel). Nawa’y patuloy na pagpalain ng Panginoon ang ating kapilya at ang buong pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya at paglilingkod.

Soli Deo Gloria! 🙏
San Geronimo Emiliani, ipanalangin mo kami!

HAPPY 50th BIRTHDAY, REV. FR. Michael B. Balatbat!Kura Paroko ng Maria, Ina ng Kapayapaan ParishVicar Forane of OLMHR Vi...
19/08/2026

HAPPY 50th BIRTHDAY, REV. FR. Michael B. Balatbat!
Kura Paroko ng Maria, Ina ng Kapayapaan Parish
Vicar Forane of OLMHR Vicariate - Montalban

Panalangin namin ang inyong palaging kaligtasan at maayos na kalusugan. Patuloy nawa kayong pagpalain ng Panginoong Diyos lalo na sa inyong bokasyon bilang pari.

Pagbati mula sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish, Montalban, Rizal.

19/08/2026

Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon

16/08/2026

Ang ating Social Service and Human Development Ministry (SSHDM) ay namahagi ng mga mainit na pagkain para sa ating mga k...
10/08/2026

Ang ating Social Service and Human Development Ministry (SSHDM) ay namahagi ng mga mainit na pagkain para sa ating mga kapatid na naapektuhan ng Bagyong Maymay at Habagat. Sa kasalukuyan, sila po ay pansamantalang nananatili sa evacuation center sa Manggahan Covered Court.

Para po sa mga nagnanais na tumulong, maaari kayong makipag-ugnayan sa ating SSHDM Head na si Sis. Leny Castro o kaya naman ay magtungo sa opisina ng ating simbahan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na malasakit at pagtulong sa ating mga kapatid na nangangailangan.

Address

J. P. Rizal Street, Brgy. Balite
Rodriguez
1860

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Telephone

+639776043894

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Montalban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Montalban:

Shortcuts

Share