JCSGO Burgos Outreach

JCSGO Burgos Outreach To fulfill the vision of seeking and saving the lost, discipling them until they are established and training them for future leadership.

“Let us bless the Lord at ALL times”Bible Verse: Psalm 34:1–3“I will bless the Lord at all times; His praise shall conti...
13/08/2026

“Let us bless the Lord at ALL times”

Bible Verse: Psalm 34:1–3
“I will bless the Lord at all times; His praise shall continually be in my mouth. My soul shall make its boast in the Lord; the humble shall hear of it and be glad. Oh, magnify the Lord with me, and let us exalt His name together.”

God is still worthy of our praise.
Hindi nagbabago ang goodness ni Lord dahil lang nagbago ang situation natin.

1. Praise God in every situation
“His praise shall continually be in my mouth.”

We praise because God is faithful.

2. Let God be our confidence
“My soul shall make its boast in the Lord.”

Our ultimate confidence is not in ourselves, our abilities, our money, our connections or our circumstances. Our confidence is in God.

3. Invite others to praise God with you
“Magnify the Lord with me and let us exalt His name together.”

Those simple words can strengthen someone who is struggling.

So before we start our day, let's make a decision:
I will praise God in the good days.
I will praise God in the difficult days.
Because God is still God.
And He is worthy of our praise.








Join us for Soaking in the Spirit 🙌Come and experience a Spirit-filled afternoon of Praise and Worship with the JCSGO Bu...
07/08/2026

Join us for Soaking in the Spirit 🙌
Come and experience a Spirit-filled afternoon of Praise and Worship with the JCSGO Burgos Outreach Recon Team.

📅 Today, August 8, 2026
🕓 4:00 PM
📍 Join us Onsite or Online

Everyone is welcome! Invite your family and friends and please feel free to share this post so more people can worship with us.

"God is Spirit, and His worshipers must worship in the Spirit and in truth." — John 4:24

Music Disclaimer:
No copyright infringement intended. We do not own the rights to the music used. All rights belong to their respective owners and creators. This content is shared for worship and inspirational purposes only.






Sunday Service Notes 📝 08.02.2026My Steps are guided by the Word of God Kapag ang Salita ng Diyos ang naging GPS ng atin...
07/08/2026

Sunday Service Notes 📝 08.02.2026

My Steps are guided by the Word of God

Kapag ang Salita ng Diyos ang naging GPS ng ating buhay, hindi tayo maliligaw; ang ating mga hakbang ay magiging sigurado at liwanag sa dilim.

Sino ang gumagamit ng Waze o Google Maps kapag pumupunta sa isang lugar na hindi kabisado? Kung walang internet o walang GPS, mahirap mag-drive, di ba? Pwede kang maligaw, masiraan ng loob o mapunta sa alanganin o delikadong lugar.

Ganundin ang buhay natin. Minsan, parang naglalakad tayo sa dilim, may mga desisyon sa trabaho, pamilya, pinansyal at kinabukasan na hindi natin alam kung saan tayo dadalhin.

Psalm 119:105 NKJV
Your word is a lamp to my feet and a light to my path.

Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.

1. YOUR WORD - ang Salita ng Diyos; ano ang Salita ng Diyos?

John 1:1
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang SALITA ay DIYOS.

Hebrews 4:12
12 Ang salita ng Diyos ay BUHÁY AT MABISA, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y TUMATAGOS maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at NAKAKAALAM NG MGA INIISIP AT BINABALAK NG PUSO.

Isaiah 40:8
Oo, ang damo'y nalalanta, at kumukupas ang mga bulaklak, NGUNIT ang SALITA NG ATING DIYOS AY MANANATILI MAGPAKAILANMAN.”

God’s Word is a truth and wisdom in the Bible to keep you safe from harm.

2. LAMP TO MY FEET

Noong unang panahon, ang lampara ay hindi katulad ng flashlight ngayon na pwedeng mag-ilaw ng isang kilometro ang layo. Ito ay maliit na gasera na sakto lang ang ilaw para sa susunod na hakbang.

Madalas gusto natin makita ang buong 5-year plan natin. Pero gusto ng Diyos na magtiwala tayo sa Kanya step-by-step sa pamamagitan ng pag-apply ng Kanyang Salita araw-araw. Hindi tayo binibigyan ng Diyos ng liwanag para sa buong taon; binibigyan Niya tayo ng sapat na liwanag para sa susunod nating hakbang.

Proverbs 6:22-23
22 Pagkat ang aral na ito sa iyo ay patnubay, sa pagtulog mo ay bantay, sa paggawa ay alalay.

23 Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw at daan ng buhay itong mga saway.

The lamp’s purpose isn't to show you the destination but to keep you from failing on your next step.

3. LIGHT TO MY PATH

Psalm 37:23 God’s Word Translation
A person's steps are directed by the LORD and the LORD delights in his way.

Ginagabayan ng Panginoon ang bawat hakbang ng taong matuwid na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.

Ang mga taong ginagawang ilaw ang Salita ng Diyos ay ginagabayan ng Panginoon sa kanilang mga ginagawa at dahil nalulugod ang Panginoon, sinamahan nya ito ng Kanyang pabor, pag-iingat at proteksyon!

The path may be narrow, but the light is wide enough to show you exactly where you are headed.

How to make God’s Word a LAMP and a LIGHT? How to Live It Out

1. READ it Intentionally - basahin nang may layunin. Joshua 1:8 ASND
Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. PAGBULAY-BULAYAN MO ITO ARAW AT GABI para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay.

2. OBEY Promptly - sundin agad
Psalm 119:59-60
59 Pinag-isipan ko kung paano ako namuhay at napagpasyahan kong
sumunod sa inyong mga turo. 60 AGAD KONG SINUNOD ang inyong mga utos.

Simpleng pagsunod! Kapag sinabi ng Salita ng Diyos SUNDIN natin. Ang delayed obedience ay disobedience. Partial obedience is disobedience.

DANGER!!! 1 Samuel 15:22
But Samuel replied, “What is more pleasing to the Lord: your burnt offerings and sacrifices or your obedience to his voice? Listen! OBEDIENCE is better than SACRIFICE, and SUBMISSION is better than OFFERING the fat of rams.

3. SHARE Boldly - ibahagi nang may tapang. Mark 16:15. Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, “HUMAYO KAYO sa buong mundo at IPANGARAL NINYO ang MAGANDANG BALITA SA LAHAT NG TAO.

Share Jesus to our family, school and workplaces! Tell them the Good news!

Mga kapatid, baka sa sandaling ito ay nalilito ka. Baka hindi mo alam kung anong desisyon ang gagawin mo sa iyong pamilya, career o buhay pinansyal. Huwag kang dumepende sa sarili mong diskarte o sa sabi-sabi ng mundo.

Buksan mo ang Salita ng Diyos. Hayaan mong ang Biblia ang maging liwanag sa iyong mga paa at gabay sa landas na dapat mong tahakin.

Today, God is reminding you: His Word is the lamp to your feet and the light to your path. You don't have to figure it all out on your own. Kung pagod ka nang magdesisyon nang wala Siya, kung gusto mong itaya ang bawat hakbang mo sa Salita ng Diyos, lumapit ka sa Kanya at hingin ang Kanyang gabay.

All praises and glory to God 🙏







04/08/2026

Happy birthday Lawrence! 🎂💐🎉 God bless you with the very desire of your heart! Keep rocking for Jesus! 🎸🎸🎸

03/08/2026

Mamunga ka! Para makita ng iba na hindi ka lang religious, kundi may tama at tunay na relasyon kay Jesus! 😇

Sunday Service Notes 📝 07.26.2026Sa loob ng series na ito, pinag-usapan natin kung paano kumikilos ang Holy Spirit sa at...
30/07/2026

Sunday Service Notes 📝 07.26.2026

Sa loob ng series na ito, pinag-usapan natin kung paano kumikilos ang Holy Spirit sa ating puso, kung paano Niya pinalalakas ang ating pananampalataya at kung paano Niya hinuhubog ang ating character. Pero may isang mahalagang katotohanan na kailangan nating tandaan, hindi lang gustong kumilos ng Holy Spirit sa atin, gusto rin Niyang kumilos sa pamamagitan natin.

The Holy Spirit does not only want to move in us, He wants to move through us!

Ang Christian life ay hindi lang tungkol sa pagtanggap ng blessing. Hindi lang ito tungkol sa personal growth. Tinawag tayo ng Diyos para maging pagpapala at maging bahagi ng Kanyang misyon sa mundo.

The Holy Spirit MOVES through AVAILABLE believers to accomplish GOD'S MISSION.

🕊️ I. THE HOLY SPIRIT SPEAKS TO THE HEARTS THAT SEEK HIM
Acts 13:2-3

Minsan nagtatanong tayo, "Lord, ano ba ang will Mo sa buhay ko?" Pero ang tanong din ay, naglalaan ba tayo ng oras para makinig? Kapag puno ang isip natin ng ingay ng mundo, mahirap marinig ang boses ng Diyos.

Nehemiah 1:4-5
Before asking for direction, seeking the presence of the Lord should be our first position.

🕊️ II. THE HOLY SPIRIT USES AVAILABLE PEOPLE
Acts 13:2b

"Set apart for Me Barnabas and Saul..." Hindi pinili sina Barnabas at Saul dahil sila ang pinakamagaling. Pinili sila dahil sila ay faithful at available.

Maraming tao ang nagsasabi, "Lord, gamitin Mo ako kapag handa na ako."
Pero kadalasan sinasabi ni Lord, "Magtiwala ka at Ako ang maghahanda sa'yo habang ginagamit Kita." Hindi hinahanap ng Diyos ang perfect. Hinahanap Niya ang willing.

Isaiah 6:8-9
God looks for those who are willing. Will He hear you say, Lord I am available for sending.

🕊️ III. THE HOLY SPIRIT SENDS US TO OTHERS
Acts 13:3

Ang church ay hindi lang gathering place. Ito ay sending place. Hindi tayo iniligtas para maging audience. Tinawag tayo para maging witnesses.

MISSION STATEMENT
To FULFILL THE VISION
1. Evangelism (Seeking and Saving the Lost)
2. Discipleship (Discipleship to become established)
3. Leadership (Training for future Leadership)

Hindi lahat tatawaging mangaral sa malaking entablado. Pero lahat tayo may mission field. Ang mission field ay opisina, classroom, negosyo at sariling pamilya.

Wherever God has placed you, that is where He wants to use you.

Kaya hindi aksidente kung nasaan ka ngayon; church, school, trabaho, bahay o community may mission ang Diyos sa buhay mo!

🕊️ IV. THE HOLY SPIRIT MOVES THROUGH EVERYDAY OBEDIENCE
Philippians 2:12-16

Kadalasan, ang ginagamit ng Diyos ay SIMPLENG PAGSUNOD!

Maaaring gamitin ka ng Holy Spirit kapag
💚 nag-pray ka para sa kaibigan
💚 nag-encourage ka ng discouraged
💚 nagpatawad ka
💚 nag-share ka ng testimony mo
💚 nagpakita ka ng kabutihan sa isang taong nangangailangan

Ang maliliit na hakbang ng obedience ay maaaring magkaroon ng lasting impression. Hindi natin alam kung ang simpleng invitation mo sa church o simpleng pagbahagi ng love ni Cristo ang magiging simula ng pagbabago ng buhay ng isang tao. YOU WILL NEVER KNOW!

Ang Holy Spirit ay hindi lang dumating upang bigyan tayo ng comfort. Hindi lang Siya dumating para tulungan tayong maging mabuting Kristiyano,
dumating Siya upang gawing instrumento ang bawat isa sa atin para maabot ang iba, dumating si Hesus, para gamitin ang buhay natin para sa iba.

Ang tanong ngayon ay hindi, "Can God use me?" Ang tanong ay, "Am I available for God to use me?" kaya mo bang sabihin sa Lord, “Lord, gamitin mo ang lahat sa buhay ko?”

Kung ilalagay natin ang ating buhay sa Kanyang mga kamay, kayang gamitin ng Diyos ang ordinaryong tao para sa extraordinaryong gawain.

"Holy Spirit, move through me today. Help me see people the way You see them. Give me courage to obey Your voice and use my life to point others to Jesus."

Prayer Declaration
"Holy Spirit, move in my heart, strengthen my faith, shape my character and move through me for the glory of God." In Jesus name, Amen.

All praises and glory to God 🙏





23/07/2026

Happy Birthday, Kobe! 🎂🎉 Serving up another awesome year! 🏸 May your day be packed with big smashes, non-stop fun and plenty of cake. Keep crushing it on and off the court! God bless you with good health and good wealth 😇 Declaring 3 John 1:2 upon you! 🙏

Address

St. Armand
Rodriguez
1860

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JCSGO Burgos Outreach posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share