Truth seeker

Truth seeker Ang page na ito ay para sa pag share ng salita ng Diyos at katotohanan

Si Jesu-cristo ang aking tagapagligtas 😊
10/11/2021

Si Jesu-cristo ang aking tagapagligtas 😊

Kapatid kung hindi ka naniniwala sa trinity basahin mo itoAno ang trinity?Totoo nga ba ang trinity?Biblical ba ang trini...
29/10/2021

Kapatid kung hindi ka naniniwala sa trinity basahin mo ito

Ano ang trinity?
Totoo nga ba ang trinity?
Biblical ba ang trinity?

Kasagutan: Yes, totoo ang trinity.

Ano nga ba ang trinity?
Ang trinity ay ang isang Diyos sa tatlong persona, hindi po tatlo ang Diyos isa lang po
Ang tatlong persona ay ang
Ama, Anak, at ang banal na espiritu

Biblical ba ang trinity?
Yes, Tingnan natin ang talata
Mateo 28:19
[19]Kaya't habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Hindi lang po Ama ang pangalan na gagimitin sa pagbabautismo kundi ang Ama, Anak at banal na espiritu,
Ano ba ang bautismo? Ang bautismo ay katulad ng salitang ipanganak muli sabi sa bible hindi ka makakapasok kung hindi ka ipinapanganak muli.

At ito pa na nagpapatunay na totoo ang trinity letra Por letra na sinabi sa bible na sila ay nagkakaisa, tingnan natin ang talata.
1 Juan 5:7-8
Tatlo ang nagpapatotoo [sa langit: ang Ama, ang salita at ang Espiritu santo; at ang tatlong ito ay nagkakaisa. At May tatlong nagpapatotoo sa lupa:]. Ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlong ito ay nagkakaisa

Eh hindi naman anak ang sinabi diyan eh, ang anak ay si Jesus, basahin natin sa bible verse kung sino ang salita.
Pahayag 19:13
[13]Puno ng dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay “Salita ng Diyos.”

Si Jesus po ang tinutukoy Jan siya ang haring babalik siya ang salita.

At marami pang patunay na totoo ang trinity

‌Kapatid kung nagustuhan mo ito like mo naman ang page ko hehehe 😁 at bisitahin mo ang aking page

Diyos nga ba si Jesus? Katanungan ng ilan sa atin, hayaan nating sagutin ang katanungan na iyan sa pamamagitan ng salita...
27/10/2021

Diyos nga ba si Jesus?
Katanungan ng ilan sa atin, hayaan nating sagutin ang katanungan na iyan sa pamamagitan ng salita ng Diyos,

May mga nagsasabi na 100% tao daw si Jesus at mayroon namang 50% tao at 50% Diyos ano nga ba ang totoo?

Kasagutan: si Jesus po ay tunay na Diyos at buong Diyos o 100% Diyos, siya ay isa sa trinity,
May sinasabi ba sa bible na si Jesus ay Diyos?
Yes maraming talata sa bible na nagsasabi na Diyos si Jesus,
Example: si Thomas tinawag niya na Diyos si Jesus, (Juan 20:28
[28]Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”), at mayroon pa si Jesus ay salita ng Diyos sabi sa (Juan 1:1
[1]Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos).
Malinaw po na sinabi na si Jesus ay Diyos,
sinabi na ang salita ay Diyos o si Jesus ay Diyos

Eh tao ngalang siya eh hindi po talaga tao si Jesus nagkatawang tao lang siya upang iligtas tayo at makalaya sa kasalanan totoo ba iyun? Tingnan po natin sa talata

Mga Taga-Filipos 2:6-10
[6]Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
[7]Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao,
[8]nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.
[9]At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.
[10]Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.

Ang naniniwala na si Jesus ay hindi nagkatawang tao ay siya ay Anti Christ o kaaway ni Jesus,1 Juan 4:3
[3]Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila. Ang espiritu ng anti-Cristo ang nasa kanila. Nasabi na sa inyong ito'y darating at ngayon nga'y nasa daigdig na,

25/10/2021

Malapit nanaman Undas, tanggalin na natin ang mga tradisyon at pamahiin na nakasanayan,

Diyos na walang katulad at walang maikukumpara
13/10/2021

Diyos na walang katulad at walang maikukumpara

MGA VERSE NA HINDI KAILANGAN O WALANG MAIDUDULOT ANG PAGGAWA NG REBULTO.Isaias 40:20[20]Hindi rin siya maitutulad sa reb...
09/10/2021

MGA VERSE NA HINDI KAILANGAN O WALANG MAIDUDULOT ANG PAGGAWA NG REBULTO.

Isaias 40:20
[20]Hindi rin siya maitutulad sa rebultong kahoy matigas man ang kahoy at hindi nabubulok, na nililok upang hindi tumumba at mabibili lang sa murang halaga.

Mga Gawa 17:29
[29]Sapagkat tayo'y mga anak ng Diyos, huwag nating akalaing siya ay tulad lamang ng mga larawang ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at kamay ng tao.

Habakuk 2:18-19
[18]Ano ang kabuluhan ng diyus-diyosan? Tao lamang ang gumawa nito, at pawang kasinungalingan ang sinasabi nito. Ano ang ginagawa nitong mabuti upang pagkatiwalaan ng gumawa? Ito ay isang diyos na hindi man lang makapagsalita.
[19]Mapapahamak kayo! Ginigising ninyo ang isang pirasong kahoy! Pinababangon ninyo ang isang bato! May maipapahayag ba sa inyo ang isang diyus-diyosan? Maaaring ito'y nababalot sa pilak at ginto, ngunit wala naman itong buhay.

Mga Taga-Roma 1:25
[25]Ang katotohanan tungkol sa Diyos ay tinalikuran at pinalitan nila ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen.

05/10/2021

Mga Taga-Filipos 4:19
[19]At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

17/09/2021

Juan 8:32
[32]makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”

15/09/2021

Isaias 44:10
[10]Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin.

Send a message to learn more

15/09/2021

2 Mga Taga-Corinto 5:7
[7]Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita.

Send a message to learn more

Address

San Isidro
Rodriguez

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Truth seeker posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Truth seeker:

Share