12/04/2024
"Akala Mo Lang Tama, Pero Mali"
Natanong mo na ba sa iyong sarili, "Bakit ang hirap sundin ang plano ng Diyos?" Minsan kasi, sa ating mga mata, tama ang ating ginagawa. Pero tulad ng sinasabi sa Kawikaan 14:12, "May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito."
Ang "akala" ay madalas na nagiging sanhi ng ating mga pagkakamali. Akala natin tama, akala natin makabubuti, pero sa huli, nagiging sanhi ito ng ating kapahamakan. Kaya mahalagang maunawaan natin na hindi lahat ng akala natin ay tama.
Sa Jeremiah 29:11, sinasabi ng Panginoon, " Sapagka't nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.."
Sa halip na magtiwala sa ating mga akala, bakit hindi natin subukang magtiwala sa Diyos? Siya ang pinakamahusay na planner. Ang Kanyang mga plano para sa atin ay higit na mainam kaysa sa anumang plano na maaring maisip natin.
Panalangin:
Panginoon, salamat sa Iyong mga plano para sa amin. Tulungan Mo kami na hindi magtiwala sa aming mga akala, kundi magtiwala sa Iyo. Alam naming higit na mainam ang Iyong mga plano kaysa sa anumang plano na maisip namin. Gabayan Mo kami sa bawat hakbang, at turuan Mo kami na sundin ang Iyong kalooban. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Send a message to learn more