God in His Mysterious ways "GodNews & FaithNews"

God in His Mysterious ways "GodNews & FaithNews" PSALM
91:1 He who dwells in the shelter of the Most High will rest in the shadow of the almighty.

Sa bawat bagyo ng buhay, may isang katotohanan na hindi nagbabago—ang Diyos ang iyong kanlungan. Hindi Niya sinabing maw...
20/03/2026

Sa bawat bagyo ng buhay, may isang katotohanan na hindi nagbabago—ang Diyos ang iyong kanlungan. Hindi Niya sinabing mawawala ang problema, pero malinaw ang pangako Niya: naroon Siya sa gitna nito.
Kapag pakiramdam mo gumuho na ang lahat, tandaan mo—may matibay kang matatakbuhan. Hindi Siya malayo, hindi Siya late—ever-present Siya. Ibig sabihin, habang umiiyak ka, habang nalilito ka, habang lumalaban ka—nandiyan na Siya.
Hindi ka kailangang magpanggap na malakas, dahil Siya ang magiging lakas mo.
Hindi mo kailangang kayanin mag-isa, dahil Siya ang kanlungan mo.
Kaya kahit may gulo sa paligid mo, maaari kang magkaroon ng kapayapaan sa loob mo—dahil ang Diyos mo ay hindi natitinag. 🙏

゚viralシfypシ゚viralシ

“Di ka nag-iisa sa laban mo. Kasama mo ang Diyos.”📖 “Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo; huwag kang mangamba, ...
21/02/2026

“Di ka nag-iisa sa laban mo. Kasama mo ang Diyos.”

📖 “Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo; huwag kang mangamba, sapagkat ako ang iyong Diyos.”
— Isaias 41:10

🌿 May mga laban sa buhay na tahimik.
May mga iyak na walang nakakakita.
May mga panalangin na tila walang sagot.
Ngunit tandaan mo ito: ang presensya ng Diyos ay hindi nakabase sa nararamdaman mo kundi sa Kanyang pangako.
Kapag pakiramdam mo mag-isa ka sa problema—sa ministry, sa pamilya, sa kabuhayan—hindi ka Niya iniwan.
Katulad ng pangako Niya kay Josue:

📖 “Magpakalakas ka at magpakatapang… sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay kasama mo saan ka man pumaroon.”
— Deuteronomio 31:6

Ang laban mo ay hindi lang laban mo.
Ang digmaan mo ay may Kasamang Makapangyarihan.
Kapag kasama mo ang Diyos, hindi ka talunan kahit nahihirapan ka.

📖 “Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa atin?”
— Roma 8:31

゚viralシfypシ゚viralシ

Huwag mong hayaang matapos ang buhay mo dito sa mundo na hindi mo nakilala si Jesus Christ.Ang buhay ay maikli, pansaman...
21/02/2026

Huwag mong hayaang matapos ang buhay mo dito sa mundo na hindi mo nakilala si Jesus Christ.

Ang buhay ay maikli, pansamantala, at hindi natin hawak ang oras. Marami tayong hinahabol—pangarap, pera, tagumpay, posisyon—ngunit sa huli, lahat ng ito ay maiiwan. Ang pinakamahalagang tanong ay hindi “Gaano ka naging matagumpay?” kundi “Nakilala mo ba si Jesus?”

📖 Juan 17:3 – “At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala Ka nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesu-Cristo na Iyong sinugo.”

Hindi sapat na alam mo lang ang tungkol kay Jesus. Hindi sapat na naririnig mo ang Kanyang pangalan tuwing Linggo. Ang tunay na pagkakilala ay may relasyon—may pagsunod, may pagtitiwala, may pagsuko ng puso.
Maraming tao ang abala sa buhay ngunit walang direksyon patungo sa walang hanggan. Huwag mong hintayin ang huling sandali bago mo Siya hanapin. Ngayon ang tamang panahon. Ngayon ang araw ng kaligtasan.
Kung may hininga ka pa, may pagkakataon ka pa.
Kung may tibok pa ang puso mo, may pag-asa ka pa.
Kilalanin mo si Jesus hindi lang bilang Tagapagligtas ng mundo, kundi bilang Panginoon ng iyong buhay.

゚viralシfypシ゚viralシ

MAHAL KA NG DIYOS — NO MATTER WHAT.📖 “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya’t ibinigay Niya...
20/02/2026

MAHAL KA NG DIYOS — NO MATTER WHAT.

📖 “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya’t ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak…” — Juan 3:16

Kahit ano pa ang nagawa mo.
Kahit ilang beses kang nagkamali.
Kahit pakiramdam mo ay hindi ka karapat-dapat.
Hindi nagbabago ang pag-ibig ng Diyos.
Ang pag-ibig ng tao minsan may kondisyon.
Kapag mabait ka — mahal ka.
Kapag may silbi ka — tanggap ka.
Kapag pumalpak ka — iiwan ka.
Pero ang Diyos?
Mahal ka Niya hindi dahil mabuti ka, kundi dahil mabuti Siya.

📖 “Ngunit pinatutunayan ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin, nang tayo’y makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.” — Roma 5:8

Hindi Niya hinintay na maging maayos ka bago ka Niya mahalin.
Hindi Niya hinintay na maging perpekto ka bago ka Niya tawagin na anak.
Kung ngayon ikaw ay:
Pagod
Nadadapa sa kasalanan
Nasasaktan
Pakiramdam mo malayo ka sa Diyos
Tandaan mo ito:
Ang distansya mo sa Diyos ay hindi nakakapagbawas ng pagmamahal Niya sa’yo.
Ang krus ang patunay.
Ang biyaya ang ebidensya.
Ang Kanyang presensya ang katiyakan.
Hindi ka aksidente.
Hindi ka pabigat.
Hindi ka itinakwil.

👉 Mahal ka ng Diyos — no matter what.
At ang pag-ibig Niya ang magbabago, maghihilom, at magbabalik sa’yo sa tamang landas.
゚viralシfypシ゚viralシ

✨“Life isn’t asking us to be perfect, only to be faithful in the process—patient in growth, gentle in learning, and humb...
13/12/2025

✨“Life isn’t asking us to be perfect, only to be faithful in the process—patient in growth, gentle in learning, and humble in becoming.”

📖 “For the Lord does not see as man sees; for man looks at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.”
— 1 Samuel 16:7

💡God never demanded perfection before loving us. He looks at the heart that is willing to learn, the spirit that rises after falling, and the soul that chooses patience over pressure. Growth is not rushed in God’s hands—it is nurtured. When we become gentle with ourselves and others, we begin to see the same grace God extends to us daily. Every stumble becomes a lesson, every wait a preparation, and every step forward a quiet victory.

✨“Hindi Niya tinawag ang mga magagaling, kundi pinagagaling Niya ang Kanyang mga tinawag.”📖Jeremiah 1:5, “Bago pa ikaw i...
11/12/2025

✨“Hindi Niya tinawag ang mga magagaling, kundi pinagagaling Niya ang Kanyang mga tinawag.”

📖Jeremiah 1:5,
“Bago pa ikaw inilalang sa sinapupunan ng iyong ina, kilala na kita. Bago ka pa ipanganak, itinalaga na kita; ginawa kitang propeta para sa mga bansa.”

💡Minsan iniisip natin na kailangan muna tayong maging “handa,” “magaling,” o “karapat-dapat” bago tayo gamitin ng Diyos. Pero ang katotohanan, ang Diyos ang nagpapahanda. Siya ang nagpapalago. Siya ang nagpapagaling sa mga sugat at kahinaan na hindi natin kayang ayusin mag-isa.

Tinawag ka Niya hindi dahil perpekto ka — kundi dahil mahal ka Niya at may layunin Siya para sa’yo. Ang pagtawag Niya ay hindi base sa kakayahan mo, kundi sa kabutihan at kapangyarihan Niya. At habang sumusunod ka, unti-unti Niyang binabago ang puso mo, binibigyan ka ng lakas, at ginagawang mas matatag ang iyong pananampalataya.

Kung nakakaramdam ka ng doubt, insecurity, o feeling mo “hindi ka sapat,” tandaan mo:
Hindi kailangan ng Diyos ang perfection mo — gusto Niya ang puso mo.
At kapag tumugon ka sa tawag Niya, Siya mismo ang gagawa ng paraan para maging handa ka sa calling na ibinigay Niya.

📌 “Ang galit ay sumisira kapag basta mo lang ito inilalabas.Pero nagiging tulay ito kapag ipinaliwanag mo nang may hones...
11/12/2025

📌 “Ang galit ay sumisira kapag basta mo lang ito inilalabas.
Pero nagiging tulay ito kapag ipinaliwanag mo nang may honesty at katahimikan.”

📖 “Maging handa kayong makinig, huwag agad magsalita, at huwag basta-basta magalit.”
— Santiago 1:19

✨ Ang galit ay hindi agad masama—ito ay senyales. Senyales na may mali, may hindi tama, o may bagay na dapat bigyang pansin. Pero kapag ang galit ay sumabog imbes na maipaliwanag, nawawala ang mensahe at nasisira ang relasyon.

Ipinapaalala sa atin ng Santiago 1:19 na ang tunay na emosyonal na maturity ay nagsisimula sa pakikinig bago magsalita, at paghinga bago mag-react.
Kapag piliin nating ipaliwanag ang nararamdaman kaysa sumigaw, nagbibigay tayo ng espasyo para sa pag-uunawaan, hindi sa pagtatalo.

Ang galit na ibinubulyaw ay nagiging atake.
Ang galit na ipinaliwanag ay nagiging pag-uusap.

Kapag pinili nating komunikasyon kaysa konfrontasyon, napapalitan ang tensyon ng kapayapaan. Hindi natin layuning manalo sa argumento, kundi maayos ang samahan. At doon natin mas naipapakita ang puso ng Diyos—katotohanan na may pagmamahal, disiplina na may kababaang-loob.

Ang pagpipigil ay hindi kahinaan.
Ito ay kapangyarihan.
Ito ang daan mula sa sakit patungo sa pag-unawa; mula sa gulo patungo sa kapayapaan.

“Spiritual maturity comes when we have a teachable heart.”---✨“A teachable heart is a humble heart—willing to listen, wi...
10/12/2025

“Spiritual maturity comes when we have a teachable heart.”

---

✨“A teachable heart is a humble heart—willing to listen, willing to change, and willing to grow.”

📖 Proverbs 9:9 (NIV)
“Instruct the wise and they will be wiser still; teach the righteous and they will add to their learning.”

🔥Spiritual maturity is not measured by how much we know, but by how willing we are to learn. Even the most spiritual person becomes stagnant when pride enters the heart. God doesn’t just want us to hear His Word—He wants us to receive it, respond to it, and allow it to transform us.

A teachable heart admits mistakes, accepts correction, and remains humble before God. Sometimes His lessons come through Scripture, sometimes through people, and sometimes through painful experiences—but every moment can grow us if our hearts are open.

Ang puso na handang maturuan ay pusong pwedeng hubugin ng Diyos.
Hindi lahat ng tao gustong magbago, pero ang tunay na lumalago kay Cristo ay yung handang makinig, tumanggap, at sundin ang kalooban ng Diyos.

May we always say,
“Lord, teach me. Mold me. Change me

✨“Madaling maging independent kapag may lakas at kakayahan, pero ang tunay na pananampalataya ay kapag kumakapit ka sa D...
09/12/2025

✨“Madaling maging independent kapag may lakas at kakayahan, pero ang tunay na pananampalataya ay kapag kumakapit ka sa Diyos kahit pakiramdam mo wala ka nang mahawakan.”

📖“Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding.”
— Proverbs 3:5

💡Minsan kapag nasa tagumpay tayo, nakakalimutan nating ang lahat pala ay galing sa Diyos. Ginagawa natin ang gusto natin, umaasa sa sariling lakas, at iniisip na kaya natin ang lahat. Pero kapag dumating ang panahon ng kahinaan—kapag wala na tayong kontrol—tsaka natin naaalala na kailangan pala nating humingi ng tulong.

Ang Diyos ay hindi lang Diyos ng kahinaan, Siya din ang Diyos ng kalakasan. Sana, hindi natin Siya lapitan lamang kapag may problema. Lapitan din natin Siya sa araw-araw, sa panahon ng kasaganaan, at sa bawat tagumpay.

Masaya ang Diyos kapag kinikilala natin Siya hindi lang sa oras ng pangangailangan, kundi sa bawat sandali ng ating buhay. 🙏

🌱“Every seed planted in faith may seem small today, but heaven sees it and God waters it.”📖Galatians 6:9 “Let us not bec...
09/12/2025

🌱“Every seed planted in faith may seem small today, but heaven sees it and God waters it.”

📖Galatians 6:9 “Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up.”

🪴Ang buhay ay parang lupa na inaalagaan mo araw-araw. Hindi mo agad makikita ang resulta, pero bawat maliit na obedience, bawat prayer, bawat kindness, ay itinuturing ng Diyos na binhi.

Minsan nakakapagod gumawa ng tama lalo na kapag walang pumapansin, walang appreciation, o parang walang nangyayari. Pero sa mata ng Diyos, walang mabuting gawa ang nasasayang.

Kung tapat ka sa pagtatanim ngayon—kahit simple, kahit maliit—may panahon ng pag-ani.
Hindi man agad, pero siguradong dumarating. Kasi ang Diyos mismo ang nagbigay ng pangako: may bunga ang tapat, may harvest ang nagsusow.

Kaya kahit ngayong season mo ay parang waiting, trusting, at planting lang—huwag sumuko. May hinahanda ang Diyos na harvest na higit pa sa inaasahan mo.

Remember:
Your future blessings are often hidden inside today’s seen.

😊✨

09/12/2025

Psalm 126:5
Those who sow in tears will reap with songs of joy.

Address

Rizal

Telephone

+639073495208

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when God in His Mysterious ways "GodNews & FaithNews" posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to God in His Mysterious ways "GodNews & FaithNews":

Share