LIKAS - Ministry of Altar servers

LIKAS - Ministry of Altar servers Mark 10:45

"...To serve, not to be served..."

Have a Child-like Heart, rather than a childish heart.Ang pusong parang bata ay marunong humanga, marunong magtiwala, at...
18/01/2026

Have a Child-like Heart, rather than a childish heart.

Ang pusong parang bata ay marunong humanga, marunong magtiwala, at marunong magmahal nang walang hinihinging kapalit. Marunong itong umiyak kapag nasasaktan, pero marunong ding bumangon at ngumiti ulit. Ito ang pusong marunong umasa kahit mahirap na, at marunong magpasalamat kahit kaunti lang ang hawak.

Ang pusong pa-bata, madaling magtampo, madaling magalit, at laging gusto sarili ang masunod. Ayaw mapagsabihan, ayaw magbago, at ayaw umamin ng pagkukulang.

Kaya habang sumasayaw tayo at sumisigaw ng “Viva Pit Señor!”, sana hindi lang paa ang gumagalaw, kundi pati puso. Pusong handang magpakumbaba, magmahal, at muling magtiwala, kahit ilang beses nang nasaktan.

Dahil minsan, hindi lakas ang kailangan ng pananampalataya, kundi pusong marunong umasa tulad ng bata.

VIVA PIT SEÑOR!

12/01/2026

A blessed 61st birthday to our dedicated and supportive parish priest, Rev. Fr. Thaddeus Teaño, SVD!

Today, we celebrate you with grateful hearts—thanking God for the gift of your life, your vocation, and the quiet strength you pour into our LIKAS Parish Youth Ministry. Your presence reminds us that true leadership is grounded in humility, compassion, and a deep love for God’s people.

Your kindness, patience, and unwavering guidance have shaped us in ways words can hardly express. You lead us with wisdom yet embrace us with the simplicity and joy of a child at heart, making every encounter lighter, warmer, and full of hope.

Thank you for being a shepherd who listens, a mentor who walks with us, and a father who never gets tired of caring for his flock. We are truly blessed to journey with you in faith.

As you celebrate this special day, may God surround you with renewed strength, lasting joy, and the graces you need to continue leading and inspiring us. May your years ahead be filled with peace, laughter, and the overflowing love of Christ.

Happy Birthday, Father Thads!🫶

01.12.2026

𝙵𝚛𝚘𝚖 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝙻𝚒𝙺𝚊𝚂 𝙵𝚊𝚖𝚒𝚕𝚢 🫶🏻

11/01/2026

Happy Birthday Fr.Thads!

No caption needed.
11/01/2026

No caption needed.

January 7 | WEDNESDAYLOVE YOURSELF TOO “Beloved, if God so loved us, we also must love one another.” — 1 John 4:11May mg...
06/01/2026

January 7 | WEDNESDAY

LOVE YOURSELF TOO

“Beloved, if God so loved us, we also must love one another.” — 1 John 4:11

May mga pagkakataon na binigay mo na ang lahat, oras, pasensya, pag-unawa, at pagmamahal. Hindi dahil sobra ka, kundi dahil totoo kang magmahal. Pero sa kakabigay mo, unti-unti kang naubos at ang masakit duon, hindi nila napapansin yun.

Minsan, mas madali pang mahalin ang taong nanakit sa atin kaysa mahalin ang sarili nating sugatan. Sanay tayong magbigay ng pang-unawa, second chance, at oras, kahit tayo na mismo ang nauubos. Tapos kapag iniwan o tinapos natin, saka lang natin napapansin kung gaano na pala tayo napabayaan.

Pero ang pag-ibig ay hindi dapat dahilan para mawala ang sarili. Hindi ka minahal ng Diyos para masaktan ka sa pangalang “pagmamahal.” Minahal ka Niya para maalala mong may halaga ka, kahit may umalis, kahit may hindi pumili sa’yo.

Ang self-love ay hindi paglimot sa taong minahal mo. Ito ay pag-amin na masakit, pero pinipili mong bumangon. Na kahit may lamat ang puso mo, karapat-dapat ka pa ring alagaan, pakinggan, at mahalin, lalo na ng sarili mo.

Minsan, ang pinakamatapang na uri ng pagmamahal ay ang pagbitaw. Hindi dahil hindi ka nagmahal, kundi dahil ayaw mo nang masaktan ang sarili mo. At doon nagsisimula ang paghilom, kapag pinili mo ang sarili mo, kahit masakit, kahit mabagal.

Dahil kapag natutunan mong mahalin ang sarili mo sa gitna ng pagkabasag, mas malinaw mong makikilala ang pag-ibig na tunay na para sa’yo. Kaya ngayon, pahinga muna. Hindi ka makasarili sa pagpili ng sarili mo. Minsan, ang pinaka-kailangan mong mahalin ay ang sarili mong matagal mo nang inuuna sa iba.-noe

REFLECT
“Self-love is not selfish; you cannot truly love another until you know how to love yourself.” (Unknown)

January 6, | TUESDAYEXTRA CHALLENGE "Give them some food yourselves."- Mark 6:37Sa araw-araw nating buhay, may mga hamon...
05/01/2026

January 6, | TUESDAY

EXTRA CHALLENGE

"Give them some food yourselves."
- Mark 6:37

Sa araw-araw nating buhay, may mga hamon na dumarating nang hindi inaasahan, problema sa pamilya, sa pag-aaral o trabaho, sa sarili, at minsan pati sa ating pananampalataya. May mga araw na pakiramdam natin ay ubos na tayo. Ubos ang lakas, ubos ang pasensya, at ubos na rin ang pag-asa. Sa mga ganitong panahon, parang gusto na lang nating umatras at sabihing, “Hindi ko na kaya, ayuko na.”

Ganito rin ang naranasan ng mga disciples ni Jesus. Facing a huge crowd, nakita nila kung gaano kalaki ang problema at kung gaano kaliit ang meron sila. Pero instead of solving everything for them, Jesus gave them a challenge “Give them some food yourselves.” Hindi Niya pinangakong magiging madali ito, ngunit inimbitahan Niya silang magtiwala.

Ang mensahe sa atin ay malinaw na hindi hinihingi ng Diyos ang sobra o perpekto. Ang hinihingi Niya ay kung ano ang meron tayo ngayon. Kahit pagod ka, kahit may pinagdadaanan ka, pwede ka pa ring maging blessing sa iba. Minsan, ang “pagkain” na kailangan ng iba ay hindi bagay o pera, kundi oras, pakikinig, pag-unawa, o simpleng presensya.

Sa bawat hamon ng buhay, pinapaalala sa atin ni Jesus na huwag masyadong tumingin sa kakulangan, kundi sa Kanya na kayang magparami ng kaunti nating maiaalay. Kapag inuna natin ang pananampalataya kaysa sa takot, ang mga challenges natin ay nagiging opportunities para makita ang pagkilos ng Diyos. - Noe

PAGMUMUNI-MUNI
Sa harap ng aking mga hamon, ano ang munting “tinapay” na kaya kong ialay sa Diyos ngayon?

January 5 | MONDAYLIVING THE MISSION OF JESUSHe went around all of Galilee, teaching in their synagogues, proclaiming th...
05/01/2026

January 5 | MONDAY

LIVING THE MISSION OF JESUS

He went around all of Galilee, teaching in their synagogues, proclaiming the gospel of the kingdom, and curing every disease and illness among the people.
- Matthew 4:23

Matthew 4:23 shows us how Jesus lived out His mission among the people. He went around Galilee teaching in the synagogues, proclaiming the Gospel of the Kingdom, and healing every disease and illness. This reminds us that Jesus love was not limited to words, He reached people through His presence, His message, and His compassion.

In our daily lives, this verse invites us to reflect on how we live our faith. Like Jesus, we are called to teach, not necessarily by standing in front of others, but by being good examples in our actions and decisions. The way we speak, act, and treat others can teach more than words ever could. We are also called to proclaim the Gospel, which means sharing hope, encouragement, and faith especially to those who are tired, discouraged, or lost.

Jesus healing reminds us that many people today carry invisible wounds, stress, loneliness, fear, and pain. We may not be able to heal physically, but we can bring healing through listening, understanding, forgiveness, and simple acts of kindness. When we choose to love, help, and care for others, we continue the mission of Jesus and make God’s Kingdom present in our everyday life.-Noe

Monthly Meeting | January 4, 2026Bagong taon, bagong simula, at bagong paalala na ang paglilingkod ay laging may puwang ...
05/01/2026

Monthly Meeting | January 4, 2026

Bagong taon, bagong simula, at bagong paalala na ang paglilingkod ay laging may puwang para sa pagbabalik.

Salamuch sa mga masisipag na patuloy na nandiyan, at sa mga sobrang sisipag (mag-absent 😂) pero piniling bumalik at magsimulang muli. Sa paglilingkod, hindi mahalaga kung ilang beses kang nawala, ang mahalaga ay kung paano ka bumalik. Sabi nga ni Primo "I may not have found a reason to stay, but I found a reason to come back"

Kahapon, muling nagtipon ang mga Altar Servers na may iba’t ibang kwento: kung bakit nawala ang censer spoon, bakit nasira ang sanctus bell, kung bakit may napagod, may nagpahinga. Sa gitna ng mga tawanan,biruan, at paalala, naalala namin na ang pagiging lingkod ay hindi tungkol sa pagiging perpekto, kundi sa pagiging tapat sa tawag.

Sa taong ito, dala namin ang at , mas committed, mas humble, at mas handang maglingkod. Step by step, sabay-sabay naming pipiliin na manatili, bumalik, at magpatuloy sa paglilingkod na may saya at puso. ✨



Installation of New Altar Servers | Nov 30, 2025Kahapon, Nov 30, we witnessed something simple pero napakalalim ang mean...
01/12/2025

Installation of New Altar Servers | Nov 30, 2025

Kahapon, Nov 30, we witnessed something simple pero napakalalim ang meaning, ang Installation ng ating mga bagong Altar Servers. Sa unang tingin, parang normal lang na seremonya, pero kung iisipin natin nang mas malalim, it’s a moment where young people chose to say ‘Yes, Lord, I want to serve You.’

Serving at the altar is not about being seen. It’s about being present, present sa bawat Misa, sa bawat paghahanda, sa bawat maliit na responsibilidad na may malaking impact sa kabuuan ng celebration. Kahapon, nakita natin kung paano nila tinanggap ang tungkuling ito nang may may katapatan at kababaang-loob. Hindi kailangan ng malaking salita o engrandeng kilos. Sapat na ang tahimik at totoo nilang commitment.

This installation reminds us that serving God always starts in the heart. Hindi kailangan perfect. Hindi kailangan magaling agad. What matters is the willingness to learn, to grow, and to offer your time kahit mahirap, kahit may ibang commitments, kahit minsan nakakapagod.

As they begin this journey, we are also reminded of our own calling, na bawat isa sa atin, may mission. Baka hindi lahat altar server, pero lahat tayo tinatawag na maglingkod sa simpleng paraan: sa pagiging mabuti, sa pagiging present sa community, at sa pagsasabuhay ng faith natin araw-araw.

Kahapon was more than an installation. It was a reminder that service is love in action. And these young servers showed us that when you offer even the smallest yes to God, He turns it into something meaningful and beautiful.

-noe

15/11/2025

Muling Pagtatalaga ng Simbahan
ng Parokya ng Luklukan ni San Pedro
📍 San Pedro, Rizal, Occidental Mindoro
🗓️ Nobyembre 16, 2025 | 7:30 A.M.

Isang mahalagang sandali ng pananampalataya at pasasalamat ang ating pagdiriwang ng Muling Pagtatalaga ng Simbahan, bilang tanda ng ating pagkakaisa sa Diyos at sa ating pamayanang Kristiyano.

Sa pangunguna ni lubhang Kagalang-galang na Obispo uPablito M. Tagura, SVD, PhD, DD, ating ipagbunyi ang pagbabalik ng ating simbahan bilang sagradong tahanan ng panalangin, pag-asa, at paglilingkod.


12/11/2025

Tao po?!

Dumarampi na ang malamig na hangin,
senyales ng pagsapit ng pinakamasayang panahon ng taon! Habang papalapit ang Pasko, muling isasabuhay ng ating parokya ang kwento ng paghahanap ng tahanan nina Maria at Jose at ikaw, kapatid, ay maaaring maging bahagi nito.

Kung may puso kang handang maglingkod, may talentong gustong ihandog, o simpleng nais maging instrumento ng pag-ibig ng Diyos, ito na ang iyong pagkakataon!

Chair of Saint Peter Parish
Nobyembre 16 at 22, 2025 | 9:00 AM (Linggo)

Bukas ang casting call para sa lahat ng LIKAS mula sa ating mga pamayanan.
Walang kailangan kundi ang iyong “oo” at pusong handang tumugon sa Kanyang tawag.

Halina’t maging kabahagi ng isang makabuluhang paglalakbay ngayong Kapaskuhan.
Siya’y kumakatok — ikaw na lang ang hinihintay.

FORMATION SEMINAR | Nov. 8-9, 2025The Altar Servers Formation Seminar (Nov 8–9, 2025) was more than a seminar; it was a ...
09/11/2025

FORMATION SEMINAR | Nov. 8-9, 2025

The Altar Servers Formation Seminar (Nov 8–9, 2025) was more than a seminar; it was a spiritual encounter. We laughed, learned, reflected, and realized that serving God isn’t always easy, but it’s always worth it.

In every talk, every sharing, every quiet prayer… we felt God’s gentle voice calling each of us by name. He reminds us that even when we feel unworthy, He still chooses us. Even when we are tired, He strengthens us. Even when we doubt, He stays faithful.

May this experience rekindle our desire to serve, not for recognition, but for love.
Because every time we stand at the altar, we’re not just performing a task, we’re saying,
“Here I am, Lord. Send me.”

Thank You, Lord, for this opportunity to grow, to reconnect, and to fall in love with You once again through our service. Truly, we are proud to be Sakristan Para Kay Kristo!




Address

Rizal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LIKAS - Ministry of Altar servers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share