Santa Juana de Cuza - Angono, Rizal

Santa Juana de Cuza - Angono, Rizal Owned by Antonio & Haydee Orca. Ang pinaka matandang imahen ni Santa Juana sa buong Pilipinas.

MALIGAYANG KAPISTAHAN SANTA JUANA DE CUZA!Mayo 24Ipinanganak si Santa Juana noong panahon ng paghahari ni Herodes Antipa...
24/05/2025

MALIGAYANG KAPISTAHAN SANTA JUANA DE CUZA!

Mayo 24

Ipinanganak si Santa Juana noong panahon ng paghahari ni Herodes Antipas, sa isang mayamang angkan ng Hudyo sa Galilea. Lumaki siya sa isang munting kastilyo sa burol ng Tiberias. Marahil bata pa lamang ay ipinagkasundo na siyang mapangasawa kay Cuza, na naging katiwala ni Herodes Antipas, ang tetrarka ng Galilea. Siya'y ginawa ng kaniyang asawa bilang tagapamuno ng salapi.

Walang tiyak na istorya ang kaniyang buhay, at tanging tradisyon ang nagsasabi nito. Ngunit malinaw ang katotohanang sumibol ang liwanag at pagbabago nang pumasok si Jesus sa kaniyang buhay. Kabilang siya sa mga babaeng pinagaling ng Panginoon, kasama sina Santa Maria Magdalena at Susanna.

Bilang asawa ni Cuza, ang tagapamahala ng ari-arian ng sambahayan ni Herodes Antipas, si Juana ay isang babaeng may kayamanan at impluwensya. Matapos pagalingin, sinamahan ni Juana si Jesus at ang labindalawang disipulo sa kanilang paglalakbay sa bawat bayan at tumulong sa pagsuporta sa ministeryo ng Panginoon. Isa siya sa bukal na nagkaloob ng mga pagkain at mga panustos para sa Panginoon at Kaniyang mga disipulo mula sa kanyang sariling kayamanan (Lucas 8:1–3).

Noong Linggo ng muling pagkabuhay, isa siya sa tatlong babaeng nagtungo sa libingan ni Hesus upang kumpletuhin ang ritwal ng paglilibing ng mga Hudyo para sa labi ni Hesus. Natuklasan nila at ibinalita sa mga alagad ang tungkol sa libingang walang laman (Lucas 24:1-4). Ang pangyayaring ito ay ang paulit-ulit niyang inihayag sa sinuman—pagpapahayag ng paghahari ng Diyos sa sanlibutan. Naging tapat siyang disipulo hanggang kamatayan.

Panalangin

O butihing disipulo ni Hesus, Santa Juana de Cuza, tulungan mo kaming ibahagi ang aming yaman at talino sa paglilingkod sa Banal na Simbahang Katolika na itinatag ni Kristo na iyong pinaglingkuran noong ikaw ay narito pa sa lupa. Ngayong ikaw ay kabilang na sa mga nagpupuri sa Kanya, ay papupurihan namin siya sa pamamagitan ng aming pagtugon na di naghahangad ng anumang kapalit at papuri kundi kami ay magbahagi ng buong puso at kaluluwa. Ikaw nawa ay maging huwaran namin sa gawain namin upang maging tapat at mapag-kumbaba mong Disipulo ni Hesus sa kapanahunan. Amen.

"Ikaw ang aking tanging yamanNa di lubusang masumpungan;Ang nilikha mong kariktanSulyap ng 'yong kagandahan..."
17/01/2025

"Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan;

Ang nilikha mong kariktan
Sulyap ng 'yong kagandahan..."

"Ang nakalipas ay ibabalik natin..."Sta. Juana wearing her Salubong 2014 vestment. It is now 10 years old. Bringing back...
06/09/2024

"Ang nakalipas ay ibabalik natin..."

Sta. Juana wearing her Salubong 2014 vestment. It is now 10 years old. Bringing back old masterpieces to life.

Santa Juana De Cuza, Ipanalangin mo po kami...

"Si Kristo ang Daan upang mabata natin ang mga pagkakasala ng marami, nang hindi sinusuklian ng kasamaan ang kasamaan, n...
28/06/2024

"Si Kristo ang Daan upang mabata natin ang mga pagkakasala ng marami, nang hindi sinusuklian ng kasamaan ang kasamaan, ng karahasan ang karahasan sa isang walang katapusang paghihiganti." ( Mt. 5:38-42 )

MAYO 24                     ARAW NG KAPISTAHAN NI                       SANTA JUANA DE CUZA    O amang nasa langit, si S...
24/05/2024

MAYO 24

ARAW NG KAPISTAHAN NI
SANTA JUANA DE CUZA

O amang nasa langit, si Sta Juana ay sumunod kay Hesus at nagbigay ng tulong sa kaniya at mga alagad sa pamamagitan ng sariling yaman. Bilang pagpaparangal sa kaniya, kami ay nawa ay makasunod sa mga halimbawa ng kanyang pagiging banal at tapat. Ito ay aming hinihiling sa ngalan ng Panginoong Hesukristo na iyong anak na nabubihat at naghahari kasama mo at ng Espirito Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Amen...

Sta Juana de Cuza, Ipanalangin mo po kami...

Inang Juana sa kaniyang "Pambahay" na kasuotan pagkatapos ng mga okasyon ng mahal na araw...
19/04/2024

Inang Juana sa kaniyang "Pambahay" na kasuotan pagkatapos ng mga okasyon ng mahal na araw...

Address

Rizal
1930

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Juana de Cuza - Angono, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Santa Juana de Cuza - Angono, Rizal:

Share