Rizal Chapter - Nueva Ecija Archdiocese

Rizal Chapter - Nueva Ecija Archdiocese Crusaders of the Divine Church of Christ Phillipines Inc.

20/05/2026

Relihiyong Hinuhusgahan, Siyang Tunay
Ni: Kath Lea Joy Acoba
Ilocos Norte Archdiocese

Sa mundong puno ng ingay at paghusga,
May isang tinig na pilit tinatabunan ng iba.
Relihiyong kinukutya, minamaliit, iniiwasan,
Ngunit sa puso ng totoo, Siya ang pinanghahawakan.

Hindi man tanggap ng lahat ang Kanyang pangalan,
Hindi man maunawaan ang Kanyang mga aral,
Sa katahimikan ng gabi’t pagluha ng damdamin,
Siya ang liwanag na ‘di kayang patayin.

Tinawag Siyang kakaiba, mali, at naligaw,
Ngunit Siya ang gabay sa mundong ibabaw.
Habang ang iba sa mundo’y abala at nahuhumaling,
Ang Kanyang salita’y patuloy na gumigising.

Relihiyong kinasusuklaman ng karamihan,
Ngunit doon matatagpuan ang kapayapaan.
Hindi sa dami ng sumasamba nasusukat ang tama,
Kundi sa lalim ng pananalig at gawa.

Kaya hayaan man nila akong husgahan,
Pilit mang ilayo sa Kanyang katotohanan,
Mananatili akong tapat sa Kanya,
Dahil relihiyong Crusado, siyang tunay, siya ang pag-asa.

15/05/2026

Crusado: Pammati nga Inay-ayat
Ni: Kristine Jaye Anne G. Gabiason
Ilocos Norte Archdiocese

Crusado, anak ti silaw ti pammati,
Agnaed ti ayat ken kinapudno iti biagmi.
Iti pusom nakatanem ti Apo a nasayaat,
Mangidalan iti dalan a nalinteg ken napudno a rumbeng nga ayat.

Ur-uray no agdardaras dagiti bagyo ti biag,
Pammati ket saan nga mabayag nga mapukaw.
Ta ti ayat nga inted ti Apo a managayat,
Isu ti silaw a mangiturong iti dalan a nalinteg ken nasayaat.

Iti pusom aglawlaw ti pammati nga narigat nga maikkat,
Kas bituen iti rabii a saan nga mapukaw.

Crusado, mangiparang-ay iti ayat ken panagserbi,
Agbiag a mangipakita iti kinadios iti amin a rabii ken aldaw ti biagmi.
Ta iti pammati nga naindaklan ken ayat nga naurnos,
Makita ti lubong ti silaw a nagtaud iti Dios.

Crusado ka—nasayaat ti puso ken napudno ti aramid,
Mangiparang-ay iti ayat ken pammati a saan pulos a mapukaw iti rabii.

𝘏𝘰𝘰𝘳𝘢𝘺! 𝘛𝘩𝘦𝘺 𝘥𝘪𝘥 𝘪𝘵𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗨𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗞𝗜𝗗𝗗𝗢𝗦!🎓
10/05/2026

𝘏𝘰𝘰𝘳𝘢𝘺! 𝘛𝘩𝘦𝘺 𝘥𝘪𝘥 𝘪𝘵
𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗨𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗞𝗜𝗗𝗗𝗢𝗦!🎓

𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔🎨📚𝗗𝗮𝘆 𝟱: Setting the foundation for a brilliant future, one summer class at a time.Tha...
08/05/2026

𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔🎨📚

𝗗𝗮𝘆 𝟱: Setting the foundation for a brilliant future, one summer class at a time.

Thank you Kiddos for this wonderful last day of your Summer Class, See you again next year!🤗

⛪️CRUSADERS OF THE DIVINE CHURCH CHRIST
📍Poblacion Sur, Rizal, Nueva Ecija

𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔🎨📚𝗗𝗮𝘆 𝟰: Setting the foundation for a brilliant future, one summer class at a time.Tha...
07/05/2026

𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔🎨📚

𝗗𝗮𝘆 𝟰: Setting the foundation for a brilliant future, one summer class at a time.

Thank you Kiddos for this wonderful day, See you again tomorrow!🤗

⛪️CRUSADERS OF THE DIVINE CHURCH CHRIST
📍Poblacion Sur, Rizal, Nueva Ecija

𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔🎨📚𝗗𝗮𝘆 𝟯: Setting the foundation for a brilliant future, one summer class at a time.Tha...
06/05/2026

𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔🎨📚

𝗗𝗮𝘆 𝟯: Setting the foundation for a brilliant future, one summer class at a time.

Thank you Kiddos for this wonderful day, See you again tomorrow!🤗

⛪️CRUSADERS OF THE DIVINE CHURCH CHRIST
📍Poblacion Sur, Rizal, Nueva Ecija

𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔🎨📚𝗗𝗮𝘆 𝟮: Setting the foundation for a brilliant future, one summer class at a time.Tha...
05/05/2026

𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔🎨📚

𝗗𝗮𝘆 𝟮: Setting the foundation for a brilliant future, one summer class at a time.

Thank you Kiddos for this wonderful day, See you again tomorrow!🤗

⛪️CRUSADERS OF THE DIVINE CHURCH CHRIST
📍Poblacion Sur, Rizal, Nueva Ecija

𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐉𝐎𝐈𝐍 𝐔𝐒 for 𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔🎨📚𝗗𝗔𝗬 𝟭: Setting the foundation for a brilliant future, one summe...
04/05/2026

𝐂𝐎𝐌𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐉𝐎𝐈𝐍 𝐔𝐒 for 𝐀𝐃𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄𝐃 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔🎨📚

𝗗𝗔𝗬 𝟭: Setting the foundation for a brilliant future, one summer class at a time.

Thank you Kiddos for this wonderful day, See you again tomorrow!🤗

⛪️CRUSADERS OF THE DIVINE CHURCH CHRIST
📍Poblacion Sur, Rizal, Nueva Ecija

03/05/2026

Paraiso ng Kaligtasan
Ni: Christian James U. Daquioag
Ilocos Norte Archdiocese

Sa bawat tindig ko,
ramdam ko ang Iyong banal na presensya—
tila marahang hinuhugasan ang aking pagkatao,
nililinis ang bawat bahid ng aking pagkakasala.

Sa bawat hakbang na aking tinatahak,
sumasagi sa aking puso ang Iyong sakripisyo—
ang wagas na pagmamahal
at walang hanggang determinasyon
para sa aming mga nananalig sa Iyo, Ama.

Sa bawat dasal na umuusbong sa aking isipan,
tila ako’y binabalot ng Iyong kaluwalhatian—
isang kapayapaang hindi maipaliwanag,
ngunit lubos na nadarama.

Sa bawat tinig ng panalangin at awitin na aking naririnig,
unti-unting naglalaho ang aking mga alalahanin,
at ang mga luhang dati’y pilit kong pinipigilan
ay malayang dumadaloy—
hindi na sa sakit,
kundi sa labis na galak at pag-asa.

Sa mga sandaling ito, aking napagtanto
ang tunay na kahulugan ng Iyong presensya—
parang ako’y nasa isang paraiso,
punong-puno ng wagas na pagmamahalan,
at mga kaisipang dalisay at payapa.

Aking Ama, Mons. Dr. Rufino S. Magliba,
taos-puso akong nagpapasalamat
sa daang Iyong ipinagkaloob upang kami’y makalapit sa Iyo.

Kaya’t ipinapangako ko
na aking pahahalagahan ang pananampalatayang ito,
mananatiling matatag sa pagtitiwala,
at maglilingkod nang buong puso—
ngayon at magpakailanman.

01/05/2026

Paglilingkod na Walang Hanggan
Ni: Kath Lea Joy Acoba
Ilocos Norte Archdiocese

Sa bawat araw na aking ginugugol,
Paglilingkod sa Iyo ang aking hinahabol.
Hindi man ako ganap, kulang at may sala,
Pag-ibig Mo pa rin ang aking sandata.

Sa pagod at hirap ng buhay na ito,
Ikaw ang sandigan, Ama naming makapangyarihan.
Sa bawat gawaing iniaalay sa Iyo,
Puso ko’y payapa, sapagkat kasama Ka roon.

Sa dilim ng gabi at lungkot na nadarama,
Ikaw ang liwanag na aking nakikita.
Sa bawat luha na tahimik na pumapatak,
Pag-asa mo, Ama, ang aking niyayakap.

Sa bawat pagsubok na dumarating sa landas,
Pananampalataya ko’y lalo pang tumitibay.
Hindi man madali ang aking dinaraanan,
Ikaw ang lakas na aking pinanghahawakan.

Hanggang sa wakas ng aking paglalakbay,
Pangalan Mo, Ama RSM ang aking iaalay.
Buhay ko’y sa Iyo magpakailanman,
Liwanag ng paglilingkod, walang hanggan.

29/04/2026

Address

Poblacion Sur Rizal
Rizal
3127

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rizal Chapter - Nueva Ecija Archdiocese posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Rizal Chapter - Nueva Ecija Archdiocese:

Share