Lingkod ng Simbahan

Lingkod ng Simbahan This is the Official page of Lingkod ng Simbahan.

07/05/2026

HAPPY FIESTA SAN MIGUEL ARKANGHEL!
PISTANG APARISYON 2026

Sa kanyang pagpapakita sa Bundok ng Gargano, muling ipinaalala ni San Miguel ang kahalagahan ng pagpapasakop sa kalooban ng Diyos. Nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa ating lahat upang mamuhay nang may integridad at manatiling tapat sa ating pananampalataya sa kabila ng mga hamon ng mundo.

"Quis ut Deus?" – Sino ang katulad ng Diyos?

Sa paggunita natin sa milagrosong aparisyon ni San Miguel Arkanghel, ating pagnilayan ang temang: "San Miguel: Huwaran ng Kabanalan at Katapatan."

Tulad ng ating mahal na patron, nawa’y piliin din nating maging banal sa ating mga gawa at maging tapat sa ating mga pangako sa Panginoon. Dalhin nawa natin ang kanyang liwanag sa ating mga tahanan at komunidad.

PANALANGIN KAY SAN MIGUEL ARKANGHEL

San Miguel Arkanghel, Prinsipe ng mga Hukbo sa langit at tagapagtangkilik nitong aming bayan. Kami ay iyong laging patnubayan, ilayo sa lahat ng sakuna at ampunin laban sa mga kaaway ng aming kaluluwa at katawan. Maging bantay ka nawa namin laban sa mga kalupitan at silo ng mga Demonyo.
Tangkilikin mo kaming lahat, lalo na ang aming mga kabataan. Sugpuin mo ang kanilang masasamang hilig, bigyan mo ng kaunlaran itong aming bayan. Sugpuin mo si Satanas at ang kanyang mga kawan, upang mapamalagi namin ang tagumpay, hanggang sa kabilang buhay. Amen.

San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami!

PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG SAN MIGUELSa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.PANALANGIN SA PAGHAHANDA...
06/05/2026

PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG SAN MIGUEL
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN SA PAGHAHANDA
Kataastaasang Panginoon at Diyos na walang hanggang kabutihan: Buong pagpapakumbabang nagpapatirapa sa harap ng trono ng iyong kadakilaang walang kahulilip, Ikaw ay sinasamba namin mula sa kaibuturan ng aming kaluluwa, humihingi kami ng tawad sa salang nagawa at ipinagmamakaawa naming marapatin Mo na pakinggan ang aming mga daing at ipagkaloob mo sa amin ang biyayang sa hinaharap ay huwag ka nang pagkasalanang muli ng tibay na kalooban ng mapag-labanan ang mga tukso ng aming kaaway at ang kalu-walhatiang walang hanggan sa langit. Bahagian Mo kami niyong banal na pagmamalasakit na ipagtanggol ang lyong karangalan ng maluwalhating Arkanghel San Miguel, laki aya, pagkabanal at maalab, na minarapat Mong gawin siyang Prinsipe ng mga hukbo ng mga Angeles, llayo mo ang aming espiritu sa pag-ibig sa mundo, pakalinisin Mo ang anumang hilig ng kalupaan: at bigyan Mo kami ng tibay ng loob para sa kahulilaan ng laman, ng mundo at ng masamang espiritu ay matutuhan naming ilaban sa kanila yaong tinig ng pagtatanggol: "Sino ang katulad ng Diyos?" na sa pamamagitan nito ay niyurakan ng Arkanghel San Miguel ang demonyo noong kaarawan ng mapagtagumpay niyang pakikihamok sa pagsanggalang ng lyong karapatang inalipusta. Siya nawa.

IKA-SIYAM NA ARAW
Pagninilay: Si San Miguel sa katapusan ng mundo.

1. Nabasa natin sa Apocalipsis ang ganitong naka-aaliw na pangungusap na iniukol sa mga huling araw ng mundo. "Nakakita ako ng isa pang anghel na umakyat mula sa silangan at may taglay na tanda ng Diyos na buhay, at malakas na isinigaw sa apat na angeles na ipinagkalooban ng kapangyarihang puksain ang lupa at dagat, na ang wika'y: "Huwag kayong gagawa ng anomang kapinsalaan sa lupa at sa dagat sa mga punong kahoy, hanggang hindi naming natatatakan ang mga lingkod ng Diyos sa kanilang mga noon." Nakamamangha ang masinop na pagkalinga ni San Miguel na tagapagbandila ng Diyos katulad ng sa kaniya ay tagauri ng Iglesya, na siya ang magpapasiya ng nararapat gawin upang huwag maghalo-halo at mapagkamalan ang mabubuti sa masasama sa kaki-lakilabot na araw na yaon. Sa tulong ni San Miguel ay nakamtan ni Elias ang pagbabalikloob ng mga hereje, ng mga hudyo at ng tanang, sa mga nasabing huling panahon ay kakaladkarin, dahil sa kanilang kapabayaan, ng walang dangal na Antikristo at ng kaniyang mga taga-sunod. Hanggang sa huling sandali si San Miguel ang magiging saklolo at kaligtasan ng bayan ng Diyos. Buhayin mo ang iyong pananalig at sikapin na sa pamamagitan ng iyong kabanalan ay makamtan mo ang kalinga ng dakilang Arkanghel sa oras na yaon.

2. Ang huling masama sa lupa, ang anak ng kasamaan na kilala sa ngalang Antikristo, ay pupuksain at yuyurakan ng Prinsipeng si San Miguel, na siyang sumupil at maluwalhating nagtagumpay sa kaunaunahang masama sa nasa langit at nagtindig laban sa kaniyang Diyos at Panginoon. Ang Prinsipe ng mga hukbo ng mga Angeles na sa pagtatanggol sa kaluwalhatian ng Panginoon, ng Pagkakatawang-tao ng Verbo at ng Kahangahangang pagiging Ina ni Mariang Kalinis-linisan, ay pinataginting sa kalangitan ang kauna-unahang masayang sigaw na "Sino ang katulad ng Diyos". - Ay siya ring magpapakulog sa kabilugan ng lupa bilang huling pagpapahayag ng kapangyarihan ng Diyos, yaon ding mapagtagumpay na tinig na yumurak kay Lucifer at sa lahat ng kaniyang taga-sunod na muli pang magbubulid sa kanila sa impyerno magpakailanman.
Suriin mo ang iyong budhi at mulit muli mong tanungin ang iyong sarili: "Sino ang katulad ng Diyos?" Pagnilaynilayin mo ang mga bagay na ito at hingin mo ang biyayang nais kamtan sa pagsisiyam na ito.*Isunod ang panalangin sa araw-araw.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Maluwalhating San Miguel Arkanghel, Prinsipe ng mga hukbo ng kalangitan, Kapitan ng mga Hukbo ng Diyos, Pintakasi at Tagapamagitan ng lahat ng tapat niyang mga anak; hinihiling namin sa iyo ng buong kapakumbabaan, na sa pagmamalasakit na ipinamalas mo sa karapatan ng Diyos, sa katapangan ng ibulusok mo mula sa langit ang anghel na nagkasala at itanikala sa pusod ng impyerno, ay marapatin mong ipagkaloob sa amin ang tapang at lakas na kinakailangan namin upang mapaglabanan namin ang mga tudla ng masasamang espiritu. Bigyan mo kami ng maliwanag na kaalaman at isang pusong matimtiman upang ibigin ang Diyos na lalo sa lahat ng bagay, na ang kaniyang kadakilaan, ang kaniyang mga katangian at kaluwalhatian ay magbigay ng isang lubos na pagkakilala ng kaniyang kataastaasang kapangyarihan na kung kami ay tinutukso ay matutuhan namin ang tumugon ng "Sino ang katulad ng Diyos" na sa lyo ay nagdudulot ng ganap na tagumpay sa pakikibaka mo kay Lucifer at mga angeles niya.

Buong kaawaang titigan mo kami na lagi na lamang sinisiklot-siklot ng nagngangalit na kaaway mo at ng aming kaluluwa; pakamtan mo sa amin yaong diwa ng pag-ibig sa Diyos na naging lakas mo sa pagyurak sa kaaway; iligtas mo kami sa kaniyang mga bitag at ihatid mo sa langit ang mga kahabag-habag naming kaluluwa; lpagsanggalang mo ang Iglesya ng Diyos na siyang laging tudlaan ng nagngingitngit na galit ng diyablo; ikaw ang laging maging hindi magagaping alalay ng Papa na naliligid ng di mabilang na kaaway. Ihingi kami ng paumanhin at ipagtanggol sa harap ng Diyos at gawin mong maging dapat kaming umawit ng walang humpay ng pagpupuri sa kaluwalhatian at ulit-ulitin ang kaniyang kadakilaan sa pamamagitan ng awit ngayon at kailan man ay nakalilito sa palalong Lucifer, sa pamamagitan ng dakila at nakabibighaning "Sino ang katulad ng Diyos"? Siya nawa.

Tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Gloria.
*Isunod ang mga: PITHAYA: sa maluwalhating Arkangel San Miguel.

PITHAYA: SA MALUWALHATING ARKANGEL SAN MIGUEL.

(Sagot - *Ipanalangin mo kami)

San Miguel, Arkangel ng Dios*
San Miguel, Puspos ng karunungan*
San Miguel, Salamin ng kababaang loob*
San Miguel, Huwaran sa pagsunod*
San Miguel, Dakilang tagasamba ng Verbo ng Dios*
San Miguel, Napuputungan ng luwalhati at dangal*
San Miguel, Prinsiping makapangyarihan ng mga hukbo ng Diyos*
San Miguel, Tagapagbandila ng kabanal-banalang Trinidad*
San Miguel, Bantay ng Paraiso*
San Miguel, Anghel ng Kapayapaan*
San Miguel, Tagaakay at tagaaliw ng bayan ng Israel*
San Miguel, Ningning at tibay ng Iglesyang nakikibaka*
San Miguel, Dangal at katuwaan ng Iglesyang nagtatagumpay*
San Miguel, Ilaw ng mga angeles*
San Miguel, Tagapag-ampon ng mga sumasampalataya*
San Miguel, Alalay ng nakikilaban sa lilim ng bandila ng krus*
San Miguel, Buklod ng pag-iibigan*
San Miguel, Mandirigmang lumilipol sa mga herehe*
San Miguel, Tanglaw at pag-asa ng mga kaluluwa sa oras ng kamatayan*
San Miguel, Tagapag-ampon naming walang pagmamaliw*
San Miguel, Na tumutulong sa amin sa lahat ng mga pangangailangan*
San Miguel, Tagapamahayag ng hatol na walang hanggan*
San Miguel, Mapang-aliw sa mga kaluluwang nabibilanggo sa apoy sa
purgatoryo*
San Miguel, Na sa iyong kababaang loob sa simula pa ay ipinaghiganti mo
ang karapatan ng Diyos na iginagalang ng tanang mga angeles*
San Miguel, Sinaksihan ng Espiritu Santo na ikaw nga ay dakila at
makapangyarihan*
San Miguel, Na ang mga panalangin mo ay naghahatid sa kaharian ng
langit*
San Miguel, Katiwala ng Diyos sa pagtanggap sa mga kaluluwa sa oras ng
kamatayan*
San Miguel, Na pinupuri ng Banal na Kasulatan na sa iyo’y sinasabi
Prinsipe ng mga unang Prinsipe*
San Miguel, Na laging laan sa pagtulong sa mga anak ng Diyos*
San Miguel, Aming Prinsipe*
San Miguel, Pintakasi namin*

Antifona: Arkangel San Miguel Prinsipe ng mga hukbo sa langit; ipagtanggol mo kami sa labanan, ng hindi kami mapahamak sa kakilakilabot ng hatol ng
Diyos.

V: Ipanalangin mo kami Arkanghel San Miguel.
R: Sa ating Panginooong Diyos

MANALANGIN TAYO
Panginoong naming Hesukristo; marapatin mong pakabanalin kami sa pagpapala mong laging bago; at pakamtan mo sa amin, sa pamamagitan ni San Miguel, ang isang karunungang magtuturo sa amin na mag-impok ng kayamanang ukol sa langit at ipagpalit ang kayamanan sa lupa ng kayamanang walang katapusan sa kabilang buhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari sa lahat ng mga panahon. Siya nawa.

PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG SAN MIGUELSa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.PANALANGIN SA PAGHAHANDA...
05/05/2026

PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG SAN MIGUEL
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN SA PAGHAHANDA
Kataastaasang Panginoon at Diyos na walang hanggang kabutihan: Buong pagpapakumbabang nagpapatirapa sa harap ng trono ng iyong kadakilaang walang kahulilip, Ikaw ay sinasamba namin mula sa kaibuturan ng aming kaluluwa, humihingi kami ng tawad sa salang nagawa at ipinagmamakaawa naming marapatin Mo na pakinggan ang aming mga daing at ipagkaloob mo sa amin ang biyayang sa hinaharap ay huwag ka nang pagkasalanang muli ng tibay na kalooban ng mapag-labanan ang mga tukso ng aming kaaway at ang kalu-walhatiang walang hanggan sa langit. Bahagian Mo kami niyong banal na pagmamalasakit na ipagtanggol ang lyong karangalan ng maluwalhating Arkanghel San Miguel, laki aya, pagkabanal at maalab, na minarapat Mong gawin siyang Prinsipe ng mga hukbo ng mga Angeles, llayo mo ang aming espiritu sa pag-ibig sa mundo, pakalinisin Mo ang anumang hilig ng kalupaan: at bigyan Mo kami ng tibay ng loob para sa kahulilaan ng laman, ng mundo at ng masamang espiritu ay matutuhan naming ilaban sa kanila yaong tinig ng pagtatanggol: "Sino ang katulad ng Diyos?" na sa pamamagitan nito ay niyurakan ng Arkanghel San Miguel ang demonyo noong kaarawan ng mapagtagumpay niyang pakikihamok sa pagsanggalang ng lyong karapatang inalipusta. Siya nawa.

IKAWALONG ARAW
Pagninilay: Si San Miguel ang tagapagtangkilik upang kamtan ang isang magandang kamatayan.

1. Ang maluwalhating si San Anselmo, Arsobispo ng Kanterburi, sa kaniyang paghahanda sa pamisa, ay pinaiilanglang sa araw-araw ang ganitong panalangin kay San Miguel Arkanghel: "San Miguel Arkanghel ng Diyos at tanod sa langit, ako'y iyong tulungan sa oras ng aking kamatayan, ikaw ang maging tagapagtanggol ko sa mabangis na kaaway. Ipako mo ang iyong gunita sa kapalaran mong ang iyong panalangin ay sinusubaybayan ng dakilang Arkanghel; papag-alabin mo ang iyong pagmamalasakit sa kaluwalhatian ng Diyos at pagpilitan mo ang manalangin ng boong kataimtiman, puspos ng pananampalataya at pag-asa na didinggin ka ng Diyos.

2. Taglay ang isang tapat na pagmamahal ay pinagpupunyagian ng Prinsipe ng mga hukbo ng mga angheles na maalalayan ang ating mga panalangin. Kung tayo ay tumatawag sa ating Panginoon at hinihiling na tayo ay kaawaan dahil sa ating mga kasalanan. Sa mapagpakumbabang pangungumpisal ng ating mga kasalanan at sa pagmamakaamo na ating
ginagawa bago magkumpisal at makinabang at sa simula ng Santa Misa, ay winiwika natin: "at sa iyo San Miguel Arkanghel, ikinukumpisal kong ako ay nagkasala ng marami, idalangin mo ako sa ating Panginoon Diyos." Na marapatin nang ipagkaloob ang kapatawaran. O anong laking pagtitiwala ang sa ating mga kaluluwa ay itinatanim ng dakilang Arkanghel, na ang kaniyang kadakilaan sa kabanalan sa pagmamalasakit at sa pag-ibig ang siyang naging dahilan upang ipagkaloob sa kaniya ang napakataas at maalindog na gawain. Sa Kanya ay tumawag ka ng madalas at umasa ka sa buong pagtitiwala sa pagtangkilik niya. Pagnilaynilayin mo ang mga bagay na ito at hingin mo ang biyayang nais kamtan sa pagsisiyam na ito.*Isunod ang panalangin sa araw-araw.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Maluwalhating San Miguel Arkanghel, Prinsipe ng mga hukbo ng kalangitan, Kapitan ng mga Hukbo ng Diyos, Pintakasi at Tagapamagitan ng lahat ng tapat niyang mga anak; hinihiling namin sa iyo ng buong kapakumbabaan, na sa pagmamalasakit na ipinamalas mo sa karapatan ng Diyos, sa katapangan ng ibulusok mo mula sa langit ang anghel na nagkasala at itanikala sa pusod ng impyerno, ay marapatin mong ipagkaloob sa amin ang tapang at lakas na kinakailangan namin upang mapaglabanan namin ang mga tudla ng masasamang espiritu. Bigyan mo kami ng maliwanag na kaalaman at isang pusong matimtiman upang ibigin ang Diyos na lalo sa lahat ng bagay, na ang kaniyang kadakilaan, ang kaniyang mga katangian at kaluwalhatian ay magbigay ng isang lubos na pagkakilala ng kaniyang kataastaasang kapangyarihan na kung kami ay tinutukso ay matutuhan namin ang tumugon ng "Sino ang katulad ng Diyos" na sa lyo ay nagdudulot ng ganap na tagumpay sa pakikibaka mo kay Lucifer at mga angeles niya.

Buong kaawaang titigan mo kami na lagi na lamang sinisiklot-siklot ng nagngangalit na kaaway mo at ng aming kaluluwa; pakamtan mo sa amin yaong diwa ng pag-ibig sa Diyos na naging lakas mo sa pagyurak sa kaaway; iligtas mo kami sa kaniyang mga bitag at ihatid mo sa langit ang mga kahabag-habag naming kaluluwa; lpagsanggalang mo ang Iglesya ng Diyos na siyang laging tudlaan ng nagngingitngit na galit ng diyablo; ikaw ang laging maging hindi magagaping alalay ng Papa na naliligid ng di mabilang na kaaway. Ihingi kami ng paumanhin at ipagtanggol sa harap ng Diyos at gawin mong maging dapat kaming umawit ng walang humpay ng pagpupuri sa kaluwalhatian at ulit-ulitin ang kaniyang kadakilaan sa pamamagitan ng awit ngayon at kailan man ay nakalilito sa palalong Lucifer, sa pamamagitan ng dakila at nakabibighaning "Sino ang katulad ng Diyos"? Siya nawa.

Tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Gloria.
*Isunod ang mga: PITHAYA: sa maluwalhating Arkangel San Miguel.

PITHAYA: SA MALUWALHATING ARKANGEL SAN MIGUEL.

(Sagot - *Ipanalangin mo kami)

San Miguel, Arkangel ng Dios*
San Miguel, Puspos ng karunungan*
San Miguel, Salamin ng kababaang loob*
San Miguel, Huwaran sa pagsunod*
San Miguel, Dakilang tagasamba ng Verbo ng Dios*
San Miguel, Napuputungan ng luwalhati at dangal*
San Miguel, Prinsiping makapangyarihan ng mga hukbo ng Diyos*
San Miguel, Tagapagbandila ng kabanal-banalang Trinidad*
San Miguel, Bantay ng Paraiso*
San Miguel, Anghel ng Kapayapaan*
San Miguel, Tagaakay at tagaaliw ng bayan ng Israel*
San Miguel, Ningning at tibay ng Iglesyang nakikibaka*
San Miguel, Dangal at katuwaan ng Iglesyang nagtatagumpay*
San Miguel, Ilaw ng mga angeles*
San Miguel, Tagapag-ampon ng mga sumasampalataya*
San Miguel, Alalay ng nakikilaban sa lilim ng bandila ng krus*
San Miguel, Buklod ng pag-iibigan*
San Miguel, Mandirigmang lumilipol sa mga herehe*
San Miguel, Tanglaw at pag-asa ng mga kaluluwa sa oras ng kamatayan*
San Miguel, Tagapag-ampon naming walang pagmamaliw*
San Miguel, Na tumutulong sa amin sa lahat ng mga pangangailangan*
San Miguel, Tagapamahayag ng hatol na walang hanggan*
San Miguel, Mapang-aliw sa mga kaluluwang nabibilanggo sa apoy sa
purgatoryo*
San Miguel, Na sa iyong kababaang loob sa simula pa ay ipinaghiganti mo
ang karapatan ng Diyos na iginagalang ng tanang mga angeles*
San Miguel, Sinaksihan ng Espiritu Santo na ikaw nga ay dakila at
makapangyarihan*
San Miguel, Na ang mga panalangin mo ay naghahatid sa kaharian ng
langit*
San Miguel, Katiwala ng Diyos sa pagtanggap sa mga kaluluwa sa oras ng
kamatayan*
San Miguel, Na pinupuri ng Banal na Kasulatan na sa iyo’y sinasabi
Prinsipe ng mga unang Prinsipe*
San Miguel, Na laging laan sa pagtulong sa mga anak ng Diyos*
San Miguel, Aming Prinsipe*
San Miguel, Pintakasi namin*

Antifona: Arkangel San Miguel Prinsipe ng mga hukbo sa langit; ipagtanggol mo kami sa labanan, ng hindi kami mapahamak sa kakilakilabot ng hatol ng
Diyos.

V: Ipanalangin mo kami Arkanghel San Miguel.
R: Sa ating Panginooong Diyos

MANALANGIN TAYO
Panginoong naming Hesukristo; marapatin mong pakabanalin kami sa pagpapala mong laging bago; at pakamtan mo sa amin, sa pamamagitan ni San Miguel, ang isang karunungang magtuturo sa amin na mag-impok ng kayamanang ukol sa langit at ipagpalit ang kayamanan sa lupa ng kayamanang walang katapusan sa kabilang buhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari sa lahat ng mga panahon. Siya nawa.

PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG SAN MIGUELSa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.PANALANGIN SA PAGHAHANDA...
04/05/2026

PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG SAN MIGUEL
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN SA PAGHAHANDA
Kataastaasang Panginoon at Diyos na walang hanggang kabutihan: Buong pagpapakumbabang nagpapatirapa sa harap ng trono ng iyong kadakilaang walang kahulilip, Ikaw ay sinasamba namin mula sa kaibuturan ng aming kaluluwa, humihingi kami ng tawad sa salang nagawa at ipinagmamakaawa naming marapatin Mo na pakinggan ang aming mga daing at ipagkaloob mo sa amin ang biyayang sa hinaharap ay huwag ka nang pagkasalanang muli ng tibay na kalooban ng mapag-labanan ang mga tukso ng aming kaaway at ang kalu-walhatiang walang hanggan sa langit. Bahagian Mo kami niyong banal na pagmamalasakit na ipagtanggol ang lyong karangalan ng maluwalhating Arkanghel San Miguel, laki aya, pagkabanal at maalab, na minarapat Mong gawin siyang Prinsipe ng mga hukbo ng mga Angeles, llayo mo ang aming espiritu sa pag-ibig sa mundo, pakalinisin Mo ang anumang hilig ng kalupaan: at bigyan Mo kami ng tibay ng loob para sa kahulilaan ng laman, ng mundo at ng masamang espiritu ay matutuhan naming ilaban sa kanila yaong tinig ng pagtatanggol: "Sino ang katulad ng Diyos?" na sa pamamagitan nito ay niyurakan ng Arkanghel San Miguel ang demonyo noong kaarawan ng mapagtagumpay niyang pakikihamok sa pagsanggalang ng lyong karapatang inalipusta. Siya nawa.

IKAPITONG ARAW
Pagninilay: Si San Miguel ang nag-aalay na ating mga panalangin sa Diyos.

1. Baga man ang lahat ng mga banal na anghel at tangi ang ating anghel na tagatanod ay nananalangin sa Diyos at iniaalay ang ating mga panalangin at mabubuting gawa, sa isang paraang lalong tangi ay si San Miguel nasiyang nag-aalay sa Panginoon ng ating mga pagtawag sa kanya. Ito ang itinuturo sa atin ng Santa Iglesya; sa mga labi ng mga saserdote ang isang marikit na pagsamo na hinihiling sa kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng mapalad na si San Miguel Arkanghel na nakatindig sa kanan ng altar ng insyenso at ng lahat ng mga hinirang, ay marapating basbasan ng Panginoon ang insyenso na pinaiilanlang natin sa kaniyang harapan at tanggapin sa halimuyak ng kaganaan. Natatanto natin na ang insyenso ang larawan ng mga panalangin ng Iglesya militante nakikipagbaka na. at inihatid mo ang aking kaluluwa sa paraiso ng walang hanggang katuwaan”. Ang Diyos na rin ang naglagay na Prinsipe sa Banal na arkanghel, at "Praepositus paradisi" alalaong baga'y katiwala ng kaluwalhatian sa langit, na doon siya ang nagtuturo ng pook na nararapat sa bawat isang kaluluwa na magkapalad na makalipad sa tahanan ng kaligayahan. Dito natin mahihinuha ang pagsusumikap niya sa mga huling sandali ng ating buhay upang maligtas tayo sa daya ni Satanas; siya na masidhing ninanais na maragdagan ang bilang ng tagasamba sa Diyos at tanging umibig sa kaluwalhatian ng kaniyang kadakilaan. Pagsikapan mo, sa pamamagitan ng mabuti mong gawa, na maging dapat ka sa pagkakandili ni San Miguel sa katakot-takot na oras na yaon. Sa bagay na ito ano ang naisagawa mo hanggang ngayon? Ano ang nararapat mong gawin.

2. Ang banal na arkanghel din ang magiging taga-uri ng ating mga gawa ayon sa kaniyang espiritu, sa kabutihan at ayon sa pagmamalasakit sa paggawa. Si Daniel ang nagbigay alam kay Baltazar na suwail na ang kaniyang mga gawa ay tinimbang na sa timbangan ng katarungan ng Diyos at nakitang malaki ang nagiging kulang upang umabot sa nararapat na timbang. At sa aba mong kristiyano, kung makita ng Dakilang Arkanghel kung timbangin na ang iyong mga gawa na kulang sa bigat ang mabubuti na maiharap sa Diyos. Maghanda ka habang may panahon, sapagkat walang lalong mahalaga sa iyo di gaya ng kaligtasan ng iyong kaluluwa ano ang mapapakinabang mo sa lahat ng bagay o ano ang maidudulot sa iyo ng lahat ng bagay sa mundong ito? Pagnilaynilayin mo ang mga bagay na ito at hingin mo ang biyayang nais kamtan sa pagsisiyam na ito.*Isunod ang panalangin sa araw-araw.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Maluwalhating San Miguel Arkanghel, Prinsipe ng mga hukbo ng kalangitan, Kapitan ng mga Hukbo ng Diyos, Pintakasi at Tagapamagitan ng lahat ng tapat niyang mga anak; hinihiling namin sa iyo ng buong kapakumbabaan, na sa pagmamalasakit na ipinamalas mo sa karapatan ng Diyos, sa katapangan ng ibulusok mo mula sa langit ang anghel na nagkasala at itanikala sa pusod ng impyerno, ay marapatin mong ipagkaloob sa amin ang tapang at lakas na kinakailangan namin upang mapaglabanan namin ang mga tudla ng masasamang espiritu. Bigyan mo kami ng maliwanag na kaalaman at isang pusong matimtiman upang ibigin ang Diyos na lalo sa lahat ng bagay, na ang kaniyang kadakilaan, ang kaniyang mga katangian at kaluwalhatian ay magbigay ng isang lubos na pagkakilala ng kaniyang kataastaasang kapangyarihan na kung kami ay tinutukso ay matutuhan namin ang tumugon ng "Sino ang katulad ng Diyos" na sa lyo ay nagdudulot ng ganap na tagumpay sa pakikibaka mo kay Lucifer at mga angeles niya.

Buong kaawaang titigan mo kami na lagi na lamang sinisiklot-siklot ng nagngangalit na kaaway mo at ng aming kaluluwa; pakamtan mo sa amin yaong diwa ng pag-ibig sa Diyos na naging lakas mo sa pagyurak sa kaaway; iligtas mo kami sa kaniyang mga bitag at ihatid mo sa langit ang mga kahabag-habag naming kaluluwa; lpagsanggalang mo ang Iglesya ng Diyos na siyang laging tudlaan ng nagngingitngit na galit ng diyablo; ikaw ang laging maging hindi magagaping alalay ng Papa na naliligid ng di mabilang na kaaway. Ihingi kami ng paumanhin at ipagtanggol sa harap ng Diyos at gawin mong maging dapat kaming umawit ng walang humpay ng pagpupuri sa kaluwalhatian at ulit-ulitin ang kaniyang kadakilaan sa pamamagitan ng awit ngayon at kailan man ay nakalilito sa palalong Lucifer, sa pamamagitan ng dakila at nakabibighaning "Sino ang katulad ng Diyos"? Siya nawa.

Tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Gloria.
*Isunod ang mga: PITHAYA: sa maluwalhating Arkangel San Miguel.

PITHAYA: SA MALUWALHATING ARKANGEL SAN MIGUEL.

(Sagot - *Ipanalangin mo kami)

San Miguel, Arkangel ng Dios*
San Miguel, Puspos ng karunungan*
San Miguel, Salamin ng kababaang loob*
San Miguel, Huwaran sa pagsunod*
San Miguel, Dakilang tagasamba ng Verbo ng Dios*
San Miguel, Napuputungan ng luwalhati at dangal*
San Miguel, Prinsiping makapangyarihan ng mga hukbo ng Diyos*
San Miguel, Tagapagbandila ng kabanal-banalang Trinidad*
San Miguel, Bantay ng Paraiso*
San Miguel, Anghel ng Kapayapaan*
San Miguel, Tagaakay at tagaaliw ng bayan ng Israel*
San Miguel, Ningning at tibay ng Iglesyang nakikibaka*
San Miguel, Dangal at katuwaan ng Iglesyang nagtatagumpay*
San Miguel, Ilaw ng mga angeles*
San Miguel, Tagapag-ampon ng mga sumasampalataya*
San Miguel, Alalay ng nakikilaban sa lilim ng bandila ng krus*
San Miguel, Buklod ng pag-iibigan*
San Miguel, Mandirigmang lumilipol sa mga herehe*
San Miguel, Tanglaw at pag-asa ng mga kaluluwa sa oras ng kamatayan*
San Miguel, Tagapag-ampon naming walang pagmamaliw*
San Miguel, Na tumutulong sa amin sa lahat ng mga pangangailangan*
San Miguel, Tagapamahayag ng hatol na walang hanggan*
San Miguel, Mapang-aliw sa mga kaluluwang nabibilanggo sa apoy sa
purgatoryo*
San Miguel, Na sa iyong kababaang loob sa simula pa ay ipinaghiganti mo
ang karapatan ng Diyos na iginagalang ng tanang mga angeles*
San Miguel, Sinaksihan ng Espiritu Santo na ikaw nga ay dakila at
makapangyarihan*
San Miguel, Na ang mga panalangin mo ay naghahatid sa kaharian ng
langit*
San Miguel, Katiwala ng Diyos sa pagtanggap sa mga kaluluwa sa oras ng
kamatayan*
San Miguel, Na pinupuri ng Banal na Kasulatan na sa iyo’y sinasabi
Prinsipe ng mga unang Prinsipe*
San Miguel, Na laging laan sa pagtulong sa mga anak ng Diyos*
San Miguel, Aming Prinsipe*
San Miguel, Pintakasi namin*

Antifona: Arkangel San Miguel Prinsipe ng mga hukbo sa langit; ipagtanggol mo kami sa labanan, ng hindi kami mapahamak sa kakilakilabot ng hatol ng
Diyos.

V: Ipanalangin mo kami Arkanghel San Miguel.
R: Sa ating Panginooong Diyos

MANALANGIN TAYO
Panginoong naming Hesukristo; marapatin mong pakabanalin kami sa pagpapala mong laging bago; at pakamtan mo sa amin, sa pamamagitan ni San Miguel, ang isang karunungang magtuturo sa amin na mag-impok ng kayamanang ukol sa langit at ipagpalit ang kayamanan sa lupa ng kayamanang walang katapusan sa kabilang buhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari sa lahat ng mga panahon. Siya nawa.

PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG SAN MIGUELSa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.PANALANGIN SA PAGHAHANDA...
03/05/2026

PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG SAN MIGUEL
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN SA PAGHAHANDA
Kataastaasang Panginoon at Diyos na walang hanggang kabutihan: Buong pagpapakumbabang nagpapatirapa sa harap ng trono ng iyong kadakilaang walang kahulilip, Ikaw ay sinasamba namin mula sa kaibuturan ng aming kaluluwa, humihingi kami ng tawad sa salang nagawa at ipinagmamakaawa naming marapatin Mo na pakinggan ang aming mga daing at ipagkaloob mo sa amin ang biyayang sa hinaharap ay huwag ka nang pagkasalanang muli ng tibay na kalooban ng mapag-labanan ang mga tukso ng aming kaaway at ang kalu-walhatiang walang hanggan sa langit. Bahagian Mo kami niyong banal na pagmamalasakit na ipagtanggol ang lyong karangalan ng maluwalhating Arkanghel San Miguel, laki aya, pagkabanal at maalab, na minarapat Mong gawin siyang Prinsipe ng mga hukbo ng mga Angeles, llayo mo ang aming espiritu sa pag-ibig sa mundo, pakalinisin Mo ang anumang hilig ng kalupaan: at bigyan Mo kami ng tibay ng loob para sa kahulilaan ng laman, ng mundo at ng masamang espiritu ay matutuhan naming ilaban sa kanila yaong tinig ng pagtatanggol: "Sino ang katulad ng Diyos?" na sa pamamagitan nito ay niyurakan ng Arkanghel San Miguel ang demonyo noong kaarawan ng mapagtagumpay niyang pakikihamok sa pagsanggalang ng lyong karapatang inalipusta. Siya nawa.

IKA-ANIM NA ARAW
Pagninilay: Si San Miguel ang anghel na tagatanod ng Papa.

1. Kung sa bawat taong nagtataglay ng katungkulan ay inilalaan ng Panginoon ang isang anghel na nakataas ang katangian sa mga anghel na tagapag-tanod sa karamihang mga tao, sa nalalagay sa pinaka-mataas na katungkulan kay sa karaniwang mga anak ng Diyos ay inilalaan Niya ang pinakapuno ng mga angheles. Si San Miguel ang anghel na laan upang tanuran ang Iglesya ni Hesukristo; at karapat-dapat din naman na siya rin ang anghel na magbantay, tumulong, manguna magtanggol, tumanglaw at sumubaybay sa kataas-taasang Pontipise sa lahat niyang gawain sa pagiging Puno niya ng Iglesya, Pastor, G**o, Taga-akay at llaw ng yuta-yutang kaluluwa na patungo sa Diyos mula sa bayan ng luha at mga kapaitan. Inibig ng Diyos na ang Prinsepe ng kaniyang Iglesyang nagtatagumpay na siya ring maging Prinsipe ng Kanyang Iglesyang nakikihamok pa. Ang Prinsipe ng mga anghel na nagsipaghimagsik, sa pagtudla niya sa Iglesya ay ninanais sugatan unang-una ang Ulo o Puno ng nasabing Iglesya, kaya naman si San Miguel, sa pamamagitan ng kaniyang kalasag, ang siyang nagsasanggalang sa Papa at niyuyurakan niya ng panibago ang palalong anghel na naghimagsik. Tumawag ka kay San Miguel sa kapakanan ng Banal na gawa at hilingin mong ikaw ay maging laging mapahinuhod at masunurin sa kahalili ni Hesukristo sa lupa.

2. Walang patid na pakikibaka at walang humpay na pakikihamok ng Banal na Ama laban sa lahat ng uri ng kaaway na pinagagalaw ng demonyo. at punongpunong ng p**t laban sa Iglesya at sa kaniyang Vicario. Si San Miguel ang nakikilaban sa kasubaybay ng Papa at siyang nagbibigay ng kahanga-hangang tibay na pinangingilabutan ng mga anak ng impyerno at
nakaaaliw sa tapat na sumasampalataya at nagpapalagi sa Banal na Prinsipe sa kapayapaan at kapanatagang nakatumbalik ng hindi pagkalagyan ng kaniyang mga kaaway. Kahangahanga ang walang pagkasirang katiwasayan ng Santa Iglesya, na hindi man lamang siya nagugulumihan sa mga tudla ng masasama, at nagpupuri sa Diyos na naglagay sa kaniyang piling sa Prinsipe ng mga hukbo ng mga angeles na siyang tumatalo at yumuyurak na walang likat ka Satanas Tumawag ka sa Banal na Arkanghel at tutulungan ka niya sa mga tukso at kahinaan. Pagnilaynilayin mo ang mga bagay na ito at hingin mo ang biyayang nais kamtan sa pagsisiyam na ito.*Isunod ang panalangin sa araw-araw.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Maluwalhating San Miguel Arkanghel, Prinsipe ng mga hukbo ng kalangitan, Kapitan ng mga Hukbo ng Diyos, Pintakasi at Tagapamagitan ng lahat ng tapat niyang mga anak; hinihiling namin sa iyo ng buong kapakumbabaan, na sa pagmamalasakit na ipinamalas mo sa karapatan ng Diyos, sa katapangan ng ibulusok mo mula sa langit ang anghel na nagkasala at itanikala sa pusod ng impyerno, ay marapatin mong ipagkaloob sa amin ang tapang at lakas na kinakailangan namin upang mapaglabanan namin ang mga tudla ng masasamang espiritu. Bigyan mo kami ng maliwanag na kaalaman at isang pusong matimtiman upang ibigin ang Diyos na lalo sa lahat ng bagay, na ang kaniyang kadakilaan, ang kaniyang mga katangian at kaluwalhatian ay magbigay ng isang lubos na pagkakilala ng kaniyang kataastaasang kapangyarihan na kung kami ay tinutukso ay matutuhan namin ang tumugon ng "Sino ang katulad ng Diyos" na sa lyo ay nagdudulot ng ganap na tagumpay sa pakikibaka mo kay Lucifer at mga angeles niya.

Buong kaawaang titigan mo kami na lagi na lamang sinisiklot-siklot ng nagngangalit na kaaway mo at ng aming kaluluwa; pakamtan mo sa amin yaong diwa ng pag-ibig sa Diyos na naging lakas mo sa pagyurak sa kaaway; iligtas mo kami sa kaniyang mga bitag at ihatid mo sa langit ang mga kahabag-habag naming kaluluwa; lpagsanggalang mo ang Iglesya ng Diyos na siyang laging tudlaan ng nagngingitngit na galit ng diyablo; ikaw ang laging maging hindi magagaping alalay ng Papa na naliligid ng di mabilang na kaaway. Ihingi kami ng paumanhin at ipagtanggol sa harap ng Diyos at gawin mong maging dapat kaming umawit ng walang humpay ng pagpupuri sa kaluwalhatian at ulit-ulitin ang kaniyang kadakilaan sa pamamagitan ng awit ngayon at kailan man ay nakalilito sa palalong Lucifer, sa pamamagitan ng dakila at nakabibighaning "Sino ang katulad ng Diyos"? Siya nawa.

Tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Gloria.
*Isunod ang mga: PITHAYA: sa maluwalhating Arkangel San Miguel.

PITHAYA: SA MALUWALHATING ARKANGEL SAN MIGUEL.

(Sagot - *Ipanalangin mo kami)

San Miguel, Arkangel ng Dios*
San Miguel, Puspos ng karunungan*
San Miguel, Salamin ng kababaang loob*
San Miguel, Huwaran sa pagsunod*
San Miguel, Dakilang tagasamba ng Verbo ng Dios*
San Miguel, Napuputungan ng luwalhati at dangal*
San Miguel, Prinsiping makapangyarihan ng mga hukbo ng Diyos*
San Miguel, Tagapagbandila ng kabanal-banalang Trinidad*
San Miguel, Bantay ng Paraiso*
San Miguel, Anghel ng Kapayapaan*
San Miguel, Tagaakay at tagaaliw ng bayan ng Israel*
San Miguel, Ningning at tibay ng Iglesyang nakikibaka*
San Miguel, Dangal at katuwaan ng Iglesyang nagtatagumpay*
San Miguel, Ilaw ng mga angeles*
San Miguel, Tagapag-ampon ng mga sumasampalataya*
San Miguel, Alalay ng nakikilaban sa lilim ng bandila ng krus*
San Miguel, Buklod ng pag-iibigan*
San Miguel, Mandirigmang lumilipol sa mga herehe*
San Miguel, Tanglaw at pag-asa ng mga kaluluwa sa oras ng kamatayan*
San Miguel, Tagapag-ampon naming walang pagmamaliw*
San Miguel, Na tumutulong sa amin sa lahat ng mga pangangailangan*
San Miguel, Tagapamahayag ng hatol na walang hanggan*
San Miguel, Mapang-aliw sa mga kaluluwang nabibilanggo sa apoy sa
purgatoryo*
San Miguel, Na sa iyong kababaang loob sa simula pa ay ipinaghiganti mo
ang karapatan ng Diyos na iginagalang ng tanang mga angeles*
San Miguel, Sinaksihan ng Espiritu Santo na ikaw nga ay dakila at
makapangyarihan*
San Miguel, Na ang mga panalangin mo ay naghahatid sa kaharian ng
langit*
San Miguel, Katiwala ng Diyos sa pagtanggap sa mga kaluluwa sa oras ng
kamatayan*
San Miguel, Na pinupuri ng Banal na Kasulatan na sa iyo’y sinasabi
Prinsipe ng mga unang Prinsipe*
San Miguel, Na laging laan sa pagtulong sa mga anak ng Diyos*
San Miguel, Aming Prinsipe*
San Miguel, Pintakasi namin*

Antifona: Arkangel San Miguel Prinsipe ng mga hukbo sa langit; ipagtanggol mo kami sa labanan, ng hindi kami mapahamak sa kakilakilabot ng hatol ng
Diyos.

V: Ipanalangin mo kami Arkanghel San Miguel.
R: Sa ating Panginooong Diyos

MANALANGIN TAYO
Panginoong naming Hesukristo; marapatin mong pakabanalin kami sa pagpapala mong laging bago; at pakamtan mo sa amin, sa pamamagitan ni San Miguel, ang isang karunungang magtuturo sa amin na mag-impok ng kayamanang ukol sa langit at ipagpalit ang kayamanan sa lupa ng kayamanang walang katapusan sa kabilang buhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari sa lahat ng mga panahon. Siya nawa.

Address

Poblacion
Rizal
4003

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lingkod ng Simbahan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Lingkod ng Simbahan:

Share