25/08/2026
𝐒𝐍𝐃𝐒𝐏𝐘𝐌 || 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
𝐌𝐄𝐍𝐒𝐀𝐇𝐄 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓📌
Ang Ministeryo ng Kabataan ng ating Parokya ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi, sumuporta, tumulong, at naglaan ng kanilang oras, talento, at resources para sa matagumpay na pagsasagawa ng SILAB FORMATION 2026: “Igniting the Fire of Faith.”
Lubos po ang aming pasasalamat sa mga ss:
- Sa aming Kura Paroko, Reb. Padre Anthony Almadrones sa walang sawang pagsuporta sa mga gawain para sa paghubog ng ating mga kabataan. At s’yang naging sponsor para sa pagkain ng mga kabataan.
- Sa mga Parokyanong nagbigay sa Second Collection, para pagdagdag sa ibang pangangailangan sa aming Formation.
- Kay Ate Rhodalyn Guarin, Ate Mikee Guarin, at Kuya Ricky Tacardon na nag-asikaso sa lahat ng paghahanda para sa pagkain, meryenda at iba pa.
- Kay Sis. Lorie Tamaño na nagpahiram ng mga upuan, para may magamit sa hapag-kainan.
- Kay Sis. Neneng Eleuterio, sa pag-sponsor po ng ibang mga gamit upang maging matagumpay ang Team Building ng mga Kabataan.
- Sa Our Lady of Fatima Parish, Bataraza- Youth Ministry, sa pangunguna ni Ate Cheska Espinosa na pagpahiram ng kanilang streak at letter standee (SILAB🔥) Salamat po ng marami🫰🏼
- Sa aming speakers/facilitators, Ate Leah Gail Rubi at Ate Tin Cervantes Aquias
- Sa aming facilitators, Sr. Jamelah Ampa, MSLT, Ate Ning Cuteacher Grace at Ate Jemalyn Gador
at sa lahat ng kabataan na buong pusong nakibahagi sa araw ng paghubog, pananalangin, pagkatuto, pagbabahagi, at pakikipagkaibigan.
Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo sa Panginoon na patuloy na nag-aalab sa puso ng bawat kabataan at tumatawag sa kanila upang maging ilaw at saksi ng pananampalataya sa kanilang pamilya, paaralan, komunidad, at Simbahan.
Ang SILAB Formation ay maaaring natapos na, ngunit ang apoy ng pananampalataya ay hindi dapat mamatay. Dalhin natin ang mga natutunan, karanasan, at inspirasyong ating natanggap, at hayaan nating maging gabay ito sa ating patuloy na paglalakbay kasama si Kristo.
🔥 Mula sa SILAB, patuloy nating panatilihing nag-aalab ang apoy ng pananampalataya!
Maraming salamat po sa inyong lahat!
Kalakbay, Kabataan! ❤️🔥
Mabuhay ang Kabataang may SIL🔥B!